Skip to playerSkip to main content
Sinuspinde na ni Pangulong Bongbong Marcos ang excise tax, pero para lang sa LPG at Kerosene.


Walang anunsyo kung ipatutupad din ito sa diesel at gasolina pero may ipatutupad namang rollback sa presyo ng petrolyo bukas.


Ang problema, baka hindi rin ito magtagal ngayong tumaas na naman ang bentahan ng krudo sa pandaigdigang merkado.


Kasunod 'yan ng utos ni US President Donald Trump na harangin ang mga barkong dadaan sa Strait of Hormuz.


Panoorin ang report.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sino spend din na ni Pangulong Bongbong Marcos ang excise tax, pero para lang sa LPG at kerosene.
00:07Wala pang anunsyo kung ipatuto pa din ito sa diesel at gasolina dahil marami pa umunong kailangang isaalang-alang.
00:14Sa gitna niya, nag-jumping jack at jogging pa ang Pangulo para muling igiit na mabuti ang kalusugan,
00:21sabay hamon sa mga nagsasabing may sakit siya.
00:25Nakatutok live si Ivan Mayrin.
00:27Ivan!
00:31Mel, Emil, Vicky, nagpatawag nga na isang biglaang press conference si Pangulong Bongbong Marcos ngayong hapon dito sa Malacanang.
00:39Maliban sa isang mahalagang anunsyo kaunay sa excise tax, e pinakitaan din tayo ng Pangulo ng konting exercise.
00:54Nag-jumping jacks pa ang Pangulo.
00:56Ilang sandali bago pumasok sa briefing room, para sa'y pinatawag niyang biglaang press conference sa Malacanang.
01:05Bagay na inulit pa niya pagpasok sa briefing room.
01:08Nasinundan ang hamon sa mga nagsasabing may sakit siya.
01:11So this has been done today.
01:14And I challenge anyone who are saying that I am sick, that they come and exercise with me.
01:23We will see who is stronger.
01:24Come to the gym with me.
01:25Tingnan natin kung sino mas malakas magbuat ng weight.
01:29Yung mga taong yan na nagsabi sa inyo na may sakit ako, na baldado na ako, ngayon alam ninyo puro
01:38sinungaling niyong mga yan.
01:40Kaya lahat ng sasabihin ng mga yan kasinungalingan.
01:43Kaya huwag niyo nang paniwalaan kung sino man yung mga yun.
01:46Now you know who the liars are and who is telling the truth.
01:51Ginawa ito ng pangulok o salod ang pagkarat ng mga pao sa social media nitong nakaraang linggo na may malubha
01:56siyang sakit.
01:57Katunayan matapos daw magkaroon ng diverticulitis itong inero.
02:00Tuloy-tuloy na raw ang pagbuti ng kanyang kalusugan.
02:03At hindi na raw muling na-ospital mula noon.
02:05Tuloy-tuloy na rin daw ang kanyang exercise.
02:08Pero may iniinom lang na maintenance.
02:10I have, okay, two.
02:12One for gout, which is lupurinol.
02:16Nasa lahi namin mga ilokano magka-gout eh.
02:20And the other is for high blood pressure.
02:23For hypertension.
02:24Those are the only two medicines that I take.
02:27Pero ang tunay na pakin ng Pangulo sa PES Conference ay para i-enunsyo kanyang paunang pa siya.
02:31Tukol sa excise tax sa petrolyo.
02:34Yun nga lang, para sa LPG at kerosene pa lang.
02:39So sa ilalim ng kapangyarihan na binigay sa atin ng batas,
02:43tinanggal ko na ang excise tax sa LPG at sa kerosene.
02:48Ang katumbas nito ay 3.36, 3.36 pambawas ng kada kilo ng LPG.
03:02Halos 37 pesos sa isang tangke ang mababawasan ng presyo.
03:06At 5.60, 5 pesos 60 centavos kada litro ng kerosene.
03:15Ibig sabihin, mas mababa ang gastos sa pagluluto at sa araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya.
03:22Pero wala pang anunsyo kung magkakaroon din ang pagbawas o pagsuspindi sa excise tax sa diesel at gasolina.
03:27Pag-uusapan daw muli ito bukas ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o Uplift Committee.
03:35Marami daw kasi kailangan sa alang-alang sa mga desisyong pagbabawas sa buwi sa petrolyo.
03:39Tulad na lang ng mga panawagang tanggalin ang value-added tax o VAT na 12% sa umiiraw na presyo
03:45ng petrolyo.
03:46Lahat daw ng mga ito, masusipin nag-aaralan.
03:49If we take away the VAT on petroleum products, it will only help the petroleum market.
03:58What we need is funding to help the entire society.
04:03Hindi pwedeng, yun lang, ititignan lang natin is the petroleum, petroleum, petroleum.
04:08Kasi sinasabi ng mga tao, bakit puro transport workers lang ang tinutulungan nyo?
04:12Paano kami? Bakit?
04:13We also have to take care of the other sectors.
04:17So with the additional funding that we will get from the VAT collections,
04:20yun ang gagamitin ngayon natin to provide.
04:23That fund will not exist if we remove the VAT on petroleum products alone.
04:31Tuloy ang pagsiguro ng Pangulo na sapat ang supply ng pagkain at produktong petrolyo,
04:35kasabay ng pagsabing patuloy ang paghanap ng pamamaraan
04:38para mapagaan ang bigat ng krisis sa langis ng pinagdaraanan ng bansa.
04:42Kaya ang araw niya ay pinakitang malakas at malusog siya para hindi na dumagdag pa sa alalahanin ng bayan.
04:49At kasunod niyan, nagjaging pa ang Pangulo, papasok sa kanyang opisina.
05:00Vicky, kasabay ng Uplift Committee meeting bukas ay inaasahang sisimula na rin
05:05ang paggulong o pag-rollout ng 10 pisong diskwento sa krudo para sa mga jeep at bus sa Metro Manila.
05:13At sa susunod na araw naman, sa Merkules, ay magsisimula na rin ang service contracting sa pampublikong transportasyon.
05:19Vicky.
05:20Question, Ivan. Ano pa raw ba yung mga isinasaalang-alang pabago magpas siya ang Pangulo
05:25kung tatanggalin o yung babawasan ng excise tax sa diesel at gasolina?
05:33Vicky, kanina lamang may nakausap tayong source na umuupo dyan sa mga pagpupulong ng Uplift Committee na yan.
05:39At ang bottom line niya nga nga niya ay yung revenue impact.
05:43Kung ano magiging epekto ng pagbabawas sa anumang buwis, excise man yan o bat, sa koleksyon ng gobyerno.
05:49Dahil ngayong mga panahon na ito, higit na kailangan ng gobyerno ang pondo.
05:54Pero anumang pababawas sa buwis ay kabawasan niya sa pondo na ginagamit naman ang pamahalaan
05:59para tulungan ang mga sektor na pinaka-apektado ng nangyayaring krisis na ito.
06:04Ang sabi niya rin, meron na round desisyon ang Pangulo ang pinag-uusapan na lamang ay yung aktual na mga
06:11numero.
06:11Dahil kailangan daw na pag-aralan pa ng kumaga one last look,
06:16ika nga, para pag-aralan yung huling mga numero na ipipresenta ng Pangulo sa bayan.
06:21Okay, maraming salamat sa iyo, Ivan Mayrina.
06:26Pansamantalang ginhawa rin, pagkatapos ng magkakasunod na mega oil price hike,
06:31ang ipatutupad na rollback sa presyo ng petrolyo bukas.
06:36Pero posibleng hindi rin niyang magtagal, nakatutok si Maki Pulido.
06:44Kung sa mga nakaraang linggo, uso ang pila ng mga naghahabol magpakarga ng petrolyo tuwing lunes.
06:50Ngayon, maraming tipid-tipid para mapaabot ng langis hanggang sa rollback na magsisimula bukas.
06:56Tiyak na yan, matapos bumaba ang presyo ng langis sa world market noong nakaraang linggo
07:01nang magdeklara ng ceasefire si US President Donald Trump.
07:05Mismo si Pangulong Bongbong Marcos ang nag-anunsyo ng rollback sa videong inilabas kagabi.
07:10Mahigit 20 pesos per liter ang bawas presyo sa diesel,
07:13mahigit 4 pesos sa gasolin at mahigit 8 pesos sa kerosene.
07:18Mas malaki pa nga ang rollback ng ilang oil companies.
07:21Pero meron ding 10 to 13 pesos lang ang projection tulad ng insular oil
07:26na nagsusupply ng langis sa ilang independent gasoline stations.
07:29Yung mga companies kasi, of course, they have their own computation
07:33depende sa purchase period nila at saka sa negosyasyon nila with their suppliers.
07:39Maliit din ang rollback kumpara sa sumatotal ng iminahal ng langis
07:43simula ng magkagera sa Iran.
07:45Sa diesel halimbawa na ginagamit ng mga jeepney,
07:48nasa 48 pesos hanggang mahigit 65 lang ang kada litro ng diesel bago magkagera.
07:54Pumalo pa yan hanggang sa mahigit 164 pesos kada litro noong April 7.
07:59Kaya nakukulangan ang ilan sa mga nakausap namin.
08:03Di masaya po eh kasi parang ganun din naman.
08:06Parang ganun pa rin po. Tataas din po yung sasusunod.
08:09Hindi pa na yung sapat yan.
08:10Pero yung triple na yung presyo, sapat ba yung 10 peso?
08:15Ano ang mangyari dyan?
08:1650 na on.
08:18Ngayong araw, bahagya pang tumaas ang bentahan ng langis sa world market
08:21dahil sa utos ni US President Donald Trump
08:24na haharangan ng US Navy ang Strait of Hormuz.
08:27Kaya posibleng muling magmahal ang langis sa susunod na linggo sa Pilipinas.
08:31Maaasahan natin na ang magiging reaksyon ng merkado dito
08:36ay magtataasan na naman ang presyo ng petrolyo.
08:39At nakikita na nga natin yan.
08:41Mas sumipa ang presyo ng diesel kumpara sa gasolina
08:44dahil nagka-shortage nito ng girahe ng Amerika at Israel ng Iran noong February 28.
08:49Lumaki ng lumaki yung cost niya because nawala ng supply.
08:54Mas mataas na siya ngayon kaysa sa gasolina.
08:56So nung medyo nagre-recover na po ngayon, nagkaroon ng peace stock,
08:59siya rin po yung unang-unang rumorollback ng malaki.
09:04And then at the same time, nagkakaroon na po ng supplier
09:06na kahit papano may nag-o-offer na po sa Asia.
09:11Kaya medyo mas malaki-laki po yung nairo-rollback niya.
09:15Makipulido na katutok, 24 oras.
09:18Bukod sa excise tax, gusto rin ang grupong Manibela
09:22na suspindihin muna ang VAT sa langis.
09:25Kaya muli silang magkakasa ng tatlong araw na tigilpasada
09:30simula sa miyerkulis,
09:32ang tugon ng palasyo sa pagtutok ni Salimare France.
09:42Tatlong araw na nationwide na tigilpasada ang kinakasa
09:45mula miyerkulis, April 15,
09:48hanggang biyernes, April 17,
09:50ng grupong Manibela.
09:51Nasaan ang gobyerno ni Bungbong Marcos Jr.
09:57dito sa gitna ng krisis ng walang habas
10:00na pagtaas ng mga produktong petrolyo?
10:04Pinabayaan ninyo.
10:06Pinabayaan ninyo na magkamal
10:08ng salapi itong mga oil companies na ito.
10:13Gitnila, wala na o ginagawa ang pamahalaan
10:16sa pahirap na dulo ng pagsirit ng presyo ng langis.
10:19Sinertify nyo as urgent
10:24ang pag-suspend sa excise tax
10:26na dapat kasama ang panyo added tax
10:29pero tayo pinabayaan natin hanggang sa ngayon.
10:32Binigyan ka na ng kapangyarihan
10:34pero ayaw mo pang gamitin.
10:36Bakit po?
10:37Git pa ng grupo,
10:39dapat magbitiw na sa pwesto
10:40si na Energy Secretary Sharon Garin
10:43at Transportation Secretary Giovanni Lopez.
10:46Kalahating milyong mga pampublikong
10:48sasakyan rawang laluhok sa Tigay Pasada
10:50kasama na ang mga taxi,
10:52TNVS at motorcycle taxi.
10:55Ang transport strike magsisimula
10:57sa mismong araw ng paglulunsad
10:59ng service contracting program
11:01at kasunod ng rollbacks
11:03sa presyo ng diesel.
11:05Ang mga banay solusyon
11:06na inilalatag ninyo
11:10ay hindi talaga kapakipakinabang
11:13yung ayuda na pinagmamalaki ninyo
11:16ng tatlong linggo
11:17iilan lamang ang nakakuha.
11:21Ang Malacanang,
11:22pumuelta sa balak na transport strike.
11:25Sa ating palagay,
11:27ang pag-hold ng transport strike
11:32ay hindi napapanahon sa ngayon.
11:35Hindi po ito makakatulong
11:37sa dinaranas po natin
11:39dulot ng krisis sa Middle East.
11:42Ang kinakilangan po lamang talaga dito
11:44ay negosasyon,
11:46pag-uusap,
11:47pagtutulungan.
11:48May nilinawang palasyo patungkol sa VAT.
11:50Wala pong kapangyarihan
11:52ng Pangulo na mag-suspend ng VAT
11:54dahil wala pong batas sa ngayon
11:56na siya'y binibigyan ng kapangyarihan.
11:58So, baka nagkakaroon po ng misconception
12:00at ngayon ay baka nakakarating
12:03sa mga transport sector,
12:06sa mga drivers, sa operators na
12:08sa isang click ay ma-suspend ang Pangulo,
12:11ang VAT.
12:12Wala pong kapangyarihan sa ngayon
12:14ang Pangulo na mag-suspend
12:17or mag-reduce ng VAT
12:19dahil wala pong batas
12:20na siya'y binibigyan patungkol dito.
12:22Patuloy na kinukuha ng GMA News
12:25ang panig ni Nagarin at Lopez
12:27sa mga panawagang magbitiw na sila sa pwesto.
12:30Ang ibang mga transport group naman,
12:32sinabing hindi sila sasama sa Tigil Pasada.
12:35Ayaw na raw nila
12:36managdaga ng pahirap sa mga commuter.
12:38Hindi po lalahok sa anumang uri
12:41ng Tigil Pasada na gagawin ng ibang grupo.
12:44Nire-respecto natin yung
12:46anumang aktividad ng ating mga kasama sa
12:48buhay dahil yung issue naman
12:51ay issue ng sektor at ng mga mamayan.
12:54Yung alam ko, yung panawagan din naman
12:56yung pagbasura sa older religion law,
12:58yung pagtanggal sa STISAC at saka sa BAT
13:01at yung kaget na pag-rollback
13:03ibalik doon sa 55 pesos
13:05yung presyo ng petrolyo.
13:10Samantala, ika-anim na araw na
13:12ng protest caravan ng mga magsasaka,
13:15manging isda at manggagawa
13:16mula Batangas.
13:17Sa batasang pambansa sila
13:19nagkilos protesta.
13:21Panawagan po namin sa ngayon
13:23ay alisin ang bat
13:25na sa gayon.
13:27Ito yung matagal na nagpapahirap
13:28sa mga mamayan,
13:29lalo-lalo na sa aming mga mayosna.
13:32Dahil ang bat,
13:33ito yung nagpapataw ng malaking duwis
13:36para sa langis.
13:37Sobra po,
13:39dahil kasabay ng pagtaas ng langis,
13:41tumaas po ang mga pangunahing bilhin.
13:43Yung pong mga gamit namin
13:45kapag hindi mga gagawang bukit,
13:47sobra tumaas.
13:48Kitang-kita namin
13:49na walang kaseryosuhan
13:51ang gobyernong ito nalutasin
13:53ang saligang problema namin
13:56mga mayirap naman sa ating
13:58Nagpapatuloy ang camp-out protest
14:00ng mga grupo
14:01sa liwasang Bonifacio sa Maynila.
14:04Sa Nima Refrain,
14:05nakatutok 24 oras.
14:08Sinusubukan na rin ang gobyerno
14:09na makabili ng langis
14:10mula sa Russia.
14:12Isa lang yan sa mga napag-usapan
14:14nang gisahin sa Senado
14:15ang Energy Department kanina.
14:17Nakatutok si Mav Gonzalez.
14:23Ngayong nasa gitna tayo
14:24ng krisis sa langis,
14:26pinuna ang working scheme
14:27na Department of Energy o DOE.
14:29Dalawang beses kada linggo lang kasi
14:31ang kanilang pasok sa opisina
14:32at kalahati lang ng mga empleyado
14:34ang nasa opisina.
14:36Ang daming nagre-reklamo,
14:37wala daw silang mahagilap sa DOE,
14:40PNOC for the approvals of contracts,
14:43for the approvals of different projects.
14:46Walang tao.
14:47Namamatay na yung tao ng guto.
14:48Wala nang ali,
14:50wala nang pagkain.
14:51At ang DOE ay nagbabakasyon.
14:54Si Energy Secretary Sharon Garin
14:56nasa pagdinig ng Senate Committee
14:58na Protect
14:58o proactive response and oversight
15:00for timely and effective crisis strategy.
15:03Kiit niya,
15:04tuloy pa rin ang trabaho nila.
15:06Hindi po nagbabakasyon ang DOE.
15:08I mean,
15:09we work from 8 up to 8 in the evening
15:12doing meetings.
15:13Lahat ng gobyerno,
15:14apat na araw.
15:15Ang sabi ng Pangulo,
15:16apat na araw.
15:17Bakit kayo two days?
15:19Two days, ma'am,
15:20because we are aware
15:22that we have to save energy and electricity in this.
15:25Dagdag ni Garin,
15:26pumapasok ang mga kailangan sa approval
15:28ng mga dokumento.
15:29All the personnel
15:31na dapat nag-ahandle
15:32ng mga front line natin,
15:36nandyan, Mr. Chair.
15:38Those that are not in the office
15:40are continuously working.
15:41So may I just suggest to revisit that?
15:44Mr. Chair.
15:45Yes, we will revisit, Mr. Chair.
15:47Tinanong din ng mga senador
15:48kung bakit hindi tayo kumuha ng langi sa Russia.
15:51The other ASEAN countries
15:53who recognized the sanctions
15:55and respected the U.S. wishes
15:56went directly to Russia
15:58and dealt with them.
15:59Bakit tayo natatakot pa rin?
16:01Ano ba ito?
16:02Bakit lahat?
16:03Washington.
16:04Polony pa rin tayo?
16:05Madam Senator,
16:06hindi naman...
16:06Just asking.
16:08I don't think naman natatakot tayo.
16:11We're just doing what is being requested
16:13and the procedure that was imposed
16:15by the State Department.
16:16Bakit nga kailangan magpaalam sa U.S.?
16:19Because time is of the essence.
16:22Tinukoy ni Foreign Affairs
16:23Secretary Teresa Lazaro
16:25pinatawa ng United Nations
16:26ng trade sanction ng Russia
16:28matapos nitong lusubi ng Ukraine
16:30noong 2022.
16:31There were sanctions imposed
16:33by the United Nations
16:34and only the United States
16:37can lift or exempt those sanctions.
16:40And therefore,
16:41our Philippine Embassy
16:42in Washington, D.C.,
16:43particularly Ambassador Babes Romaldes,
16:45has been negotiating
16:46with two departments,
16:48Department of State
16:49and Department of Treasury.
16:51Sinubukan na rin daw
16:52ng gobyerno
16:53bumili ng langis sa Russia,
16:54pero hindi sila nakahanap
16:55ng tamang buyers.
16:57But there is no prohibition
16:58for PNOC to order oil
17:01from Russia at any time.
17:03Wala nang paalam-paalam.
17:05As a state,
17:06I guess, Mr. Chair,
17:07you could say that, sir.
17:08We just follow
17:09the diplomatic channels,
17:10Mr. Chair,
17:11as government to government.
17:13Kailangan magpaalam pa rin.
17:15Inilahat din ni Garin
17:16ang pangamba
17:17ng mga oil companies
17:18na bumili ng langis
17:19mula sa Russia.
17:20For our private companies,
17:22they don't want to buy
17:23unless it's lifted
17:24kasi baka sila
17:26habulin daw ng US,
17:28Mr. Chair.
17:29So they wanted that,
17:31they wanted the clearance
17:32before they buy it.
17:34Sa ngayon,
17:35may 20 bilyong piso
17:37pang pondo
17:37ang gobyerno
17:38para magamit
17:38pambili ng langis
17:39kung kailangan.
17:41But so far naman,
17:42Mr. Chair,
17:43wala pa namang,
17:43wala pang nangangailangan
17:45kasi steady pa naman
17:46yung supply
17:47ng mga oil companies.
17:50Mav Gonzalez,
17:51nakatutok 24 oras.
17:54Kasunod ng bigong negosasyon
17:56sa pagitan ng Amerika at Iran,
17:58ipinagutos ni US President Donald Trump
18:01ang pagharang
18:02sa mga barkong daraan
18:03sa Strait of Hormuz
18:05kung galing o papuntang Iran.
18:07At dahil dyan,
18:08muling nagmahalang krudo
18:10sa world market.
18:11Nakatutok si Dano Tingkungko.
18:15Iniutos ni US President Donald Trump
18:18sa US Navy
18:19ang pagharang
18:19sa lahat ng barkong papasok
18:21at lalabas
18:22sa Strait of Hormuz.
18:23Simula yan mamayang
18:24alas 10 ng gabi,
18:25oras sa Pilipinas.
18:27We have a blockade
18:28going into effect.
18:29Other nations are working
18:30so that Iran
18:32will not be able
18:33to sell oil.
18:34Pero paglilinaw
18:35ng US military,
18:36hindi haharangin
18:37ang mga barkong dadaan
18:38sa Strait of Hormuz
18:39na galing
18:39o papunta
18:40sa non-Iranian ports.
18:42Pinahanap din ni Trump
18:43ang mga nagbayad
18:44ng toll sa Iran
18:45na anya'y hindi ligtas
18:46na makakadaan.
18:47Ayan pa kay Trump,
18:48sisirain din nila
18:49ang mines
18:49na inilatag ng Iran
18:51sa Hormuz.
18:52Iniuto sa mga yan,
18:53kasunod ng 21 oras
18:55na bigong negosasyon
18:56ng Iran
18:57at Amerika
18:57sa Pakistan.
18:58Ayon kay US President
18:59J.D. Vance
19:00na kinatawa ng Amerika
19:01sa negosasyon,
19:02hindi tinanggap
19:03ng Iran
19:03ang mga kahilingan
19:04ng Amerika,
19:05kabilang dyan
19:06ang paghinto
19:07sa paggawa
19:07ng nuclear weapon.
19:08We just could not
19:10get to a situation
19:11where the Iranians
19:13were willing
19:13to accept our terms.
19:15So,
19:15we go back
19:16to the United States
19:17having not come
19:18to an agreement.
19:19Ang kahilingan yan,
19:20tinawag na excessive
19:21o kalabisan ng Iran.
19:23Sabi pa ni Iranian
19:24Foreign Minister
19:25Abbas Araqchi,
19:27malapit na sana
19:27silang magkaroon
19:28ng kasunduan
19:29pero naka-enquentro
19:30raw sila
19:31ng maximalism,
19:32pabago-bagong
19:33kondisyon
19:34at patakaran
19:34at blockade
19:35mula sa Amerika.
19:36Nauna rin sinabi
19:38ng Parliamentary Speaker
19:39ng Iran
19:39na bigong makuha
19:40ng Delegasyon
19:41ng Amerika
19:42ang kanilang tiwala
19:43sa negosasyon.
19:44Ang bigong peace talk
19:45sa pagitan ng dalawang bansa
19:46at utos na blockade
19:47ni Trump
19:48sa Strait of Hormuz
19:49nagresulta agad
19:50sa pagtaas ng presyo
19:51ng krudo
19:51sa world market.
19:52Ang Brent crude
19:53mula mahigit
19:54$95 per barrel
19:55umakit na
19:56sa mahigit
19:57$101 per barrel
19:59habang ang
19:59West Texas Intermediate
20:01o WTI
20:02mula sa halos
20:03$97 per barrel
20:05na presyo ng krudo
20:06ay umakit naman
20:07sa $103 per barrel.
20:09Daan natin ko
20:10kung nakatutok
20:1124 oras.
Comments

Recommended