00:00Magkaiba, sinasabi ng ilang law expert kung kailan iiral ang one-year ban sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:09Ang House Committee on Justice ipatatawag sa hearing ang Pangulo kapag natukoy kung sufficient in form and substance ang reklamo.
00:16May unang balita si Chino Gaston.
00:18Ang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos na inihain ang abogadong si Andre De Jesus at ang ikalawang reklamo ni na Teddy Casinio, Lisa Maza, Renato Reyes at iba pang individual pagsasamahin ng House Committee on Justice at tatalakayin para matukoy kung sufficient in form and substance.
00:39Sisimulan niyan sa lunes at 2 ng Pebrero. Kung sufficient in form and substance, isasagawa na ang hearing kung saan ipapatawag ang mga complainant, mga witness at si Pangulong Marcos na tumatayong responde.
00:52Ito raw ay para hindi na maulit ang isa sa mga basihan ng Supreme Court decision sa pagdidiglarang unconstitutional ang impeachment complaint noon laban kay Vice President Sara Duterte na hindi nila nabigyan ng pagkakataong sumagot sa mga aligasyon.
01:07Paano kung hindi dumating your respondent? It is actually his prerogative whether to come or not to come. Because just like any other respondent, this participation during the hearing is part of the right to do process.
01:25Mahalaga din na sagutin niya para maliwanagan ng taong bayan dahil nakikita ako dun sa pinakamahalagang sagutin niya yung allegations ng makabayan black na talagang nagkaroon ng problema yung 2023, 2024, and 2025 national budget.
01:43Hindi kasama ang reklamo sana ni nadating Congressman Mike Defensor at Attorney Ferdinand Tupacio na dinala noong Januari 22 pero hindi tinanggap dahil wala ang Secretary General.
01:56Dinala rin yan pero walang kongresistang gustong mag-endorso dahil tinakot umano ayon sa grupo.
02:02Alinsunod sa konstitusyon, may 60 session days ang Justice Committee para tukuyin kung may probable cause o matibay na basihan para ituloy ang impeachment.
02:13Wala pang tugon ng Malacanang kung dadalo si Pangulong Marcos sakaling ipatawag ng Justice Committee.
02:19Pero handaan nila ang Pangulo na makipagtulungan at magsumiti ng mga dokumento kung kailangan.
02:25I-ginagalan daw ng Pangulo ang proseso ng impeachment at ang trabaho ng Kongreso pero muling idiniin ang palasyo na hindi lang ang Pangulo ang apektado nito.
02:35Hindi lang ang Pangulo maapektuan kundi mismo ang bansa at ang ekonomiya.
02:40Suportado naman ng palasyo ang disisyon ni House Majority Leader Sandro Marcos na hindi lumahok sa alumang diskusyon o debate kaugnay ng impeachment laban sa kanyang ama.
02:50Dahil na i-refer na sa Justice Committee ang dalawang reklamo para sa ilang eksperto may tuturing ng initiated o nasimulan ang impeachment complaint laban sa Pangulo.
03:01Ang probisyon sa konstitusyon isang beses lang maaring magpasimula ng impeachment proceeding laban sa mga impeachable official tulad ng Pangulo sa loob ng isang taon.
03:12Ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuña na isa sa mga nagbalangkas ng 1987 konstitusyon.
03:19Bagaman wala silang isinulat sa konstitusyon kung kailan nagsisimula ang one-year ban, ang pag-referred daw sa House Committee ay simula na ng pagtakbo ng one-year ban.
03:31We allow the House to adopt rules to implement the provision.
03:36I initiate na yung impeachment proceedings against the President by the referral to the committee of two complaints.
03:44So that starts the ban, the one-year ban already.
03:50So any further complaint has to be filed after, initiated after one year.
03:57Pero para kay Prof. Paolo Tamase na nagtuturo ng konstitusyon sa UP College of Law,
04:04tila lumaburaw ito nang maglabas ang Korte Suprema ng desisyon tungkol sa tangkang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
04:13Ang indication ng Korte Suprema doon ay nagsisimula ang one-year bar rule mula sa dismissal ng kaso ng impeachment.
04:20Based lang sa desisyon ng Supreme Court, hindi pa siya nagsisimula.
04:24Dahil dyan, tingin ni Tamase, walang kasiguraduhan kung pwede pang may humabol na maghahain ang impeachment complaint.
04:31Hindi natin alam ngayon na na-initiate na nga yung kaso ng impeachment laban kay Pangulong Marcos kung meron pang pwedeng humabol.
04:43Dahil hindi pa naman nagsisimula yung one-year bar rule kung titingin tayo sa dismissal.
04:48So may ganun na puwang ngayon o gap.
04:50Dismissal doesn't initiate that. Dismissal ends it.
04:57What is the start of the one-year period is not from the dismissal, it's from the initiation.
05:06Okay.
05:07And the initiation is either by referral to the committee or archiving.
05:14Pero si Justice Committee Chairperson Luis Tro, naninindigan sarado na ang tindahan.
05:19Wala nang pwedeng humabol kasi ito yung paulit-ulit kong sinasabi.
05:24Basta may makarating na impeachment complaint sa Justice Committee, following the Francisco ruling, no?
05:31It completes the initiation process and therefore it bars all, all subsequent impeachment complaints against the same impeachable official.
05:42It likewise triggers the running of the one-year prohibition period.
05:46Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
05:51Gusto mo bang mauna sa mga balita?
05:54Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments