Skip to playerSkip to main content
Naisumite na sa Ombudsman ang salaysay ng mga nagpakilalang dating sundalo na nag-akusang hinatiran ng male-maletang pera mula kay Zaldy Co ang iba-ibang opisyal ng gobyerno. 


Ayon sa Ombudsman, susuriin ito gayundin ang ebidensya at kredibilidad ng mga sumumpa rito.


Itinuro naman ni dating Senador Antonio Trillanes IV si dating Congressman Mike Defensor bilang isa sa mga nasa likod ng 18 nagpakilalang sundalo na tila layon umanong siraan ang ICC investigators.


Posible umanong gamitin ito ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para ma-dismiss ang kaso sa ICC. 


Iginiit naman ng Office of the Prosecutor ng ICC na ang kanilang mga aktibidad ay pinopondohan ng sarili nilang budget na aprubado ng ICC Assembly of States Parties.
 
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naisumiti na sa Ombudsman ang salaysay ng mga nagpakilalang dating sundalo
00:06na nagparatang na hinatiran ng mali-maletang pera mula kay Zaldic Co.
00:12ang iba-ibang opisyal ng gobyerno.
00:14Ayon sa Ombudsman, susuriin nito,
00:17gayon din ang ebidensya at kredibilidad ng mga sumumpa rito.
00:22Nakatutok si Salima, refrang.
00:27Nasa Office of the Ombudsman na ang joint affidavit
00:30ng mga nagpakilalang dating sundalong naghatid-umanoh
00:33ng mali-maletang pera sa iba-ibang opisyal ng gobyerno
00:37mula kay dating Congressman Zaldic Co.
00:40Gusto nilang imbistigahan ito ng Ombudsman
00:42para sa mga posibleng paglabag sa anti-graft law
00:46at code of conduct of public officials.
00:48Ang basehan po namin ay tumanggap sila ng milyon-milyon na pera
00:52pero hindi po yan naipakita sa kanilang salen.
00:56At pag mag-iimbestiga pa ang Ombudsman,
00:59ay maaaring makita nila na merong malversation at saka bribery.
01:06Walang ipinakita o binigay na kopya ng affidavit sa media si Baligod.
01:11Pero sabi ni Baligod, kasama sa isinumiting affidavit,
01:15ang pakikipagtulungan-umano ng pamahalaan sa ICC investigators
01:19para imbistigahan ang extrajudicial killings noong gira kontra droga.
01:25Giit na mga dating sundalo,
01:27nakipagpulong raw sa ICC investigators,
01:30si dating Justice Secretary at ngayon yung Ombudsman,
01:33Jesus Crispin Rimulya,
01:34sa kanyang bahay umano sa Bel Air Makati.
01:37You have a high-ranking official of the government,
01:41no less than the Secretary of the Department of Justice,
01:45cooperating with the ICC.
01:47And we have a maxim in law
01:50that what you are prohibited to do directly,
01:55you cannot do indirectly.
01:57Sa kabila nito,
01:58tinuloy pa rin daw ni Baligod na ihain sa Ombudsman ang affidavit.
02:02Sabi ko nga, wala tayong choice eh.
02:04Hindi ko naman pwedeng dalhin sa DOJ,
02:08hindi ko rin pwedeng dalhin sa Senado,
02:11sa Kongreso o sa RTC kaagad.
02:15Walang ibang ahensya ng gobyerno.
02:17Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Rimulya.
02:22Sinagot rin ni Baligod ang sinabi ni Sen. Ping Lakson
02:25na questionable ang 805 billion pesos
02:29na kabuoang i-deliver ng mga dating sundalo.
02:32Ang sinasabi kasi ni Sen. Lakson,
02:34ang assumption niya,
02:35ang mga pera na ito ay galing sa flood control projects lamang.
02:40Marami pong ibang pinanggagalingan,
02:42Department of Agriculture,
02:45Department of Environment,
02:47yung mga reforestation program,
02:51yung mga irrigation projects,
02:53kasi ang pinupunto lang niya yung flood control eh.
02:57Pero meron tayong irrigation projects na maraming ghost dyan.
03:00Ayon sa Office of the Ombudsman,
03:03dadaan sa proseso ng evaluation
03:05ang transmittal na ito.
03:07Bukod sa pagsusurisan nilalaman ang joint affidavit,
03:10susuriin rin ang Ombudsman ang kredibilidad
03:12ng mga sumumpa rito,
03:14maging ang inihaharap nila mga ebedensya.
03:17Tiniyak ng Ombudsman na nananatili itong independent body
03:21na ginagabayan ng batas,
03:23ebedensya,
03:24at due process.
03:25Para sa GMA Integrated News,
03:28Sanima Refra,
03:29Nakatutok,
03:3024 oras.
03:32Itinuro ni dating Senador Antonio Trillanes IV
03:35si dating Congressman Mike Defensor
03:37bilang isa sa mga nasa likod
03:40ng labing walong nagpakilalang sundalo
03:42na tila layon umanong siraan
03:44ang mga ICC investigator.
03:46Posible umanong gamitin ito
03:48ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:51para madismiss ang kaso sa ICC.
03:55Nakatutok si Joseph Moro.
03:58Ang intention dito is to sabotage
04:00the whole ICC proceedings.
04:03Yan, ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV
04:07ang dahilan kung bakit inaakusahan
04:09ng labing walong nagpakilalang dating sundalo
04:12ang ilang opisyal ng gobyerno
04:14ng pagtulong sa mga investigador
04:16ng International Criminal Court o ICC.
04:18Sumaba yan sa gumugulong
04:20ng confirmation of charges hearing
04:22laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
04:25sa ICC.
04:26Ayon kay Trillanes,
04:27sila gustong palabasin
04:28ang nasa likod ng press con
04:29na nakompromiso na ang investigasyon ng ICC
04:32dahil sinagot umano
04:34ni dating Congressman Saldi
04:35kung akomodasyon
04:36ang mga nag-imbestiga
04:37at ang sasakyan
04:38papunta sa mga lugar
04:40kung saan umano
04:40may mga extrajudicial killings.
04:43Ang gusto nila dalin
04:44o kita nyo
04:44nakipag-meeting kung kanin-kanino
04:46anong koneksyon nun doon sa kaso?
04:48Hindi ako magugulat
04:49na gamitin ito ni Kaufman
04:53para humingi siya ng mistrial
04:57para mag-dismiss itong kaso na ito.
05:01Idiniinit Trillanes na
05:02walang ibinigay sa kanyang pera
05:03para panggasto sa ICC
05:05gaya ng aligasyon.
05:06Ako definitively sinasabi ko na
05:08walang binigay na pera sa akin,
05:11walang ako natanggap na pera
05:12para sa ICC man
05:14o kung para saan.
05:16Binigay daw sa ICC?
05:17So paano nilabas
05:19ng taga-ICC yung 2 million dollars?
05:21Bagahe ng ICC?
05:22Hindi pera yun.
05:23Alam natin na bawal ka maglagay nun
05:25kasi makukuha yun.
05:27Itinanggirin ni Trillanes
05:29ang aligasyon
05:29na kipagpulong
05:30ang mga ICC investigators sa kanya
05:32at iba pang opisyal ng gobyerno.
05:34Itinuro ni Trillanes
05:36si dating Congressman Mike Defensor
05:38bilang isa sa mga nasa likod
05:40ng mga sundalo.
05:41Meron ang mga nakakita
05:42ng mga plate numbers,
05:45ng mga sasakyan
05:46na ginamit
05:48ng mga dating sundalo
05:50pagpunta at paalis
05:51ng preskon.
05:52Ang isa dun
05:53ay nakapangalan
05:54sa asawa
05:55ni Mike Defensor.
05:57So alam natin
05:58kung sino
05:59itong mga to.
06:00Si Baligod,
06:01si Mike Defensor,
06:02mga bata ni Duterte yan.
06:04Mike Defensor again,
06:07Ador Mawanay 2.0.
06:10Kilala
06:11ang salitang Mawanay
06:13dahil sa pamimilit di umano sa kanya
06:16na gamuwa
06:17ng peking sa Laysay.
06:20Meron tayong impormasyon
06:21na isang tao
06:22sa administrasyon dati ni GMA
06:25na isang operator
06:27na ang trabaho lamang
06:29ay to model the issues.
06:31Pag ang taong ito
06:32ay kasama sa isang issue,
06:35something is fishy.
06:36Walang sagot si Defensor
06:38sa kung siya nga
06:39ang nasa likod ng preskon
06:40at umunay affidavit
06:42ng mga nagpakilalang Marines.
06:43Pero tugon niya kay Castro
06:45sagotin anya dapat ang issue
06:46at huwag ilihis sa personalidad.
06:48Hikayatin daw
06:50ang mga komite sa kongreso
06:51o ombudsman
06:52na magsagawa ng imbestigasyon.
06:54Kinundina naman
06:55ni National Security Advisor
06:56Eduardo Año
06:57ang akusasyong
06:58na bigyan siya
06:58ng isang paper bag
06:59matapos ang isang pulong
07:01sa loob ng Polo Club Townhouse.
07:03Wala o mano siyang
07:04dinalohang pulong
07:05at tinanggap na paper bag.
07:07Ayon kay National Security Advisor
07:09General Eduardo Año,
07:10iimbestigahan nila mismo
07:12ang tinawag niyang stunt
07:14ng mga nagpakilalang sundalo.
07:16Dahil sa timing nito
07:17sa mga pagdinig sa ICC,
07:19anniversaryo ng EDSA
07:21at ang one-time
07:21big-time na kilos protesta,
07:23maaaring bahagi
07:24aniya ito
07:25ng mas malawak
07:26na tangka
07:26para sa destabilisasyon.
07:28Sa aligas siya namang
07:29binibigyan siya ng pera
07:30tuwing may meeting sila ni Coe.
07:32Nilinaw ni Comelec
07:33Chairman Erwin Garcia
07:34na bagamat abogado siya
07:36dati ni Coe,
07:37hindi na niya ito
07:37nakapulong mula
07:38ng maupo sa Comelec.
07:40Sana yung script man lang
07:41kung sino man yung gumagawa.
07:42Nilagyan ng petya.
07:43Para mas credible,
07:45sana naglagay man lang
07:46kung kailan ba nangyari.
07:47Yung pagkakataon na rin
07:48after nung maapoint ako,
07:49wala na po ako mga meetings.
07:51Tinawag namang
07:52panis at sarsuela
07:53ni dating Sirigao del Norte
07:55Representative Robert Ace Barbers
07:57ang aligasyon
07:58na hindi naman daw pirmado.
08:00Si Barbers ay chairman
08:01ng Quad Combs sa Kongreso
08:02na nag-imbestiga
08:04sa extrajudicial killings
08:05at illegal drugs trade.
08:07Para sa GMA Integrated News,
08:09Joseph Morong,
08:10nakatutok 24 oras.
08:13Iginiit ng ICC Office
08:15of the Prosecutor
08:16na pinopondohan
08:17ang kanilang mga gastusin
08:18ng budget na aprobado
08:20ng isang assembly
08:22na binubuo ng mga kinatawan
08:24ng iba't ibang bansa.
08:25Tugon ito sa aligasyong
08:27ginastusan ng pera
08:29mula kay Zaldico
08:30ang mga tauha ng ICC
08:32na nag-imbestiga sa Pilipinas.
08:34Nakatutok si Ian Cruz.
08:39The ICC investigators
08:43themselves
08:44committed
08:46graft and corruption
08:49dahil bakit
08:51hinayaan nilang
08:52lahat ng sasakyan,
08:55lahat ng pagkain,
08:56lahat ng accommodations nila
08:58ay sinagot
08:59ng mga tao
09:01nakilala nila
09:03na kalaban
09:04ng kanilang
09:05iniimbestigahan.
09:06Yan ang aligasyon
09:08ng abugadong si
09:08Atty. Levy Baligod
09:10nang humarap sa
09:10press conference kasama
09:11ang labing walong
09:13dati umanong mga sundalo
09:14bintang ni Baligod
09:15pinondohan umanong
09:17ng pera
09:17mula kay dating
09:18Congressman Zaldico
09:19at dating
09:20Senador Antonio Trillanes
09:22ang mga taga-ICC
09:23na nagpunta dito
09:24sa Pilipinas
09:25para sa kanilang
09:26imbesigasyon
09:27sa mga insidente
09:27ng extrajudicial killings
09:29nung panahon
09:30ni dating Pangulong
09:31Rodrigo Duterte.
09:33Inilabas pa nila
09:34ang larawan
09:34ng ilan sa mga
09:35ICC investigators
09:36pati na ang kanilang
09:37mga pangalan
09:38na una nang itinang
09:39ni Trillanes
09:40ang paratang.
09:41Ngayon,
09:42ang Office of the Prosecutor
09:43ng ICC
09:44tumugon na rin
09:45matapos nanungin
09:46ukol dito
09:47ng GMA Integrated News.
09:49Ayon sa Office of the Prosecutor
09:51o OTP,
09:52ang kanilang maaktibidad
09:53ay pinopondohan
09:54ng budget ng ICC
09:55na aprobado
09:56ng ICC Assembly
09:57of States Parties.
09:59Ang mga gastusin
10:00ng OTP prosecution
10:01at mga investigation
10:03activity
10:03ay saklaw
10:04ng budget na ito
10:05alinsunod
10:06sa mga financial rules
10:07and regulations
10:08ng ICC.
10:10Confidential daw
10:11ang pangalan
10:11ng kanilang mga staff
10:12pati na ang mga saksi,
10:14institusyon
10:15o organisasyon
10:16na kanilang kinausap.
10:18Mahalaga raw ito
10:18para maprotektahan
10:20ang integridad
10:21ng imbesigasyon
10:22at ang kaligtasan
10:23ng mga biktima,
10:24saksi,
10:25pati na ang kanilang
10:26mga staff.
10:27Pero may isa pang
10:28umaalma
10:28sa Office of the Prosecutor
10:30ng ICC.
10:31Cognize ay pinakita
10:32nitang video
10:33sa confirmation
10:34of charges hearing.
10:35Ito yung panonood
10:36ni Nooy Mayor Duterte
10:38ng CCTV
10:38ng pamamaril
10:40ng tatlong umunoy
10:41Davao Death Squad member
10:42sa tatlong magnanakaw
10:44sa Agdao Market
10:45sa Davao City
10:46noong December 4, 2013.
10:48What's interesting
10:49about this incident
10:50is that a few weeks
10:52later,
10:53after the murder,
10:53murders,
10:55a video
10:56of Mr. Duterte
10:57watching the crime
10:59on CCTV
11:00was posted
11:01to YouTube.
11:02Yet,
11:03Mr. Duterte
11:04could not get
11:05this triple murder
11:07committed
11:08in a market
11:09in broad daylight
11:11with multiple
11:12eyewitnesses
11:13solved?
11:14Of course not.
11:16Because it was his murder.
11:18Ayon kay Ben Jason
11:20Tesiorna,
11:21siyang may kuha
11:22ng video
11:22habang pinapanood
11:23ni Duterte
11:24ang CCTV.
11:25Pero ginamit daw ito
11:26ng ICC prosecution
11:28ng walang paalam.
11:29Wala ro siyang pinayagan
11:31mula ICC
11:31na gamitin ng video niya
11:33o i-broadcast ito
11:35at maski ang paglagay
11:36ng subtitles.
11:37Wala ro kumontak
11:38sa kanya
11:39mula sa ICC
11:40at itinatanggi
11:41ang anumang
11:42pagdawid sa kanya
11:43sa umunoy
11:44tampered video
11:45na dumudungi
11:46sa reputasyon niya
11:47at inilalagay
11:48ang pamilya niya
11:49sa panganib
11:49dahil parang
11:50pinalalabas
11:51na nakipagtulungan siya
11:53sa ICC.
11:54Had they
11:55contacted me
11:56I would have
11:57explained to them
11:58kung ano talaga
12:00yung ano doon
12:00nangyari doon.
12:01Ang gusto kasi
12:02palabasin
12:03ng ICC prosecutor
12:05was parang
12:08live yung video
12:10ng pagpatay
12:11and walang ginawa.
12:12yun si
12:14Mayor Duterte
12:16and other officials
12:17at that time.
12:19Hindi real time
12:20yung
12:20video
12:20real time
12:22yung
12:22kumukuha ako
12:23ng video
12:25sa loob
12:26ng
12:26Operation Center.
12:28Play niya
12:29playback niya
12:30yung video
12:31na yun.
12:32Gusto rao ni
12:32Tesiorna
12:33na magpublic
12:34apology
12:34si Nichols
12:35at ipatanggal
12:36sa record
12:36ng ICC
12:37ang video.
12:38Ang affidavit
12:39ni Tesiorna
12:40ay pinanotarize
12:41niya
12:41kay Atty.
12:42Leo Delgra
12:43kapag
12:43ni Atty.
12:44Martin Delgra
12:45isa sa abogado
12:47ni Duterte
12:47na nasa dahig
12:48ngayon.
12:49Naibigay na raw
12:50ang kopya
12:50kay Delgra
12:51para raw
12:52ma-i-sumiti
12:53ito sa ICC.
12:54Gumawa ko
12:55ng affidavit
12:55kanina
12:56then
12:57tinarmahan ko
12:58then pinadala
12:58na namin
12:59kay Atty.
13:00Martin Delgra
13:01para maibigay
13:02sa ICC.
13:18Sinusubukan pa namin
13:19makuang palig
13:19ng ICC
13:20ukol dito.
13:21Para sa
13:22GMA Integrated News
13:23Ian Cruz
13:24nakatutok
13:2524 oras.
Comments

Recommended