Skip to playerSkip to main content
Kasabay ng pagsadsad sa historic low ng tubig sa Angat Reservoir, natutuyot na rin ang kabuhayan ng ilang mangingisda roon.


Gaano nga ba karaming ulan ang kailangan para mapunan ang kulang na tubig?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At kasabay ng pagsadsad sa historic low ng tubig sa Anggat Reservoir,
00:05natutuyot na rin ang kabuhayan ng ilang mangingisda roon.
00:08Gaano nga ba karaming ulan ang kailangan para mapunan ang kulang na tubig?
00:13Nakatutok si Maris Umali.
00:19Ilang dekada ng pangingisda ang kabuhayan ni Tatay Guillermo
00:22at ng mga kapwa niya dumagat sa malawak na katubigan ng Anggat Dam.
00:26Pero sa nakalipas na ilang buwan, kinailangan daw muna niyang ihinto ito
00:31dahil patuloy raw ang pagbaba ng tubig sa Anggat.
00:48Taon-taon naman daw bumababa ang level ng tubig sa dam
00:51pero ngayon lang daw umabot sa ganito kababang level ang tubig dito.
00:55Ayos sa Hydro-Meteorology Division ang pag-asa,
00:58as of 8 a.m., nasa 150.91 meters lang above sea level ang tubig sa Anggat.
01:04Ito na po yung historical low na record namin sa Anggat ng elevation.
01:13Noong last July 25, meron kaming na-record na 150.60 meters.
01:21Yun na po yung pinakamababang na record namin.
01:24Ngayon po lang, ano ito po lang nangyari ang ganitong kami na nagdadasal na talagang lamaki po ang tubig na.
01:32Para mabigyan po lang po kayo ng picture kung gaano na karaming tubig ang nawala rito sa Anggat Dam,
01:38ang normal high water level po rito ay umabot hanggang doon sa paanan ng mga punong yun na natatanaw po
01:45ninyo.
01:46Malayong malayo na.
01:48Sa level ng tubig ngayon, na halos pasadsad na sa riverbed.
01:5360 million cubic meters nga lang daw ang tubig sa Anggat Dam ngayon.
01:57Katumbas ng 24,000 Olympic-sized swimming pool.
02:01Napakalayo sa normal high water level o pagpuno ang dam na nasa 850 million cubic meters.
02:07Katumbas ng 340,000 Olympic-sized swimming pool.
02:11Noong huli kong punta sa Anggat nito lang Abril, nasa 191 meters above sea level pa ang level ng tubig.
02:17Pero makalipas ang dalawang buwan, hindi na tumaas pa sa ganung level ang tubig dito.
02:22Partida pa dahil panahon na dapat ng tag-ulan.
02:25Ngayon, bakas na rin ang lumot sa kakaunting tubig na naipon sa bahaging ito ng spillway.
02:51Mas masaklak pa sa isang bahagi ng Anggat na aming tinahak.
02:56Narito po ako sa may dike ng Anggat at dito makikitang tuyong-tuyo na ang dam.
03:01Katunayan, nagkabitak-bitak na ang lupa sa bahaging ito.
03:05Sa nakalipas na ilang araw, ay naguulan dito sa Anggat Dam at sa nakapaligid ditong watershed.
03:11Pero 0.3 meters lang daw ang itinaas ng water level nito na nasa 150.91 meters ngayon.
03:18Malayong malayo pa sa 212 meters na normal water level ng dam.
03:23Ayon sa mga eksperto, bagyo lang o kaya'y matagal na tuloy-tuloy na ulan ang magpapaangat ng level ng
03:30tubig dito sa Anggat.
03:34Mahalaga ang tubig mula sa Anggat dahil dito nagnumula ang domestic water requirements ng Metro Manila.
03:39Nag-generate ng hydroelectricity at irigasyon din para sa pananim sa Bulacan at Pampanga.
03:4560 meters above sea level ang minimum operating level na kailangan para masupply ang domestic needs ng Metro Manila,
03:52habang 180 meters above sea level naman para sa irigasyon.
03:56Pag mas mababa, kakailanganin ng bawasan ang supply sa dalawang pangangailangang ito.
04:01Magtipid po talaga tayo dahil medyo kaunti yung tubig na ngayon na nasa Anggat Dam.
04:11Maris Umali Nakatutok, 24 Oras
04:16Maris Umali Nakatutok, 24 Oras
04:19Maris Umali Nakatutok, 24 Oras
Comments

Recommended