00:00Kahit nag-resign na bilang kongresista, hindi pa rin lusot sa kaso si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico.
00:08Isa si Ko sa mga idinadawit sa issue ng flood control na in-recommendan ng ICI.
00:14Sa ombudsman na kasuhan, may unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:21Tapos na ang 10 araw na palugid para magbalikbansa si Ako Bicol Partilist Representative Zaldico.
00:27Matapos mawiin ni House Speaker Faustino Bojedi III ang travel clearance ng kongresista.
00:34Pero walang Zaldico na nagpakita sa kamera.
00:37Sahalip ipinose sa kanyang Facebook page ang kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng kamera.
00:44Ayon kay Ko, dahil yan saan niya itotoo at malabhang banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
00:50Ipinagkait din umano ang kanyang karapatan sa due process.
00:54Agad-agad na epektibo ang pagbibitiw ni Ko.
00:56Noong Hulyo pa, naka-medical leave si Ko sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects.
01:02Si Ko ang dating chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations na nabahira ng issue ng budget insertions.
01:10Nagtungo ng Amerika si Ko para magpagamot.
01:13Pero binawi kamakailan ni Speaker D ang kanyang travel authority.
01:17Sa pinakahuling impormasyon ay wala na sa Amerika si Ko na sinasabing nasa bansang Spain ngayon.
01:22Sa kanyang sulat, sinagot ni Ko ang ethics complaint na isinampalaban sa kanya ni Navotas Representative Tobitianco.
01:30Itinanggi ni Ko na siya ang naging utak ng inihabol na insertions at realignment sa 2025 national budget.
01:38Malabu raw kung hindi man imposible na nakapagpasok siya na insertions nang hindi nalalaman ng mga miyembro ng Kamara at Senado.
01:46Dumaan din niya dapat sa mabusising pagsusuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang General Appropriations Act nung pinirmahan niya ito.
01:55Mainam daw kung hihintayin muna ng Ethics Committee ang desisyon ng Supreme Court at Ombudsman sa mga kaso kaugnay nito.
02:03Kaugnay naman sa pagkwestiyon ni Tiangco na nagmedical leave si Ko kahit walang ibinigay na medical certificate,
02:10sabi ni Ko, hindi naman ito requirement.
02:13Itinanggi rin ni Ko na ipinagmamayabang nila ng kanyang pamilya ang kanilang yaman.
02:17Wala raw nagbago sa kanilang pamumuhay mula ng mahalal siya sa pwesto.
02:22Itinanggi rin ni Ko na kumita siya bilang kongresista mula sa mga proyekto ng SunWest Inc. na dati niyang pag-aari.
02:30Sasagutin daw ni Ko ang mga akusasyon laban sa kanya sa tamang panahon at tamang forum.
02:35Sabi pa ni Ko, ipatatanggal na niya ang kanyang mga personal na gamit sa kanyang opisina sa batasang pambansa.
02:42Ang party list niya ang mag-aabiso sa kamera kung sino ang papalit kay Ko.
02:47Sa iwalay na sulat, nag-leave din si Ko mula sa akobical party list.
02:52Sa ilalim ng batas, ang papalit sa nagbitiw na party list representative ay ang susunod na kinatawan sa listahan ng mga nominee na isinumitin ng grupo sa COMELEC.
03:03Geet naman ni Tiangco, kahit nag-resign si Ko bilang kongresista, hindi siya makakatakas sa mga kaso sa korte.
03:10Pag-iwas yun sa mas marami pang tanong sa ethics committee.
03:15Kahit naman mag-resign siya, hindi naman siya makakaiwan.
03:18Sa ombudsman, isa si Ko sa mga inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure na kasuhan kaugnay sa irregularidad sa flood control project sa Oriental Mindoro.
03:29Posible pong magsampa ng kaso paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa procurement law po sa violation ng revised penal code specifically sa provision ng malversation and falsification.
03:48And of course, isa po dito ay yung paglabag sa code of conduct of public officers and employees.
03:56Inirekomenda rin ng ICI na kasuhan si dating DPWH Mimaropa Regional Director, Engineer Gerald Pakanan,
04:05Assistant Regional Directors na sina Jean Ryan Altea at Ruben Santos Jr.
04:11At siyam na iba pang DPWH official.
04:14Damay rin sina Aderma Angeline Alcazar,
04:17ang Presidente at Chairman of the Board of Directors ng SunWest,
04:20pati ng apat na miyembro ng Board of Directors.
04:23Ang ICI nga, gaya po sa parating sinasabi, ay nagbabase po sa ebidensa.
04:29The stronger the evidence we have, the more complete our evidence we have,
04:34that's the time that we will file our recommendation to ombudsman.
04:37Hindi po basta-basta kaming nagre-rely o umaasa sa mga single testimony o sa isang affidavit po lamang.
04:48Sinusubukan namin kunin ang panik ng mga inirekomendang kasuhan.
04:53Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, tuloy pa rin ang mga kaso laban kay Coe.
04:58Humiling na rin ang DOJ ng Blue Notice mula sa Interpol
05:02para kumalap ng karagdaga impormasyon ukol sa aktibidad at lokasyon ni Coe.
05:07I don't expect him to come home. I mean, the way that everything is right now, I don't think he will just go home.
05:14Ito ang unang balita, Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
05:19Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments