00:02Kambal na dagok ang pagtaas ng gasolina at kakarampot na kitang naiuuwi ng maraming manggagawa.
00:10Kaya ang mga taga-Cardona Rizal pinoproblema ang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
00:18Nagtungo roon ang Operation Bayanihan ng GMI Capuso Foundation para maghatid ng tulong.
00:28Imbis na mag-ikot para maghanap ng pasahero, mas pinili ng tricycle driver na si Michael
00:35na pumila at maghintay sa kanilang toda sa Cardona Rizal para kahit papaano'y makatipid sa gasolina.
00:42Sa mahal kasi nito, halos doon lahat na pupunta ang kanyang kita.
00:47Dati, P700 ang kanyang kita kada pasada. Naging P300 to P400 na lang ito ngayon.
00:55Minsan po, isang oras bago kami masakian. Tiyaga lang talaga.
00:59Ngayon, talaga paayakan kasi kahit na tumas ng konti yung pamasahay, nadobli po talaga yung gasolina.
01:06Pati ang mga naglilinis ng isda sa fishport, ramdam din ang epekto ng pagmahal ng produktong petrolyo.
01:14Dahil bihira nilang pumalawot ang mga manging isda roon, madalas wala na rin isdang pinapalinis.
01:21Si Jennifer, P100 hanggang P200 na lang daw ang kita sa buong araw mula sa P500 a day.
01:29Dubling isipin pa po kung saan kami kukuha ng karagdagang panggastos para kahit pa paano may ilagay sa pagkainan.
01:38Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ng GMA Capuso Foundation sa Cardona,
01:44kabilang ang mga tricycle driver at fish vendor sa mga binigyan natin ng food packs.
01:50Sa kabuoan, 3,600 individual ang ating natulungan doon.
01:56Ako po yung nagpapasalamat sa GMA Capuso na kami hindi nyo nakalimutan.
02:01Napakalaking bagay po ng tulong na binigyan nyo po sa amin.
02:03Nabigay na rin tayo ng tulong sa mga vegetable farmers sa Mountain Province.
02:08Sa mga nais tumulong, maaari kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuang na Luwoliere.
02:15Pwede rin online via GCash, Shopee, Lazada, Globe Rewards, Metrobank Credit Card at Palawan Pay.
02:26Pwede rin online via GCash.
Comments