PBBM, inilatag ang mga benepisyo ng pagdaraos ng 49th #ASEANSummit sa Pilipinas | Ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:02Inisa-isa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang beneficyo ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit dito sa Pilipinas,
00:09maging sa mga Pilipino.
00:11Sa kanyang pinakahuling vlog,
00:13binigyang diin ang Pangulo ang kahalagahan ng aktibidad
00:16lalo na sa pagtugon sa mga hamong kinaharap ng Pilipinas,
00:19pati ng ibang mga bansa,
00:21tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin,
00:23usaping pang ekonomiya,
00:25hamon sa seguridad at iba pa.
00:27Marami sa mga problema nito
00:29ay hindi nating kayang solusyonan na mag-isa,
00:31kaya't napakahalaga ng ASEAN.
00:33Ito ang pagkakataon para sa mga bansa
00:36sa ating reyon na mag-usap,
00:39magkaunawaan at magtulungan
00:41upang humanap ng mga solusyon
00:44sa mga problemang pare-pareho nating kinakaharap.
00:47At iba pa rin kapag personal na nagkikita ang mga leader,
00:50mas malalim ang pag-uusap,
00:52mas napapalakas ang tiwala
00:54at mas madaling ang kasundo sa mga kongkretong hakbang.
00:57Kukunin din ang Pangulo ang pagkakataong ito
01:00para makausap ang mga world leader
01:01hinggil sa nakaumang na very strong El Niño.
01:04Itong parating na El Niño
01:06ay kailangan buo ang paggalaw ng buong ASEAN.
01:11Kaya't napakahalaga na magkaisa kami
01:13at makahanap kami
01:16ng mga plano at solusyon
01:17para matugunan yung mga problema nga.
01:19Pagkakataon ito sa Pilipinas
01:21na pangunahan ang paghubog ng agenda
01:23na mapapakinabangan ng mga Pilipino
01:25lalo na sa sektor ng agrikultura,
01:28trabaho at kabuhayan.
01:29Dagdag ng Pangulo,
01:31pagiging daan ang ASEAN sa paglikha ng trabaho
01:33lalo na sa mga mananahi,
01:35mga performer,
01:36creative industry,
01:37mga driver,
01:39gumagawa ng tarpaulin,
01:40pati na ang mga MSME
01:41na gumawa ng souvenir para sa summit.
01:43Pagkakataon din anya ito
01:45na maibida ng bansa
01:47ang mga tourist destination
01:48at maingganyo ang mga bisita
01:50na bumalik sa Pilipinas bilang turista.
01:53Ang ugnayan natin sa ASEAN
01:54ay napakahalagang haligi
01:56sa kalakalan,
01:58sa usaping seguridad,
01:59sa pagprotekta sa kapakanan
02:01ng ating mamamayan,
02:03ating mga OFW,
02:05mga negosyante
02:06at simpleng turista.
02:07Mas malalim pa sa pagiging visa free natin
02:10sa mga ASEAN countries
02:11ang dalang benepisyo
02:13ng ugnayan ito.
02:14Batid ng Pangulo
02:15ang kaunting abala
02:16na hatid ng pagdaraos
02:17ng ASEAN Summit
02:18at humiling ng pasensya
02:20sa mga Pilipino.
02:21Giit niya,
02:22Tiyak ko na mas matimbang pa rin
02:24ang mga benepisyong
02:25matatamasa natin
02:26mula sa mga polisiyang
02:29mapagkakasunduan
02:30at sa mga trabahong malilikha.
02:32Binigyang diin naman
02:33ng punong ehekutibo
02:34ang kahalagahan ng suporta
02:36at pakkiisa ng mga komunidad
02:37sa pagtanggap ng mga bisita
02:39para sa ASEAN,
02:40kasabay ang paghimok sa publiko
02:42na makibalita
02:43sa resulta
02:44ng mga pagpupulong
02:45na gagawin sa summit.
02:46Kenneth,
02:48Pasyente
02:48para sa Bayan.

Recommended