00:00Samantala, bilang tulong sa pagsipan ng presyo ng produktong petrolyo,
00:04inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06ang pagpapatupad ng 10 pisong diskwento sa kada litro ng produktong petrolyo
00:11para sa mga public utility vehicle.
00:13Yan ang ulat ni Kenneth Pasiente.
00:17Kasunod ng ikalawang pulong ng Uplift Committee na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:23inanunsyo ng Presidente na simula sa susunod na linggo,
00:25makatatanggap na ng 10 pisong diskwento sa kada litro ng produktong petrolyo
00:30ang mga PUV driver.
00:32Ayon sa punong ehekutibo, hakbang ito ng gobyerno para umagapay sa mga apektadong driver,
00:38ang mapapabaang transport cost at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain.
00:43Magpapatupad tayo ng 10 piso kada litro na bawas para sa public utility vehicle
00:49na may maximum na 150 liters kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
00:54Sisimulan muna natin ito sa NCR sa susunod na linggo.
00:59Una sa Commonwealth, palalawakin natin ito sa mga susunod na araw sa Quezon Avenue, Espanya,
01:05Sapote, Ebonifacio, Rizal at Marcos Highway hanggang mapalawak natin ito sa buong bansa.
01:12Para naman matiak ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan,
01:15uumpisahan na ng pamahalaan ng Service Contracting Program.
01:18Epektibo sa April 15, babayaran ng mga bus driver ng 40 hanggang 100 peso sa kada kilometro
01:25na dagdag sa kanilang kita mula pamasahe.
01:28Layon itong masiguro na may masasakyan ng mga pasahero tuwing off-peak hours
01:32o kakaunti ang biyahe ng mga bus.
01:35Dagdag ito sa kanilang kita mula sa pamasahe.
01:38Lahat na isasali ay may GPS monitoring
01:40para naman matiak na aktual ang biyahe at maayos ang servisyo.
01:45Patuloy ang biyahe, patuloy ang hanap buhay.
01:48Good news din ang hatid ng Pangulo para sa mga pasahero.
01:52Para naman sa mga commuter,
01:54may kasamang hindi bababa sa 20% na diskwento sa pamasahe.
01:59Ang mga ruta ay nakatuon sa mga lugar na may koneksyon sa tren
02:04at pangunahe mga bus route upang maging mas maayos,
02:08mabilis at maaasahan ang biyahe.
02:11Tiniyak ng Pangulo na bawat hakbang ng pamahalaan
02:13ay layunin lamang na protektahan ang mga Pilipino
02:16sa gitna ng krisis sa Middle East.
02:19Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bago Pilipinas.
Comments