00:00Huling araw na ng Confirmation of Charges Hearing sa Kasong Crimes Against Humanity for Murder at Attempted Murder
00:06laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
00:11Ano ba ang aasahan pagkatapos ng pagdinig?
00:14Sa loob ng 60 araw, maglalabas ang written decision ng pre-trial Chamber 1 judges.
00:20Sasagutin nilang tanong,
00:21Sapat ba ang mga ebidensya laban kay dating Pangulong Duterte?
00:25Kung oo, kukumpirmahin nilang charges o mga paratang.
00:30At itataas ito sa susunod na level, ang paglilitis o trial.
00:34Sa kaso ni Duterte, pwedeng kumpirmahin ang tatlong charges.
00:38Pwede rin isa o dalawa lang sa charges ang kumpirmahin.
00:42Diretso pa rin ito sa paglilitis.
00:44Sakali tatawagin ng akusado si Duterte.
00:47Kung hindi patiyak ang sagot sa sapat ba ang ebidensya,
00:51pwedeng ipagpaliba ng pagdinig at utusan ng mga hukomang prosekusyon
00:54na magbigay ng karagdagang ebidensya
00:57o kaya ay magsagawa ng karagdagang investigasyon.
01:00O kaya naman, amyandahan ng kaso kung ibang krimen ang itinuturo ng mga ebidensya.
01:06Kung hindi naman, ang sagot sa sapat ba ang mga ebidensya?
01:11Hinto ang proceedings.
01:13Pero, magbibigay pa ng utos sa mga hukom kung anong magiging susunod na hakbang.
01:18Base sa Rome Statute of the International Criminal Court,
01:22kahit i-decline ng chamber ang pagkumpirma ng charges,
01:26hindi nito mapipigilan ng prosekusyon na humiling ulit
01:28ng confirmation of charges hearing kung may ipipresenta silang dagdag ng mga ebidensya.
01:34Hindi pa automatic na palalayain si dating Pangulong Duterte.
01:38Mananatili siya sa loob ng ICC Detention Center
01:41habang hinihintayan pa siya ng pre-trial Chamber 1.
Comments