00:00Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ambag ng Philippine Airlines sa pag-uugnay ng Pilipinas sa buong mundo.
00:08Kasama si First Lady Lisa Arneta Marcos, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang paglulunsad ng pinakabago at modernong aeroplano ng PAL.
00:18Nagbabalik si Kenneth Paciente.
00:19Sa kanyang pangunguna sa ikawalumputlimang anibersaryo ng Philippine Airlines, kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang papel nito bilang bahagi ng patuloy nitong ambag sa pag-uugnay ng Pilipinas sa buong mundo.
00:35Kasabay niyan, pinangunahan niya ang paglulunsad ng bagong Airbus A350-1000, isang makabagong wide-body aircraft na bahagi ng fleet modernization at expansion ng PAL.
00:46Gitang Presidente, mahalagang makasabayang bansa sa mabilis na pagbabago ng aviation industry upang mapalakas ang connectivity, kalakalan, turismo at mapalakas ang ekonomiya.
00:59Taken together, these milestones point us firmly towards the future.
01:04They strengthen our aviation sector, expand connectivity and open doors to trade, tourism and investment.
01:12In doing so, we reaffirm aviation's role as a powerful engine of economic growth and of national development.
01:22Ang bagong A350-1000 ang kauna-unahan sa Southeast Asia at ikasampu sa buong mundo.
01:28Mas episyente ito sa konsumo ng fuel at mas makakalikasan na makatutulong sa long-haul routes kabilang ang North America.
01:35Kasabay ng modernization ng mga airline, iginiit ng Pangulo na tungkulin naman ang pamahalaan na tiyaking handa at maayos sa mga imprastruktura sa himpapawid ng bansa.
01:46Ibinahagi niya ang proyektong isinasagawa ng administrasyon, kabilang ang bagong passenger terminal sa Siargao at Davao,
01:52pati na ang pag-upgrade ng mga paliparan sa Lagindingan, Bohol-Panglaw at Katiklan sa tulong ng Public-Private Partnership.
01:59Kasama rin dito ang patuloy na modernization ng Ninoy Aquino International Airport,
02:05kung saan inilunsad na ang mga bagong pasilidad at immigration e-gates upang mas mapabilis at mapagaan ang biyahe ng mga pasahero.
02:12While airlines move people, government ensures that those pathways remain strong and clear.
02:20These are our investments in mobility, in opportunity and in national progress.
02:25Hinikayat din ng punong ehekutibo ang pribadong sektor na patuloy na makipagtulungan sa pamahalaan upang higit pang mapaigting ang competitiveness ng Pilipinas.
02:36Kenneth, Pasyente. Para sa Pambansang TV, Sabago, Pilipinas.
Be the first to comment