00:00Bukod sa mataas na ngang presyo ng langis, may dagdag singil din sa kuryente ang Meralco ngayong Abril.
00:08Pero hindi pa raw yan dahil sa efekto ng mahal na petrolyo, kundi dahil pa lang sa pagtaas ng generation
00:15charge,
00:17bunsod ng panghina ng piso kontra dolyar.
00:20E paano naman ang singil sa kuryente sa iba pang bahagi ng bansa?
00:24Ating alamin sa pagtutok ni Darlene Kai.
00:31Idagdag na ang kuryente sa listahan ng mga tataas ang presyo.
00:35Magkakaroon kasi ng dagdag na 53 centavos kada kilowatt hour ang singil para sa Meralco customers ngayong Abril.
00:42107 pesos yan na dagdag sa buwan ng bill na makumukonsumo ng 200 kilowatt hours.
00:48Ang Pamilya del Rosario, mahigit 160 pesos ang madaragdag sa kanilang electricity bill.
00:54Oh, bakit gano'n? Bakit tumaas? Dapat pababa eh no?
01:00Oh, patay tayo.
01:03Dagdag pasakit daw ito dahil sunod-sunod na ang pagtaas ng presyo ng langis at ibang bilihin.
01:09Kaya bawat piso mahalaga para sa katulad niyang senior citizen na tanging allowance lang ang natatanggap sa pagtatrabaho sa barangay.
01:17Kami, mga minimum wage lang kami. Bawa naman kami sana. Mabigyan pansin yung mga mabilihin.
01:25Ma-discount na lang oh, gano'n po. Sana nga.
01:28Sabi ng Meralco, hindi pa raw ito epekto ng krisis sa langis, bunsod ng gera sa gitnang silangan.
01:33Kasi yung April generation charge reflects costs from March and noong March, nandito na po sa bansa yung fuel na
01:43na-import natin.
01:45So, hindi pa ito epekto nung nangyayari sa Middle East.
01:48Ang dahilan daw ng dagdag singil sa kuryente ay ang pagtaas ng generation charge dahil sa paghina ng piso kontra
01:54dolyar.
01:55So, yung depreciation po ng pera natin ay naka-apekto sa 99% ng costs ng First Gas Santa Rita
02:04at San Lorenzo Gas Plants ng First Gas
02:08and 44% of the rest of Meralco's Power Supply Agreement.
02:14Sa Mayo pa raw mararamdaman ang epekto ng mahal na langis sa singil sa kuryente ayon sa Meralco.
02:19Pero, aalamin pa raw sa pagtatapos ng buwang ito kung tiyak ng madaragdagan uli ang singil at kung magkano.
02:26Hindi lang daw kasi presyo ng langis ang konsiderasyon pati na ang palitan ng piso sa dolyar.
02:31The DOE and the ERC implemented what they call special operating guidelines that included the suspension of the regular market.
02:42We anticipate that it will reduce any expected increase in the generation charge.
02:48Pero, epektibo na rin ngayong Abril ang bagong Lifeline Rate Subsidy Program Threshold.
02:52Libre na ang kuryente ng 4-piece beneficiaries at mga kumukonsumo ng hanggang 50 kWh.
02:58May 35% discount naman na mga kumukonsumo ng 51 hanggang 70 kWh.
03:0420% ang discount ng mga may konsumo na 71 hanggang 100 kWh.
03:09Ang malaking bagay po para sa amin para po sa pangdagdag gastusin po sa mga anak po.
03:15Makakaano ka talaga. Tipid ka talaga.
03:20Kasi ano na yun, pwede mo lang pangbagit din yung mga na-discount ma.
03:24Pambili ng bigas, ganun pagkain.
03:27Inaasahan din ang dagdag singil sa kuryente sa Luzon, Visayas at Mindanao
03:30dahil sa mas mataas na presyo sa West M Wholesale Electricity Spot Market.
03:35Sa report ng GMA News Online, sinabi ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines
03:40na ang mas mababang supply ng kuryente noong nakaraang buwan
03:43ay nagresulta sa malawakang pagtaas ang 23% sa spot market prices.
03:49Ang mas mataas na presyo sa West M ay maaaring magresulta sa mas mataas na generation charge
03:54na maaaring ipasa ng distribution utilities at electric cooperatives sa kanilang consumers.
04:00Sa ngayon po, reportedly, Miralco and all the other electric cooperatives
04:05very minimally increase. Meron pong increase.
04:07Pero hindi po 5 piso, 9 pesos, or 20 pesos.
04:12Hindi po. Hindi po pareho po sa pag-increase ng diesel.
04:16The increase is in centavos.
04:17Siguro dahil po nag-increase ang presyo ng coal,
04:20nag-increase yung presyo ng transportation.
04:23Patuloy naman daw na gumagawa ng paraan ng Department of Energy
04:26para maibsan ang epekto ng mahal na petrolyo sa singil sa kuryente
04:30gaya ng pagpaparami ng mas murang coal at pagkukuna ng renewable energy.
04:35Darlene Kain, Nakatutok 24 Horas.
Comments