Skip to playerSkip to main content
BAWAL ANG RED TAPE!

Buena manong mga ahensiya sa serye ng ating special report kontra-Red Tape ang PhilHealth at PCSO na kabilang sa pinaka-inirereklamong GOCCs sa listahan ng ARTA o Anti-Red Tape Authority.

Ang mga Pilipino, matagal nang idinadaing ang tila mababang kalidad ng healthcare system sa bansa.

Kaya ang Red Tape o ‘yung kung ano-ano pang proseso, lalong nagpapakumplika, dagdag pasakit sa mga may sakit na nga!

Sa mga taga-pamahalaan, muling paalala, nagsisilbi kayo dapat. Bawal ang Red Tape.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Red Tape
00:01Red Tape
00:02Red Tape
00:03Red Tape
00:03Red Tape
00:09Good man mga ahensya sa serye ng ating special report contra Red Tape,
00:16ang PhilHealth at PCSO,
00:20na kabilang sa pinaka-inireklamong GOCCs
00:25sa listahan ng ARTA o Anti-Red Tape Authority.
00:28Ang mga Pilipino,
00:31matagal na idinadaing ang tilang mababang kalidad ng healthcare system sa bansa.
00:37Kaya ang Red Tape o kung ano-ano pang proseso,
00:41lalong nagpapacomplicate,
00:44dagdag pasakit sa mga may sakit na nga eh.
00:48Sa mga tagapamahalaan,
00:50muling paalala,
00:51nagsisilbi kayo dapat bawal ang Red Tape.
00:56Yan ang special report
00:58na tinutokan ni Jonathan Andal.
01:10May mga time ba na nawabalan ka na ng pag-asa?
01:14Siyempre po kasi,
01:16kala ko kasi matatransplant na buo ko last year eh,
01:19pero hindi pa rin po.
01:22September 2024,
01:23na-diagnose ang 26-anyos na si Reyn
01:26ng severe aplastic anemia,
01:28isang pambihirang sakit sa dugo.
01:30Ang tanging lunas,
01:32transplant o pagsasalin ng bone marrow
01:34na hindi pa rin niya magawa.
01:362.5 million po sa quotation.
01:42Kahit nariyan na yung
01:44Republic Act No. 11223
01:46o Universal Healthcare Law,
01:48milyong-milyong Pilipino pa rin
01:49ang hirap sa akses sa mura
01:51at kalidad na servisyong medikal.
01:56Dating nurse si Reyn,
01:57pero humintong magtrabaho
01:58dahil sa kondisyon.
02:00Parents ko po talaga yung
02:01ang nagsusuport po talaga sa akin.
02:04Ang nanay ko po ay labandera.
02:07Ang tatay ko po ay magsasaka.
02:09Nangungutang po si mama.
02:12Nawenda na po yung mga hayop.
02:16Kaya para sa gaya niyang umaasa
02:18sa tulong pinansyal ng gobyerno,
02:20malaking bagay ang mga GL
02:22o Guarantee Letter
02:23o yung kasulatang magpapatunay
02:25na sasaguti nila ang gastos,
02:27halimbawa sa pagpapagamot
02:28ng isang binipisyaryo
02:29na kadalasan ay
02:30mga may hirap na pasyente.
02:33Karaniwang galing yan
02:35sa mga politiko
02:35gaya ng presidente,
02:37vice-presidente,
02:38mambabatas
02:39at mga ahensya ng gobyerno
02:40tulad ng DSWD,
02:41PCSO at iba pa.
02:43Tignan nyo, ganito na po karami
02:44yung mga naipong Guarantee Letter
02:46o GL ni Reyn
02:47sa halos dalawang taon niyang
02:49pag-iikot,
02:50paghingi ng tulong.
02:52Sa mga nakalipas na taon,
02:54may mga nakuha na siyang
02:55guarantee letters
02:56pero nagagamit na niya
02:57sa mga pagsusuri at procedure.
03:00Tulad ng pagsasali ng dugo
03:01kada dalawang linggo,
03:0320,000 pesos ang gastos
03:05kada session
03:05sa NKTI
03:06sa Quezon City.
03:10Di pa kasama ang pamasahe
03:12para sa halos tatlong oras
03:13na biyahe
03:14mula sa kanilang bahay
03:15sa Tanzacavite.
03:16Pagkain,
03:17gamot,
03:18at iba pa.
03:18Pero ang sinasabi po ngayon
03:20ni DOH Secretary Ted Herbosa
03:21hindi na raw kailangan
03:22yung mga gatong klaseng
03:23guarantee letter
03:24dahil
03:25mababayaran naman na daw
03:26mako-cover na yung mga
03:27hospital bills
03:28sa programa ngayon ng gobyerno
03:29na zero balance billing.
03:31Pero,
03:32yan ang pinoproblema
03:33ng ilang outpatient
03:34tulad ni Rain.
03:38Handa na raw ang donor ni Rain.
03:40Wala nga lang siyang pambayad
03:42sa operasyon.
03:43Nakapagpa-cross matching na kami
03:44yung DNA typing
03:46parang match kami
03:4957,000 ang isa.
03:51Noong unang admission ko
03:52umabot po yung lahat ng bill ko
03:54ng almost half million po.
03:56Sobrang nadismaya
03:57kasi ang laki po
03:58ng kaltas sa amin
03:59ng PhilHealth.
04:00Kala mo sila yung makakatulong
04:01pero 9,000 lang
04:03yung nabawas.
04:04Sa PCSO,
04:05lumapit ka na.
04:06Sinubokan mo na lumapit?
04:07Opo,
04:07sumubok na po ako lumapit.
04:09Makakapagbigay lang po sila
04:10ng guarantee letter
04:11once na na-operahan na po ako.
04:13Pagka may final billing na po,
04:16hindi pa po ako nakakalapit ulit
04:18sa PCSO.
04:19Sa inilabas sa listahan
04:20ng ARTA
04:21o Anti-Red Tape Authority,
04:23kabilang po ang PhilHealth
04:24at PCSO
04:25sa top 10 most complained
04:27o pinakainerereklamong
04:29GOCCs
04:29of government-owned
04:30and controlled corporations.
04:35Mahabang pila.
04:37Anong oras na po kayo nandito?
04:39Mga
04:3912 o'clock.
04:4112 o'clock?
04:42O, mag-aaras
04:432 o'clock.
04:43Salatid na sa charter
04:44ng 1 hour
04:45and then it's
04:46na po sa 1 o'clock.
04:47Hindi na.
04:49Hindi paano?
04:49Hindi naman natupad.
04:54San damakmak na requirements.
04:56Sana i-prief niyong mga agents
04:59ng mga procedure talaga,
05:02mga dokumento na dapat dalit.
05:04Para hindi po magpabalik-balik yung citizen.
05:07Kasi yung hirap po.
05:09Papartik po namin sa head office mom.
05:11Misan kasi pag magpapalik ka ng GL,
05:14minsan may kulang
05:14so kailangan mo pang bumalik.
05:16So pila ka na nga
05:17pakahaba.
05:18Tapos minsan nakakaupi pa ko
05:19ng 9 lang gabi yung pila ka.
05:21Huli kong uwi.
05:23Para sa tila kakaramkot na tulong,
05:25may sakit ka na nga,
05:27dagdag pa sakit pa.
05:29Parang,
05:30bakit ganito yung sistema sa Pilipinas?
05:33Bakit ganito yung ginagawa sa mga taa?
05:35Kahit kompleto na yung mga dokumento,
05:37papabalik-balikin nila.
05:43Halos buong populasyon ng bansa
05:45naka-enroll o registered na sa PhilHealth.
05:48Pero kahit ganon,
05:49halos kalahati pa rin ng gastuseng medikal
05:51ang inilalabas ng kada miyembro
05:53ang nagkakasakit.
05:54Mukhang tama nga ang sabi nila,
05:56you're just one illness away from poverty.
06:02Bagaman kinikilala ng PhilHealth
06:04ang kanilang mga pagkukulang,
06:06sinabi ni PhilHealth President
06:07and CEO Dr. Edwin Mercado
06:09na malaking bahagi nito
06:11ay naguugat sa anyay miscommunication.
06:14Miscommunication between the patient
06:16and the local health insurance office?
06:18Pareho po.
06:19Magkakaroon din po
06:20ng miscommunication with the patients
06:23regarding membership din,
06:25yung pagbabayad ng premium,
06:27ano nga po yung coverage ng disease.
06:29Kaya even level of hospitals po,
06:32kinakausap na rin namin yung billing clerk
06:34kasi minsan nakikita namin
06:35mali yung mga minaminos dun sa hospital bill
06:39kasi mali po yung diagnosis code na ginagamit.
06:42Patuloy ang kanilang upskilling
06:44maging mula sa level ng mga bailing clerks
06:46sa ospital para mas ma-maximize
06:49ang coverage ng bawat pasyente.
06:53Patungkol sa mga pinagdaraanan
06:55ng mga pasyenteng gaya ni Rainey.
06:57Mababa ang support value ng PhilHealth
06:59na ina-acknowledge po namin.
07:01Napaka-complex
07:02kasi ang healthcare
07:04hindi naman
07:04nagkasakit ka ng puso
07:06ay pare-pareho,
07:07nag-iiba-iba yan.
07:08Pero ang inuuna po namin
07:09yung mga malalalang sakit
07:11yun nga po yung Z-BEN package.
07:12Dun sa mga hindi ganun ka
07:14fatal diseases
07:15yun nga po yung mag-a-adjust pataas.
07:20Ang PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office
07:23gustuhin mang magpaabot
07:24ng mas malaking tulong.
07:26Ang maibibigay raw nila
07:28ay dagdag lang sa suporta
07:29sa mga frontline agency
07:31tulad ng PhilHealth.
07:32We're trying our best
07:33na tulungan pa rin
07:35ang lahat na nangangailangan ng medical.
07:39Sa gitna ng aming shoot,
07:41si Rain sinubukang mag-queue online
07:43para sa MAP
07:44o Medical Assistance Program ng PCSO.
07:46Pero nahirapang makakuha ng slot.
07:50Kung talaga naman kasing
07:51na-cut off na
07:52because we have to manage the funds, no?
07:55Hindi naman unlimited yung funds namin.
07:57So yun sir, tuloy-tuloy pa ng PCSO
07:58so kung bibigay niya
07:59pag-brand din naman naman gano'n?
08:00Ay o po, tuloy-tuloy po yan.
08:02Parang may case rate din kami
08:03similar to that.
08:04Depende sa kaso.
08:08Kung tutusin,
08:09isa lamang si Rain
08:10sa napakaraming Pilipinong dumaraan
08:12sa ganitong sitwasyon.
08:14Dahil mo kailangan patunayan.
08:15Nawa po ay gumaling na po.
08:16Hindi man po pusan tumaas yung platelet ko.
08:20Nawa po ay may mga taong makatulong
08:21para matransplant na po ako
08:23or
08:24dumali na po yung pagkuhan namin
08:26ng mga guarantee letters.
08:27Kirap.
08:28Sobra po.
08:33Marami ang nagigipit.
08:35Sa sistemang tila,
08:36patuloy ang pang-iipit.
08:38Ang mga may sakit,
08:39lalo na nga lang bang
08:41mamimilipit.
08:42Para sa GMA Integrated News,
08:44ako po si Jonathan Andal.
08:46Nakatutok 24 Horas.
08:52Outro
Comments

Recommended