Skip to playerSkip to main content
Pinag-aaralan ng House Justice Committee ang desisyon ng Commission on Audit na pagbasura sa apela ng Office of the Vice President kaugnay sa inilabas na notice of disallowance para sa mahigit 73 million pesos na confidential funds para sa taong 2022. Ayon sa isang mambabatas, maaari itong pagbasehan para masabing may impeachable offense ang bise.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinag-aaralan ng House Justice Committee ang desisyon ng Commission on Audit na pagbasura sa apelan ng Office of the
00:06Vice President
00:06kagmaysa inilabas ng Notice of Disallowance para sa maygit 73 million pesos na confidential funds para sa taong 2022.
00:15Ayon po sa isang mababatas, maaari itong pagbasihan para masabing may impeachable offense ang vice-presidente.
00:21Saksi, si Tina Pangiliban Perez.
00:26Sa Commission on Audit Decision No. 2026-171 na may pechang April 10,
00:33unanimous ang chairperson at dalawang commissioners ng COA sa pagbasura sa apelan ng Office of the Vice President
00:40sa Notice of Disallowance sa mahigit 73 million pesos na confidential funds ng OVP noong 2022.
00:48Magugunitang noong Dec. 21 hanggang 31, 2022, ginamit ng OVP ang 125 million pesos na confidential funds.
00:58Pero mahigit 73 million pesos dito ang disallowed ng COA.
01:03Kasama rito ang mahigit 69 million pesos na halaga ng pabuya in cash, in kind at gamot sa mga informant
01:11na sabi ng COA ay dapat suportado ng mga tamang dokumento na magpapatunay na matagumpay ang isinagawang surveillance operation.
01:20Sagot ng OVP, matagumpay ang operasyon nila dahil wala namang nangyaring aberya na konektado sa siguridad.
01:28Pero sabi ng COA, hindi ganun yun. Kasi dapat magsumite ang OVP ng Accomplishment Report na may breakdown ng pinagamitan
01:37ng confidential funds
01:39at bakit masasabing nagtagumpay ang mga ito.
01:43Disallowed din ang 3.5 million pesos na pinambili ng mga mesa, upuan, computers at printers.
01:50Sabi ng COA, kailangang may official receipts o sales invoice ang mga ito at hindi lang acknowledgement receipts.
01:58Sa apela ng OVP, sinabi nitong nalabag ang karapatan nito sa due process.
02:04Bagay na pinabulaanan ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office.
02:10Tingin ni House Justice Committee Member Representative Terry Ridon,
02:14Magiging basehan ang COA decision para sabihing nagkaroon ng impeachable offense ang bise.
02:20The fact that the Vice President and two of her OVP officials are being asked to return 73 million
02:31is already the proof that the use was improper, that the use was irregular, that there was a misuse of
02:39confidential funds.
02:39And therefore, I think as far as the House is concerned, it will basically rise to a level of an
02:45impeachable offense.
02:48Particularly, betrayal of public trust.
02:50Kasi syempre, public office is a public trust.
02:54Yung pong ganito pong panggamit ng pera, people have been jailed for less.
02:58Sabi ng isa pang miyembro ng Justice Committee na si Representative Joel Chua.
03:03Dito, lumalabas, it's either mali yung paggamit, hindi nagamit ng maayos, or hindi na justify yung paggamit.
03:11So, either kung ano man dun, ibig sabihin talaga may problema sa paggamit.
03:18Or hindi talaga mapaliwanag kung paano nagamit.
03:21Panawagan ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V, na endorser ng Cabrera impeachment complaint,
03:29ibalik ni VP Duterte ang 73 million pesos at panagutan ang kanyang nagawa.
03:35Pero kapag isinauli ba ng BISE ang 73 million pesos, wala na siyang impeachable offense?
03:41Hindi din po ma-absolve kung meron pong impeachment proceedings laban sa kanya.
03:47Kasi nga, yung pong acts ng misuse of confidential funds would constitute already a betrayal of public trust and impeachable
03:56offense.
03:56So, we will continue to proceed against the Vice President even if she actually returns yung pong 73 million.
04:05Inudyo ka naman ni Manila Representative Bienvenido Abante, na nag-entorso rin sa Cabrera impeachment complaint,
04:12si VP Duterte, na humarap sa House Committee on Justice, imbis na idaan sa mga press release at social media
04:20posts ang kanyang mga paliwanag.
04:23Naniniwala ang ilang membro ng House Committee on Justice na mabigat ang mga nalantad na sa komite laban kay Vice
04:29President Sara Duterte.
04:31Pero may pagkakataon pa raw siyang kontrahin ang mga ito.
04:34Well, kung sa bigat at bigat, masasabi natin may puntos.
04:39Pero siyempre, hindi mo naman po pwedeng sabihin na may probable cause na agad kasi hindi pa naman tapos yung
04:45committee hearing.
04:46O pwede pang magsumiti ang defense ng kanilang mga ebedensya to disprove or to rebut lahat ng mga allegations sa
04:57kanila.
04:57Kaya nga po yung determination ng probable cause, sa dulo pa yan.
05:01Sinisika pa ng GMA News na makuha ang panig ni Duterte at ng OVP.
05:07Bukod naman sa P73M na disallowance, sabi ng COA, may isa pang notice of disallowance silang ipinadala sa OVP
05:16para naman sa P375M confidential funds para sa 1st, 2nd at 3rd quarter ng taong 2023.
05:26Hindi malinaw kung nasagot na ito ng OVP.
05:29Ang Internal Affairs Board ng Office of the Ombudsman nag-issue ng show cause order laban kay Atty. Ryan Quilala
05:37para hinga ng paliwanag sa mga akusasyon ni Ramil Madriaga.
05:41Sa pagdinig kasi ng House Committee on Justice tungkol sa impeachment complaints laban kay Vice President Duterte,
05:48binanggit ang pangalan ni Atty. Quilala na Special Assistant Prosecutor ng Office of the Ombudsman.
05:54Sa testimony ni Ramil Madriaga, sinabi niyang nagbigay umano siya ng dalawang duffel bag kay Quilala
06:01na may laman umanong tig P30M hanggang P35M bawat isa.
06:07Binigyang D&E Assistant Ombudsman Mico Clavano na mahalagang masiguro ang integridad ng Ombudsman sa pamamagitan ng masusing investigasyon.
06:16Yes, with regards to Attorney Ryan Quilala, the office through the Internal Affairs Board had already issued a show cause
06:28order.
06:29So this is something that we will pursue to make sure that yung integrity ho ng ating opisina ay nandoon
06:37pa rin. We get to the bottom of it.
06:39Paglilinaw ni Clavano, ang show cause order ay hakbang upang hinga ng paliwanag si Quilala at hindi pa ito kaparusahan.
06:47Nananatili rin umano sa tungkulin si Quilala habang isinasagawa ang proseso.
06:53Ako si Tina Pangaliban Perez, ang inyong saksi.
Comments

Recommended