00:00Makalagang maintindihan ang panganib na dulot ng kagat o kalmot ng hayop.
00:04May mga pagkakataon kasing binabaliwala lang ito at tila hindi alintana ang posibilidad ng sakit na rabies.
00:11Babala ng mga eksperto, dapat itong maagapan bago pa lumabas ang mga sintomas dahil pag nangyari ito, huli na ang lahat.
00:18Panoorin ang ulat ni Dano Tingkungko.
00:24Ang mamatay sa rabies ang isa marahil sa pinakamasahol na paraan ng pagkamatay.
00:29Hindi lamang para sa pasyente, kundi para na rin sa kanyang mga mahal sa buhay.
00:35Nakukuha ang rabies virus sa laway ng isang infected na hayop gaya ng aso at pusa na nangagat, nangalmot o nagkakontak sa mata, bibig o sugat.
00:44Ang pinupuntirian nito ang nervous system ng isang tao.
00:48Ayon sa mga eksperto, maaaring tumagal ang incubation period ng isa hanggang tatlong buwan.
00:53Pero may pagkakataong inaabot hanggang labing-anim na taon bago lumabas ang mga sintomas ng rabies.
01:00Kung gaano kalakas yung virus na naka-infect sa isang pasyente.
01:04Number two, kung yung immune system ng pasyente ay mahina, syempre mas mabilis mag-develop ng rabies.
01:12Number three, kung gaano kalapit sa utak at sa spinal cord.
01:16Mas malapit sa utak at sa spinal cord, mas mabilis mag-develop ng signs and symptoms of rabies.
01:22At number four, kung gaano kalalim yung sugat.
01:25Bago mangyari ito, kailangan makapagpabakuna na ang nakagat.
01:29Dahil kapag umabot na ang virus sa utak, unang lumalabas na sintomas ang lagnat, pananakit ng ulo at panghihina.
01:36Ang mas malalang sintomas, pagkatuliro, pagdedeliryo, paglalaway at hydrophobia o takot sa tubig at aerophobia o takot sa hangin.
01:46Nahijack ng virus yung utak, nagiging disorganized yung responses ng katawan.
01:51Dapat kasi para mabuhay ang isang tao, dapat sabay-sabay may organization ang paghinga, ang pagtibok ng puso,
01:59yung pag-travel ng signals from the brain to the different organs of the body, dapat yan coordinated.
02:05Yun yung naapektuhan ng rabies virus.
02:09Ayon sa World Health Organization, oras na umabot na sa central nervous system ang virus,
02:14fatal o nakamamatay ang rabies sa 100% of cases.
02:18Kapag ang virus ay nakaabot na sa spinal cord at nakaabot na yan sa utak,
02:24papasok na yung pasyente sa prodromal phase at eventually magiging restless at comatose ang pasyente.
02:30Kapag pumasok na yung pasyente sa prodromal, comatose phase, wala na tayong magagawa.
02:36Kung hindi agad makakapagpabakuna sa kung anumang dahilan, mainam na hugasan ng sugat.
02:40Ang unang mo talagang dapat gawin ay hugasan yung sugat o wound washing with soap and water.
02:48Running water, sabon for at least 10 to 15 minutes.
02:52Up to 20% ng mga kaso ng rabies ay may iwasan sa pamamagitan lamang ng pag-wash ng sugat with soap and water.
03:02Isa sa mahalagang determinant kung bakit umiikli ang incubation period ay dahil sa dami ng virus na pumasok sa katawan during the bite.
03:12So kung yan ay babawasan natin sa pamamagitan ng pag-uhugas using soap and water, malaking maitutulong nito.
03:19Paalala rin ng mga eksperto, hindi dapat pinapatay ang kumagat na hayop.
03:23Lalo't mahalagang maobserbahan ito sa loob ng 14 na araw.
03:27So kadalas ang misconception ng mga tao na kahit anong hayop, basta nakakagat ng tao automatic na magde-develop yan ng rabies.
03:36Hindi po ganun.
03:38Ang isang hayop ay makakapag-transmit lang ng rabies sa taong kinagat niya kung siya ay may rabies na in the first place.
03:45So during that observation period, mahalaga po na alagaan pa rin yung hayop.
03:52Dapat kung kailangan nila ng food and water, we still provide them with food and water.
03:56Nga lang, kailangan po i-secure natin kung saan sila ilalagay.
04:01Para sa GMA Integrated News, Dano Tinko, Nakatutok, 24 Horas.
Comments