00:00Iginit ang palasyo na nagampana ng ICI ang trabaho nito sa maanumalyang flood control projects,
00:05kahit huling operasyon na nito ngayong araw,
00:08kung saan tiniyak ng palasyo ang tuloy-tuloy na investigasyon ng Bodsman at Justice Department,
00:12hinggil rito, inang ulat ni Kenneth Pashen.
00:17Walang magmumove on.
00:19Yan ang tiniyak ng palasyo sa walang patid na pagtutok ng pamahalaan sa isyo ng maanumalyang flood control project
00:26sa kabilayan ng mga puna na tila nakakalimutan na ng gobyerno ang isyo.
00:30Giit nito, paninira lamang sa gobyerno ang mga ganitong pahayag.
00:34Punto ng palasyo, hindi tumitigil ang pamahalaan para mapanagot ang mga sangkot sa korupsyon sa mga proyekto kontrabaha.
00:42Lalo't walang tigil ang ginagawang investigasyon ng Ombudsman maging ng DOJ.
00:46Sa mga nagsasabi ng ganyan, ang tangin natin masasabi,
00:50Hoy, gising. Dahil alam po natin kung papaano po nagsumiti na po ang ICI ng kanilang report,
00:58di lamang po sa Ombudsman, kundi pati po sa DOJ.
01:01Ang Ombudsman ay nagsasabi din po habang sila itinatanong na patuloy ang kanilang pag-iimbestiga, pati po ang DOJ.
01:08Wala pong natutulog padating po sa pag-iimbestiga sa flood control projects.
01:13Punto pa ng palasyo, kita yan ang publiko kasunod ng Pulse Asia Survey kung saan ang pagtugon sa katiwalian ang
01:20dahilan ng pagtaas ng ratings ng Pangulo.
01:22Ang administrasyon na ito ang siyang magpapaimbestiga sa mga abuso sa gobyerno.
01:29At yan po ang gusto manatili ng Pangulo sa isipan ng taong bayan.
01:33At yan po ang ayaw niya na mapatid. Gusto niya sana ay magtuloy-tuloy ito kahit hindi na po siya
01:40ang Pangulo.
01:41Sa huling araw naman ang operasyon ng ICI, iginiit ng Malacanang na natapos nito ang mandato sa pag-iimbestiga sa
01:48flood control projects.
01:49At naisumiti na ang report sa Ombudsman at DOJ na magiging basihan ang pagsisampa ng mga karagdagan pang kaso.
01:57Lahat po ng kanilang nai-rekomenda na kasuhan o for further investigation, nasa kamay na po yan ng DOJ at
02:06ng Ombudsman.
02:07Sa totoo lamang po, mukhang overwhelmed po ang Ombudsman at ang DOJ sa dami po ng mga kasong pinaparekomendang sampahan
02:16dito patungkol sa flood control projects.
02:20So, hindi po masasabing yun lang ang naging trabaho ng ICI.
02:24Muli namang nanindigan ang palasyo na walang sasantuhin ang nagpapatuloy na investigasyon sa flood control projects.
02:31Sabi nga natin, stop the drama. We have to start working.
02:37Ang marami po kasi nagda-drama sa media.
02:40Ang kailangan natin dito, ebidensya.
02:42Ebidensya na siyang magpapag-tuturo at siyang magiging basihan para ma-prosecute ang mga taong involved.
02:52Kene, pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments