Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi pa rin nagpapakita si Sen. Bato de la Rosa mula ng sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Rebulia
00:06na may warrant o pares na ang International Criminal Court para sa kanya.
00:11Ayan kay Sen. Pink Laxon, nagbiru daw noon si de la Rosa na ibe-break ang record ni Laxon sa pagtatago.
00:18May unang balita si Rafi Tima.
00:23Bago ang plan na recession, nagtipon muna ang mga membro ng Senate Minority Block
00:27pero kapansin-pansin na wala roon si Sen. Bato de la Rosa.
00:31Simula noong sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rebulia na may arrest warrant na
00:34ang International Criminal Court o ICC laban sa Senador, hindi nang pumasok si de la Rosa.
00:39Maging ang budget hearing ng security agencies na siya dapat ang sponsor, hindi niya sinipot.
00:44Sabi ni Senate President Tito Soto, maaaring mag-hide ng ethics complaint ang mga bumabatikos kay de la Rosa.
00:49Kung mayroong mga kababayan tayo na gustong tanong eh, ito rin ang mga ganyan, at sa target siya gusto palagotin ang isang legislator,
00:59mag-file sila ng ethics complaint.
01:02Unat yung mga maganda remedyo para matalakay natin.
01:06Pero kahit hindi pumapasok, operational pa rin daw ang opisina ni de la Rosa at hindi magkaka-budget cut,
01:12kinumpirma rin ni Soto na hindi applicable sa mga senador ang no work, no pay policy.
01:16Hindi, ako lang ganung rule sa mga legislators eh, in any of our rules or even in the constitution.
01:25Ayon kay Soto, hindi pa nakikipaugnayan sa kanya si de la Rosa.
01:28Si Senador Ping Laxon, nakausap daw sa kanilang group chat si de la Rosa dalawang linggo na ang nakakaraan.
01:34Nagbiro pang araw si de la Rosa na ibe-break niya ang record ni Laxon.
01:38Nag-chat group kami, sabi ko, kinukumusta ko, sabi niya, ibe-break niya raw yung record ko sa pagtatago.
01:45That's his decision. Kung ayaw niya mag-present yung sarili niya, leave it up to him.
01:52I cannot advise him because I was there. Been there, done that.
01:56Tingin naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Caetano, dapat bigyan ang gobyerno ng assuran si de la Rosa na magkakaroon ng due process.
02:03Personal kong pananawa, hindi pa na ang pinag-uusapan ng buong minority.
02:06So, yung gobyerno, dapat i-assure si Sen. Patuan na mayroong proseso.
02:11Diba? Kasi kung sasabihin anytime, pwede kang damkutin at galing sa ibang bansa,
02:18hindi ko sinasabing option sa lahat yun na huwag magpakita.
02:25But when your life or liberty is threatened, you really think of option. So yun yung option niya.
02:30Nauna ng hiniling ng kapo ni de la Rosa sa Korte Suprema na mag-issue ng temporary restraining order para pigilan ang arestwaran sa kanya ng ICC.
02:38Pero ang Office of the Solicitor General, hiniling sa Korte Suprema na tanggihan nito.
02:43Sabi ng OSG, hindi raw nakapagpakita si de la Rosa ng aktual na kaso at hindi rin umano nito na tukoy ang anumang legal question na maaring aksyonan ng Korte.
02:53Hypothetika lamang daw ang issue at inuunahan lamang daw nito ang gobyerno para hindi siya maaresto.
02:58Naghahain din ang OSG ng manifestation para muling irepresenta sa Korte ang mga opisyal ng gobyerno na inireklamo kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
03:08Ang OSG ay pinamumunuan ngayon ni Solicitor General Darlene Berberabe.
03:13Sa ilalim noon ni dating Solicitor General Minardo Guevara,
03:15tinanggihan ang OSG na maging abogado ng mga opisyal ng gobyerno sa paniwalang walang horisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.
03:22Sa isang pahayad, sinabi ng abogado ni Duterte at de la Rosa na hindi dapat pabago-bago ang posisyon ng OSG depende saan niya ay political weather.
03:32Yan ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended