00:00Pinayagan ng number one ng International Criminal Court
00:04ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo
00:08sa Confirmation of Charges Hearing ng kinakaharap niyang kaso.
00:11Pero, paglilinaw ng ICC, kung tutuloy sa paglilitis,
00:16hindi nito pinapayagan ang pagsasagawa ng trial nang wala ang akusado.
00:20Nakatutok si Maris Umali.
00:25Sa lunes, nakatakdang simula ng Confirmation of Charges Hearing
00:29sa International Criminal Court para sa alagasyong murder as a crime against humanity.
00:34At sa desisyong inilabas ngayon ng ICC Pre-Trial Chamber 1,
00:38pinayagan nito ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte
00:41na hindi na dumalo sa pagdinig.
00:43Tinutulan ng prosekusyon ang hiling ni Duterte.
00:45Pero ayon sa ICC, pinapayagan ng Rome Statute at Rules of Proceedings
00:50ang pre-trial chamber na magsagawa ng pagdinig kahit wala ang suspect.
00:54Basta raw nag-waive ito ng kanyang karapatan para dumalo.
00:57Sinabi sa desisyon na sa pirmado ang request ni Duterte para lumiban sa pagdinig.
01:02Nakalagay na naiintindihan niyang may karapatan siyang dumalo sa confirmation hearing
01:06at alam niya ang ibig sabihin kung hindi siya dadalo.
01:09Nalubos na ipinaliwanag sa kanya ng kanyang abugado.
01:12Sa isinumite ng abugado ni Duterte sa korte,
01:15sinabi raw ni Duterte na ayaw niyang dumalo sa pagdinig
01:18kahit pa sa pamamagitan ng video conferencing.
01:21Matanda at mahina na raw siya
01:22at sana igalang ng korte ang kapayapaan niya sa loob ng kanyang selda.
01:26Nilinaw din ang hukuma na ang pag-waive ni Duterte
01:29ay sumasaklaw lamang sa confirmation of charges hearing.
01:32Kung nais din daw niyang huwag dumalo sa annual hearing on detention
01:36na nakatakdang ganapin sa February 27, 2026,
01:39ay kailangan niyang magsumite ng hiwalay at tiyak na kahilingan para rito.
01:44Dismayado naman ang mga kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killing
01:48sa ilalim ng Duterte administration.
01:50Sabi ng grupo ng mga biktima,
01:52mas maswerte pa rin si Duterte
01:53dahil nabigyan siya ng pagkakataong humarap sa paglilitis,
01:56bagay na hindi na ipagkaloob
01:58sa mga biktima ng drug war na pinaslang.
02:00Pahayag naman ang abugado ni Duterte
02:02sa kabila ng kagustuhan ng prosekusyon na pilitin dumalo si Duterte,
02:06nagpasya na ang mga huwes na katanggap-tanggap
02:08ang waiver ng dating Pangulo.
02:10Tatagal ng apat na araw ang confirmation of charges hearing
02:13ng ICC Pre-Trial Chamber 1 sa darating na linggo.
02:17Pagkatapos nito, merong 60 araw ang Pre-Trial Chamber
02:20para magbigay ng desisyon kung tutuloy sa paglilitis ang kaso.
02:24Kung matuloy ito, nilinaw ng ICC na hindi nito pinapayagan
02:27ang pagsasagawa ng trial ng walang akusado.
02:30Kaya kailangan andon siya sa paglilitis.
02:33Para sa GMA Integrated News,
02:35Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
02:40Pagkatapos nito, merong 60 araw ang
02:42ngmentso pangala sa pagnabilis ang kasoel.
02:43Kaya kailangan andon siya sa paglhältis.
Comments