Skip to playerSkip to main content
Pinakakasuhan ng plunder at iba pang asunto si dating Senador Bong Revilla ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa alegasyong hinatiran siya ng pera ng isang dating Public Works undersecretary. Sagot ni Revilla, handa siyang sagutin ang mga paratang kapag binigyan ng pagkakataon ng Ombudsman, bagay na ‘di umano ginawa ng ICI. Pinaiimbestigahan din ng ICI sina Senador Chiz Escudero, Senador Mark Villar at sina dating Senadora Grace Poe at Nancy Binay para sa case buildup. Nag-resign naman sa komisyon si ICI Commissioner Rogelio Singson.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagandang gabi po, Luzon, Visayas at Mingdanao.
00:10Pinakakasuhan ng plunder at iba pang asunto si dating Sen. Bong Revilla ng ICC o ng ICI
00:19dahil sa aligasyong hinatiran siya ng pera na isang dating Public Works Undersecretary.
00:24Sagot ni Revilla, handa siyang sagutin ang mga paratang kapag binigyan ng pagkakataon ng ombudsman.
00:30Bagay na, hindi umunog ginawa ng ICI.
00:33Pinayimbestigahan din ng ICI sina Sen. Cheese Escudero, Sen. Mark Villar
00:38at sina dating Sen. Grace Poe at Nancy Binay para sa case build-up.
00:43Nag-resign naman sa komisyon si ICI Commissioner Rogelio Singzon.
00:48At nakatutok si Joseph Moro.
00:50Si dating Sen. Bong Revilla, ang pinakamalaking pangalan sa ikawalong referral
00:58sa ombudsman ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
01:03Ang rekomendasyon ng ICI, kasuhan siya at siyam na iba pa ng plunder,
01:08direct o indirect bribery at corruption of public officials.
01:11Ang kakustisya ay strikto.
01:14Ilan sa mga pinagbasehan ng rekomendasyon ng ICI ay yung mga sinumpaang salaysay
01:20ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na isinumitin niya sa komisyon.
01:26Sa pagharap niya noon sa Senado, sinabi ni Bernardo na personal siya naghatid ng kahong-kahong pera
01:31kay Revilla sa bahay nito sa Cavite noong 2024.
01:35125 milyon pesos daw ang kanyang dinala noon.
01:39Iba pa raw ito sa 250 milyon pesos na hinatid rin daw niya sa bahay ni Revilla
01:43bago magsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
01:48Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalitan ni Revilla na kahit handang humarap sa ICI,
01:52hindi raw binigyan si Revilla ng pagkakataong magsalita para depensahan ang sarili.
01:57Ang mga nagdawit daw sa pangalan ni Revilla ay kasama sa mga bumuo at nagpatakbo ng sindikato
02:04at siya raw na kinabang sa bilyong-bilyong pisong pondo.
02:07Handa raw siyang saguti ng mga paratang oras na mabigyan ng pagkakataon ng ombudsman.
02:13Bukod kay Revilla, pinakakasuhan din ang ICI sa ombudsman
02:17ang mga binanggit ni Bernardo na mga tauhan at kaibigan ng ilang kasalukuyan at dating senador.
02:23Kabilang dyan ang kaibigan at campaign donor ni Sen. Chisa Scudero na si Maynard Ngu,
02:29pinsan ni Sen. Mark Villar na si Carlo Aguilar,
02:32e di dating Sen. Nancy Binay na si Carline Nyap Villar,
02:35staff di dating Sen. Grace Po na si J.Y. De La Rosa at isang Mrs. Patron.
02:41Dawit din ang mga opisyal ng DPWH na si Naming Maropa Regional Director Gene Ryan Altea,
02:46NCR Regional Director Gerard Opulencia at District Engineers Manny Bulusa na Truel Umali.
02:52Why did we give weight on the fee david of Joseph Bernardo?
02:58Well, I see sincerity on this part.
03:05Wala mang inerekamendang kaso, pinaiimbestigahan naman ang ICI sa ombudsman
03:10para sa case build-up si na Escudero, Villar, Binay at Po.
03:14Sa salaysay ni Bernardo, sinabi niya naghatid siya ng kabuang 280 milyon pesos para kay Escudero
03:20na inihatid niya sa building na pagmamayari ni Ngu.
03:24Si Villar naman, kumikbak umano sa mga pondo sa maintenance ng mga creek at iba pang daanan ng tubig,
03:30pati na raw ang pondo para sa EDSA.
03:32Ang komisyon, idinaan raw sa pinsan nitong si Carlo.
03:35Si Binay, aabot naman daw sa 15% ang diumanoy kickback na kinukubra raw ng aid nitong si Yaf Villa.
03:42Si Po humiling daw ng mga proyekto kay Bunuan sa pamamagitan ng kanyang staff na si Dolorosa
03:48at nakakuha raw ng 20% na kickback na kinulekta raw ng isang misis patroon.
03:54Sabi ngayon, ipo ang rekomendasyon ng ICI ay patunay na walang katotohanan ang mga bintang ni Bernardo
04:00at walang ebidensyang susuporta sa paghahain ng kaso laban sa kanya.
04:05Sinisika pa namin makuha ang pahayag ni na Escudero, Villar at Binay
04:09pero dati nilang itinanggi ang mga paratang ni Bernardo.
04:13Nagsumite naman ang dagdag na ebidensya ang ICI sa Ombudsman
04:17laban kina dating Akobical Representative Saldico, dating DPWH Secretary Manuel Bunuan,
04:23dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, Bernardo, COA Commissioner Mario Lipana, Alcantara, Hernandez at Mendoza.
04:32Sa gitna nito, inanunsyo naman ni Justice Reyes na nag-resign na si ICI Commissioner
04:37at dating DPWH Secretary Rogelio Singson, efektibo December 15
04:41pero posible namang hanggang December 31 pa siya manatili sa komisyon.
04:46He mentioned the very intense and stressful ICI work has taken its toll on this aging body.
04:54Kinihingan pa namin ang pahayag ang 77 years old na si Singson.
04:58Ayon kay Reyes, hindi naman raw maapektuhan ang pag-re-resign ni Singson
05:02ang trabaho ng ICI at depende sa Pangulo kong tatanggapin pa.
05:06We can continue investigative work on a table basis, not hearing basis.
05:13Umupo pa si Singson kanina sa hearing ng ICI kung saan humarap si Napasigloan District Representative Roman Romulo
05:20at Bulacan First District Representative Danilo Domingo.
05:24Pero humingi sila ng executive session sa ICI kaya hindi ni-livestream ang kanilang testimonya.
05:30Kapwa sila idinawit ng mag-asawang diskaya na umalihumingi ng kickback bagay na itinanggi ng dalawa.
05:36Sir, DPWH sa amin po yun. Hindi po yung staff ko.
05:40Things with them?
05:41Sila po ang DPWH sa Pasig po. Yes, hindi nila Pasig. Pasig, yung buong district.
05:47Authorized? No, I'd never authorized anyone.
05:49Authorized what?
05:50Yung tinatawang, di ba? Wala po, tabalang ganun.
05:53Sir, sabi ni Bryce, isa daw po kayo sa mga kong na nangyingi ng komisyon?
05:57Hindi po totoo yan at yun po ay pinatunayan ko sa investigasyong naganap na yun po ay walang katotohanan.
06:04Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended