Skip to playerSkip to main content
Nakadepende sa desisyon ng Korte Suprema ang magiging hakbang ng Justice Department kasunod ng paglabas ng ICC ng dokumentong nagpangalan sa mga umano’y “co-perpetrator” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa drug war.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakadepende sa disisyon ng Korte Suprema ang magiging hakbang ng Justice Department.
00:04Tasunod ang paglabas ng ICC ng dokumentong nagpangalan sa mga manoy co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa drug
00:11war.
00:12Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:17Matapos ilabas ng International Criminal Court o ICC ang pangalan ng mga co-perpetrators o kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo
00:25Duterte sa kasong Crimes Against Humanity,
00:28wala isipan kung tulad ng pag-aresto noon kay Duterte, ma-aresto rin kaya ang mga kilalang co-perpetrators
00:36na kinabibilangan ng dalawang kasalukuyan senador, isang dating cabinet official at mga dating matataas na opisyal ng polisya at National
00:44Bureau of Investigation.
00:46Ayon sa Department of Justice, dahil may kaso ngayon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng pagka-aresto kay
00:53dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:55hihintayin nila ang desisyon ng kataas-taasang hukuman.
00:58Pero binanggit din ang DOJ na merong tinatawag na executive prerogative o otoridad ng ehekotibo na pinamumunuan ng Pangulo.
01:08Meron po tayong batas either through extradition or surrender.
01:12Ito pong matter na ito ay executive prerogative.
01:15Kunwari, may warat na po.
01:17Executive prerogative po to either file for extradition, assuming na merong extradition treaty,
01:23and lastly to surrender or in the alternative to surrender the individual.
01:28Yun po yung kapangyarihan ng Estado.
01:30Makita po natin yan sa ilalim ng batas.
01:32The DOJ takes the position that it would be prudent to wait the resolution of the Supreme Court.
01:38Ayon pa sa DOJ, meron ding responsibilidad ang Pilipinas sa international community.
01:44If we do not comply, then intindihin po natin kasi na if the Philippines being part of a community of
01:51nations,
01:51If we do not comply with this obligation, sa mga pagkakataon po kunwari na tayo naman po humingi ng tulong
01:58sa Interpol,
01:59hindi po tayo ganung kadali pagbibigyan.
02:02Primary consideration here is our deference to the Supreme Court.
02:07Ito ang ginamit na basihan ng gobyerno sa pag-aresto noon kay Duterte sa visa ng hiling ng Interpol.
02:13Pero kinwestiyon niya sa Supreme Court na mga anak at taga-suporta ni Duterte.
02:18Illegal umanong at walang due process ang sabilitan umanong pagkuha kay Duterte at pag-surrender sa kanya sa ICC.
02:26Wala umanong na ipakitang official and sealed copy ng warrant of arrest mula sa ICC ang mga opisyal ng gobyerno.
02:34Wala rin umanong itong akses sa legal counsel noong panahon na yon.
02:38Sinabi naman ang Office of the Solicitor General sa memorandum nito sa Supreme Court nitong Inero
02:44na ay nirespeto ng gobyerno ang karapatan ni Duterte sa buong proseso ng pag-aresto at pag-surrender dito.
02:52Sabi naman ni Attorney Michael Thieu ng UP College of Law, nakasaad din daw sa batas,
02:57na maaaring isurender ng gobyerno ang isang akusado sa International Court o sa ibang bansa
03:03alinsunod sa extradition laws at treaties.
03:06Merong provision na nasa prerogatiba ng Estado na mag-surrender ng tao kapag itong taong ito ay iniimbestigahan na
03:19o meron ng kaso sa ibang jurisdiksyon o sa ICC.
03:26Ang Pilipinas sinasabi niya, o pwede namin itong gamitin to surrender, which I agree, pwede.
03:32Pero ang tanong pa rin ay, ibig ba sabihin yan, dere-diretsyo na lang yan,
03:38na kukunin mo kung saan mo matatagpuan yung tao tapos ililipat mo na.
03:44Normally kasi meron na may proseso kasi may due process protections tayo bilang mga citizen ng Pilipinas.
03:55Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended