00:00Di lang bahagi ng ating hashtag, An Amazing Years of Shining.
00:04Lumabas po muna sa studio ang mga ka-RSP para magatid ng saya at mga biyaya sa ating mga lolo
00:10at lola.
00:10Para po sa buong detalye, panoorin po natin ito.
00:14Sa loob ng 6 na taon, sabay-sabay tayong bumabangon at ngumingiti tuwing gumaga.
00:20And today is not just an ordinary anniversary celebration.
00:25It's our way of saying thank you.
00:28At sa loob po ng 6 amazing years nating pagsasama, panahon naman po para mag-give back sa ating mga
00:34ka-RSP at dalhinang saya mula sa studio dito po sa inyo.
00:39Ngayong araw, magbibigay naman tayo ng blessing sa ating mga senior citizens.
00:52Sa bawat kulubot sa kanilang mga balat, nakaukit ang mga taon ng buhay.
00:57Mga sakripisyo, pagmamahal at iba't ibang mga kwento at karanasan.
01:02Sila ang ating mga lolo at lola, mga taong minsang naging sandigan ang ating mga pamilya.
01:07At sa lahat ng pagmamahal na kanilang ibinigay, nararapat lang na sila naman ang mapasaya, mapasalamatan at maalagaan.
01:30Dito sa Golden Reception and Action Center for the Elderly and Other Special Cases o Graces,
01:36makikilala ang mga senior citizens na may sariling kwento, alaala at pangarap.
01:41May mahilig makapagkwentuhan, at meron namang simple lang ang hangad, ang may makasama at may makakwentuhan.
01:55At sa pagkakataong ito, narito ang RSP team katuwang ng WeCare Group, isang non-profitable organization,
02:01para maghatid ng munting biyaya at magbigay ng kaunting saya sa ating mga lolo at lola,
02:07na ipamahagi sa kanila mga munting regalo, tulad na lamang ng chocolate powder drink, wet wipes at mga biskwit.
02:22At mukund dyan, hati din namin ng entertainment sa kanila.
02:26Game na game rin si na lolo at lola sa aming munting performance,
02:30habang sabay-sabay nating pinalika ng mga awiting nagpaalala sa kanila ng kanilang kabataan.
02:58Sa munting handog na ito, hindi lang ang Rise and Shine Pilipinas ang nakapagbigay.
03:03Tayo rin ay nakatanggap ng mga ngiti, kwento at alaalang mananatili.
03:08Dahil minsan, hindi kailangan ng malaking bagay para mapasayang isang tao.
03:14Minsan, sapat ng maramdaman nila na sila inaalala, pinahalagahan at hindi makakalimutan.
03:21Sa ating mga lolo at lola, maraming salamat po at naway makatulong sa inyo ang mga biyaya na aming ipinamahagi.
03:29Kasama po kayo sa inspirasyon naming gumising ng maaga araw-araw upang maghatid ng mga kwento, balita at saya sa
03:36bawat tahanan.
03:38These blessings are for you.
03:44Bukod sa kwentuhan at balitaan tuwing umaga, gusto rin namin makapagbigay sa inyo ng saya sa loob o labas man
03:51ng studio.
03:52At ngayon, fulfilled ang aming mga puso dahil nakapagkwentuhan, nakapagbonding at nakapagbigay saya kami sa ating mga lolo at lola.
04:02At sa ating mga ka-RSP, maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa loob ng aning na
04:09taon.
04:10Kayo po ang dahilan kung bakit patuloy kaming bumabangon at nagniningning kasama ninyo every morning.
04:16Hindi dito nagtatapos sa pagbibigay namin ng saya at inspirasyon sa inyo mga ka-RSP.
04:22Happy 6th Anniversary, Rise and Shine, Pilipinas!
04:26Happy 6th Anniversary, Rise and Shine!