Skip to playerSkip to main content
Malaki-laki sana ang mababawas sa presyo ng petrolyo kung tatanggalan ito ng VAT at excise tax.


Para sa isang senador, puwedeng tanggalin na ang excise tax dahil ang mawawalang kita rito ay kaya aniyang bawiin sa lumalaking kita sa VAT.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malaki-laki sana ang mababawa sa presyo ng petrolyo kung tatanggalan ito ng VAT at Excise Tax.
00:07Para sa isang senador, pwedeng tanggalin na ang Excise Tax dahil ang mawawalang kita rito,
00:13e kayaan niyang bawiin sa lumalaking kita sa VAT.
00:17Nakatutok si Mackie Pulido.
00:22May VAT at Excise Tax kang binabayaran sa kada litro ng gasolina o diesel na pinakakarga mo.
00:286 pesos na Excise sa kada litro ng diesel, 10 pesos sa gasolina, 12% naman ang VAT sa kada
00:36litro ng petrolyong pinakakarga.
00:38Kaya kung mahal ang presyo ng kada litro, tumataas din ang VAT.
00:41Halimbawa, ang jeepney driver na si Jose, 15 liters ang pinakakarga para sa 15 oras na pamamasada.
00:48Kasama sa 97 pesos per liter na binabayaran niya ang 11.64 pesos na VAT at 6 pesos na Excise
00:55Tax o Fuel Tax.
00:56Kung walang VAT at Excise Tax, 79.36 pesos per liter lang sana ang gasos niya sa kada litro.
01:04Sa 15 liters na konsumo niya buong araw, nakamenos sana siya ng 264.60 pesos sa gasto sa petrolyo.
01:12Sobra pa sana yung pang-almusal bago mamasada.
01:15Tanggalin na lang sakat, hapon.
01:19Wala na almosal?
01:21Wala na almosal.
01:24Bakit?
01:26Yun na nga, kulang nga eh.
01:29Kesa mangutangka.
01:31Kaya mga transport group tulad ng piston, hinihinging tanggalin ang VAT at Excise Tax.
01:37Hindi lamang ang superiorong makikinabang na kundi yung mamamayan.
01:42Dahil makakabawas ito doon sa pagbabaan ng mga bilis at bayarin.
01:46Excise tax lang sa diesel ang gustong ipatanggal ni Sen. Wingachalian
01:50dahil nagmamahal ang pagkain at ibang bilihin kung mahal ang gasto sa delivery nito at mga raw materials.
01:57Pagdi-deliver ng gulay, galing bengget.
01:59Pagdi-deliver ng mga poultry, baboy, meat products, lahat diesel.
02:05Pag bumaba ang presyo ng diesel, less ang inflation.
02:10Kung mayroon tayong magagawa na huwag masyadong tumaasing inflation, dapat gawin natin.
02:15Bagaman 8 billion pesos anyang mawawalang kita ng gobyerno kung alisin ang Excise Tax,
02:20mababawi ito ng VAT.
02:22Kung nagmamahal kasi ang petrolyo, lumalaki rin ang 12% na ipinapatong sa presyo nito.
02:27Katunayan, 18 to 19 billion pesos ang dagdag koleksyon sa VAT
02:31mula nang sumirit ang presyo ng petrolyo dahil sa gulo sa Middle East.
02:35Kahit mabawasan yung Excise Tax, lumaki naman ang kita sa VAT.
02:41Yung VAT naman ang pwede mag-offset doon sa pagbawas ng Excise Tax.
02:47Dahil sa batas na nagbigay kapangyarihan sa Pangulo,
02:50sinuspindi na niya ang Excise Tax sa LPG at kerosene
02:53pero hindi ang sa diesel at gasolina
02:55dahil hindi inirekomenda ng Development Budget Coordination Committee.
03:00Wala namang batas para masuspindi ang VAT sa ngayon.
03:03Para sa GMA News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended