Skip to playerSkip to main content
Nagsimula na ang pangongontrata ng gobyerno sa mga pampublikong sasakyan, pero maaari pang humabol ayon sa LTFRB at hindi na required ang GPS. Tulong ‘yan ngayong mahal ang langis.


Ang tanong, magkaka-rollback ba sa susunod na linggo?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsimula na ang pangongontrata ng gobyerno sa mga pampublikong sasakyan pero maaari pang humabol ayon sa LJFRB at hindi na
00:08required ang GPS.
00:10Tulong yan, kayong mahal ang langis. Ang tanong, magkaka-rollback ba sa susunod na linggo?
00:16Nakatutok si Maki Pulido!
00:21Masundan pa kaya ang big-time rollback nitong Martes?
00:24Depende na sa mangyayari sa gera sa Middle East hanggang Bernes.
00:28Bahagyan ang bumabang pandaigdigang presyo ng petrolyo batay sa Minof Plats, Singapore o MOPS sa nakalipas na dalawang araw.
00:35Yan ay kahit pabigo ang peace talks sa pagitan ng Amerika at Iran at kahit nagdeklara ng sariling naval blockade
00:41si Trump sa Strait of Hormuz.
00:43At kung magtuloy-tuloy ang pagmura ng langis sa MOPS, posibleng mag-rollback o kaya hindi gumalaw ang presyo.
00:49Medyo steady pa siya. Hopefully they don't do anything very drastic or very violent.
00:54Kasi pag tinamaan yung isang barko doon, then the market also reacts.
01:02Umaakit yung presyo sa international market.
01:05Pero hinihintay pa rin ang Department of Energy ang presyo ng bentahan sa world market hanggang Bernes bago magbigay ng
01:11estimate para sa susunod na linggo.
01:13Kung ano ang kalalabasan na diferensya, alimbawa tumaas this week compared to last week ang averages ng 5 days ng
01:21mga trading,
01:23yun ang magiging adjustment natin for the incoming week.
01:28Bilang tulong sa public transport sector na hirap na sa pagmahal ng diesel,
01:32ay sinimulan na ang dalawang linggong service contracting sa mahigit 30,000 pampublikong sasakyan sa 40 ruta.
01:39Sa amin ang diesel, sa amin ang boundary, kaya malaking tulong yung service contracting program na yan.
01:46Dahil kung sakaling ma-short man kami sa pan-diesel, meron kami may tatapal.
01:51Babayaran ng gobyerno ang bawat jeepney o UV Express ng 30 to 40 pesos sa bawat kilometrong biyahe nila,
01:5882 to 100 pesos per kilometer naman sa bus.
02:01Pero ang jeepney driver na si Cleofas, hindi kasama sa service contracting.
02:06Sayang dahil mahigit 1,000 pesos sana ang kikitain niya sa gobyerno sa isang balikang biyahe mula Lagro hanggang SM
02:12North sa Quezon City.
02:14Wala pa kasi naging po sa amin na may programa na gano'n ng gobyerno.
02:19Pero kung mayroon, teribig willing kaming sumama sa gano'ng mga programa ng gobyerno dahil siyempre extra income yan eh.
02:25Sabi ng LTFRB, bukas pa ang registration, mag-log on lang sa kanilang website para gawin ito.
02:30Hindi na rin required ang GPS devices na dagdag pa sa gastusin ng mga driver.
02:35Sa halip, gagamit na lang ng QR code system ang LTFRB.
02:39Sa mga gumagamit naman ng LPG, sa biyernes malalaman kung magkano ang rollback.
02:44Ayon kay Arnel T. ng LPG Marketeers Association.
02:47May tiyak ng 3 pisong bawas presyo kada kilo ng LPG o 33 peso rollback kada 11 kilogram na tangke
02:55dahil sa pagtanggal ng pangulo sa excise tax sa LPG.
02:58Pero ang pinal na presyohan ay depende sa presyo sa world market.
03:02May expect namin is downright.
03:04Pero ang exact price, hindi pa po namin nakocompute
03:08because kailangan po namin hintayin yung tatlong araw
03:11from the time na nagkaroon po ng reduction ng diesel and gasoline.
03:16Tinatayang mahigit sa 1000 piso pa rin ang isang tangke
03:19kaya mahal para sa isang may-ari ng karinderiya,
03:22lalot 800 pesos lang ito bago magkagyera sa Middle East.
03:25Napilitan na siyang magtaas ng binibentang pagkain
03:28dahil maliban sa LPG, nagmahala na lahat ng produkto.
03:32Panay kalahati ang order.
03:34O order po sila ng kalahating sinigang,
03:37tatlo silang kakain doon.
03:38Mas marami yung kanin sa ulam.
03:42Sabaw na lang sila ng sabaw.
03:43Makipulido na Katuto, 24 Horas.
03:46Kaino.
03:47Kaino.
03:48Kaino.
03:49Kaino.
03:50Kaino.
03:51Kaino.
03:51Kaino.
Comments

Recommended