00:00Naglabas ang resolusyon ng Senado na nananawagang bigyan ang sino mang Pilipinong nahaharap sa international arrest ng pagkakataong dumulog sa
00:07local court.
00:08Kasabay dito, sinabi naman ang Ethics Committee na kailangan amyanda ng kanilang rules kung gusto talaga maparusahan ang mga matagal
00:14ng absent sa Senado.
00:17May unang balita si Mav Gonzalez.
00:22Mahigit apat na buwan na mula ng huling pumasok sa Senado si Senador Bato de la Rosa.
00:27Hindi na siya namataan doon mula ng umugong ang balitang may warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal
00:33Court.
00:34Dahil dyan, kung kaya may nakahain ang ethics complaint laban sa kanya pero nakabinbin pa rin ngayon.
00:40Katwilan ang chairperson ng Ethics Committee, kung ngayon ito diringgin, madi-dismiss lang kaagad ang reklamo.
00:46Wala kasi sa rules namin eh. You cannot find it anywhere in the rules about that issue on no work
00:53no pay.
00:54Kaya kailangan aniya munang amyendahan ang Senate rules kaugnay ng pag-aabsent ng mga Senador kung gusto itong tapatan ng
01:01parusang walang sahod at masuspinde ang operasyon ng mga nag-aabsent.
01:06Dahil pang-aning pa naman ang reklamo kay de la Rosa sa siyam na nakapilang ethics complaints, may panahon pa
01:11rao kung a-aamyendahan ang Senate rules.
01:14Pag di umabot yan at madismiss, pwedeng mag-refile agad ang complainant.
01:18Dagdag ni Senador J.V. Ejercito, hindi nila pinagtatakpan ang kapwa Senador.
01:23Paano po pinagtatakpan? Ngayon nga po ay kami na nga po nagmamadali na ipasa yung adoption ng rules.
01:29Kasi nga hindi, kasi meron nga isang Senador na nag-apeel nga na dalhin muna sa body para the whole
01:37body can decide.
01:38Samantala, inadopt ng Senado ang Senate Resolution 307 ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
01:45Nagpapahayag ito ng sense of the Senate na dapat protektahan lahat ng Pilipino laban sa extrajudicial rendition o pagsuko sa
01:53dayuhang bansa.
01:54Hindi ito panukalang batas, kundi panawagan lang na mabigyan ng sapat na oras ang mga Pilipinong may hinaharap na foreign
02:01o international arrest na dumulog sa lokal na korte.
02:04Tinutulan ito ni na Senators Risa Ontiveros, Kiko Panglinan at Bam Aquino.
02:09While couched in general terms, this resolution arises from specific circumstances involving the former President.
02:19The rule of law requires that accountability mechanisms apply equally, regardless of rank.
02:26Ginawa po ang ICC para magkaroon ng espasyo ang mga biktima na hindi makakuha ng justisya dahil Estado ang kalaban,
02:38dahil makapangyarihan ang kalaban.
02:41Yung libo-libong pidatay sa ngalan ng Oplan Double Barrel, na yan ang paratang sa ICC case ngayon,
02:50yung libo-libong na yun ay hindi nabigyan ng due process.
02:57Hindi na sila pinaabot sa korte, kundi diretsyo sila sa morgue.
03:03Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
Comments