Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
State of National Energy Emergency, idineklara ni PBBM; mga ahensya ng gobyerno, inatasang paigtingin ang pagtutulungan | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00I diniklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang State of National Energy Emergency para mas palakasin pa ang pagtugon
00:08ng gobyerno sa epekto ng tensyon sa Middle East.
00:11Ang detalya sa report ni Kenneth Paciente.
00:16Sa visa ng Executive Order No. 110, i-diniklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang State of National Energy
00:24Emergency.
00:25Sa harap ito, nang nagpapatuloy na tensyon sa Middle East na nagbabanta sa supply at presyo ng langis sa pandaindigang
00:32merkado.
00:32Kabilang na rin ang mga pagsasara sa mga kritikal na ruta ng langis tulad ng Strait of Hormuz na nagdudulot
00:38ng pagkaantala sa daluyan ng petrolyo sa buong mundo.
00:41Ayon sa kautusan, may rektang epekto ito sa bansa na posibleng magdulot ng kakulangan sa enerhiya.
00:48Lalo't bilang isang net importer ng langis na nanatiling umaasa ang Pilipinas sa supply mula sa ibang bansa, kaya't mas
00:55apektado sa pagtaas ng presyo at kakulangan ng supply.
00:58Dahil dito, ipinatutupad ang mga agarang hakbang upang matayak ang katatagan at sapat na supply ng enerhiya sa buong bansa.
01:05Kabilang na riyan ang pagbuo ng UPLIFT o Unified Package for Livelihoods Industry Food and Transport Program.
01:12Isang whole of government response para panatilihin ang tuloy-tuloy na serbisyo at protektahan ng mga mamamayan.
01:19Pangungunahan ng Pangulo ang UPLIFT Committee kasama ang mga pangunahing kalihim ng gobyerno upang mga siwa sa implementasyon ng mga
01:26pulisiya.
01:27Kabilang sa mga tungkulin nito, ang pagtiyak sa tuloy-tuloy na supply ng langis, pagkain, gamot at iba pang pangunahing
01:35pangangailangan.
01:36Pagpapanatili ng operasyon ng transportasyon, mga ospital, utilities at iba pang kritikal na serbisyo.
01:43Pangalagaan ng katatagan ng ekonomiya habang pinoprotektahan ang vulnerable sector laban sa epekto at matitinding pagkaantala na tulot ng patuloy
01:52na krisis sa Middle East.
01:53Pagtiyak sa agaran, episyente at walang sagabal na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko kapilang ang pagpapabilis at pagpapasimple ng lahat
02:02ng proseso.
02:03Gayun din ang pagbuo ng mga pamatagalang solusyon at estrategiya sa demand upang mapababa ang konsumo ng mga produktong petrolyo
02:11sa mga kabahayan, maging sa commercial, industrial at public utility sectors.
02:16Sa ilalim ng EO, inatasan ang Department of Energy na manguna sa pagpapatupad ng mga energy supply management measures,
02:23kabilang ang pag-optimize ng supply, load adjustments at mahigpit na energy management,
02:29bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang katatagan at sapat na supply ng enerhiya sa bansa.
02:35Mahigpit ding pinababantayan sa ahensya ang pag-aksyon laban sa hoarding, pananamantala at manipulasyon sa supply ng langis.
02:42Pahihintulutan din ang agarang pag-aangkat o procurement ng langis at iba pang energy supply kasama ang pagbibigay ng advance
02:49payments upang masiguro ang sapat na inventaryo.
02:53Ipatutupad din ang mga regulatory measures sa electricity market, kabilang ang posibleng suspensyon ng wholesale electricity spot market kung kinakailangan.
03:01Iniutos din ang pagpapabilis ng mga permits at approvals para sa mga bagong mapagkukunan ng enerhiya upang madagdaga ng power
03:08supply sa bansa.
03:09Inatasan naman ang mga kagawaran, ahensya at tanggapan ng pamahalaan na ipatupad ang kailangang hakbang upang maibsa ng epekto ng
03:17patuloy na krisis sa Middle East, alinsunod sa kanilang mga mandato.
03:21Ang DOTR ang naatasan para suportahan ang public transport sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng fuel subsidy.
03:27Pagpapatupad ng libreng sakay, gain din ang pagtiyak na mababawasan ang transport cost sa mga pampublikong sasakyan.
03:34Inatasan ng DSWD na pabilisin ng paglalabas ng tulong at magbigay ng suportang pangkabuhayan sa mga apektadong sektor,
03:42kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at iba pang vulnerable group.
03:47Pagbabantay at pagkontrol sa labis sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ang TOCA sa DTI at pagpapatupad ng
03:54mga programa para suportahan ang mga negosyo.
03:56Dapat namang matiyak ng DA ang sapat na supply ng pagkain at mga agricultural inputs sa abot kayang presyo
04:03at magpatupad ng mga hakbang at programa upang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda.
04:08TOCA sa DMW, ang matiyak ang kaligtasan at agarang pag-uwi ng mga OFW yung apektado ng krisis
04:15at magbigay ng tulong pinansyal at suporta sa kanilang muling pagbangon at pagtatrabaho.
04:20Inatasan ang Department of Finance, DBM at DEV-DEV na bantayan ang epekto ng krisis sa ekonomiya
04:26at tiyaki ng sapat na pondo para sa mga programa.
04:29Habang ang PNP ay inatasan para siguruhin ang kaayusan at siguridad sa buong bansa
04:34habang ipinatutupad ang mga hakbang ng pamahalaan.
04:37Inatasan din ang mga lokal na pamahalaang makipagtulungan at magpatupad ng mga hakbang
04:42upang matiyak ang sufficiency ng energy supply sa kanilang nasasakupan.
04:46Habang hinihikayat naman ang mga pribadong sektor na makipagugnayan sa pamahalaan
04:50at magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya at pagpapatatag ng operasyon.
04:56Mananatiling efektibo ang deklarasyong ito sa loob ng isang taon,
05:00depende kung palalawigin o babawiin ng Pangulo.
05:03Kenneth Pasyente
05:05para sa Pambansang TV
05:07sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended