Skip to playerSkip to main content
Ipinagpapasalamat ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings ang kumpirmasyon sa lahat ng charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.


Naghahanda na rin ang mga magkakaroon ng partisipasyon sa paglilitis.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinagpapasalamat ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings
00:05ang kumpirmasyon sa lahat ng charges labang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
00:11Naghahanda na rin ang mga magkakaroon ng partisipasyon sa paglilitis.
00:15Nakatutok live, Jamie Santos. Jamie.
00:22Vicky, walang pagsidla ng tuwa at pasasalamat ng ilang grupo
00:26matapos ang desisyon ng International Criminal Court o ICC Pre-Trial Chamber 1
00:32na magtuloy ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:37Sagot daw ito sa dasal ng libo-libong biktima ng extrajudicial killings
00:42mula noong mayor ng Davao si Rodrigo Duterte hanggang maging presidente ito.
00:47Sa isang pahayag ni na Atty. Joe Butuyan at Atty. Gilbert Andres
00:51ang mga ICC-appointed counsels ng mga biktima,
00:55sinabi nilang isang malakas na mensahe sa international community
00:59na ang international justice system ay gumagana
01:02para panagutin kahit pa ang isang dating presidente tulad ni Duterte.
01:06Isang pag-asa raw para sa mga biktima ang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 ng ICC
01:12na nagsabing may substantial grounds para harapin ni Duterte
01:16ang mga kaso niya sa isang trial proper.
01:18Sabi naman ni Assistant to Council Attorney Cristina Conti,
01:22ang magkakasunod na desisyon ng ICC hinggil sa jurisdiction at confirmation of charges
01:27ay mahalagang hakbang na nagbubukas ng daan para sa paglilitis sa kasong crimes against humanity.
01:34Tama umano ang naging hakbang ng pagdulog at pagrereklamo sa ICC.
01:38Ngayong lilitisi na si Duterte,
01:41dapat daw maghanda na ang mga biktima para sa kanilang magiging partisipasyon sa proseso
01:46at iginiit ang pangangailangan ng mabilis na paglilitis upang mabunyag ang buong katotohanan
01:51sa mga malaging na pangyayaring na ganap noong panahon ng pamumuno ni Duterte sa Davao at sa Kalaunin sa Malacanang.
01:58Iginagalang naman ng Malacanang ang desisyon ng ICC
02:02na kumukumpirma sa lahat ng kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulo.
02:07Ayon kay Yuse Claire Castro,
02:09justisya ang kailangang makamit sa mga kasong ito
02:12at parehong panig ang makikinabang sa proseso.
02:16Anya, justisya para sa akusado kung mapapatunayang walang sala
02:20at justisya rin para sa mga biktima kung mapapatunayang nalabag ang kanilang mga karapatana.
02:26Vicky sabi naman ang tiyuhin ni Quien de los Santos
02:28na isa sa mga biktima ng Duterte Drug War
02:31na bigla sila sa desisyon dahil akala nilang sa katapusan pa ito ng buwan ilalabas.
02:37Natutuwa naman daw sila at umaasang magtutuloy-tuloy na ang paglilitis.
02:42At yan ang latest mula rito sa Quezon City. Balik sa'yo Vicky.
02:45Maraming salamat sa'yo Jamie Santos.
Comments

Recommended