Skip to playerSkip to main content
Apektado ang operasyon ng PhilHealth nang kautusan ng pamahalaan na ibalik sa kaban ng bayan ang P60 bilyong pondo nito. Isa ‘yan sa mga puna ng COA sa audit report nito sa ahensya. Sa audit naman nito sa Department of Health, napuna ang mga gamot at bakuna na nag-expire o pa-expire na.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Apektado ang operasyon ng PhilHealth ng kautosan ng pamalaan na ibalik sa kabanang bayan ang 60 bilyong pisong pondo nito.
00:08Isa yan sa mga puna ng COA sa audit report nito sa agensya.
00:12Sa audit naman ito sa Department of Health, napuna ang mga gamot at bakuna na nag-expire o pa-expire na.
00:18Ang sagot ng Health Department sa mga ito sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:22Hindi biro ang mahal na mga gamot sa panahong ito.
00:29Kaya nakahihinayang ang puna ng Commission on Audit sa gastusin ng Department of Health noong taong 2024.
00:35Halos 35 milyong piso ang droga, gamot at iba pang imbentaryo ng Health Department ang expired na ayon sa COA audit report.
00:44Bukod pa yan sa halos 100 milyong pisong halaga ng mga gamot na malapit nang ma-expire.
00:49Sa obserbasyon ng COA, maaaring masayang ang gamot dahil overstocked o sobra o di kaya'y mabagal ang paglabas ng mga gamot.
00:57Tungkol sa mga gamot na nearly expired, sabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo, malamang sa ngayon ay na-distribute na ang mga ito.
01:05Sabi niya, nang mag-audit kasi ay may isang taon pa bago ma-expire ang mga gamot.
01:10Aminado siyang malaking hamon ang imbentaryo para maiwasan ang expiration ng mga gamot.
01:14May ipinatutupad ng Electronic Logistics and Management Information System pero 60 to 70 percent pa lang ang gumagana kaya may mga lugar na hindi pa naabot.
01:23Yan sana yung pinaka-computer program na magsasabi.
01:27Ilan ba ang binili natin? Nakarating na ba ito dun sa mga pasyente o mga tao na nangangailangat at ilan ang sobra?
01:35Kabilang sa mga nakitang expired ang 19 million doses ng COVID-19 vaccine.
01:40Pero sabi ni Domingo, noon pa yan, dahil nagbilihan ng ganyan ang mga lokal na pamahalaan kahit sinabihan na silang bibili ng mga bakuna ang national government.
01:48Sumobra tuloy ang mga bakuna. Nasama uli ito sa COA audit dahil hindi basta-basta ang disposal nito.
01:55Nung patapos na yung pandemic, ang daming gusto mag-donate kasi ayaw ma-expirean.
01:59Nag-landing lahat sa DOH.
02:01Sa audit report, nagbabala rin ang COA na maaaring maapektuhan ang financial stability at operational efficiency ng labintatlong DOH hospitals.
02:10Pahirapan umano kasi ang pagtiyak sa pagiging tama at sa pagsingil ng dapat na koleksyon nito sa PhilHealth na mahigit isang bilyong piso.
02:19Halos 800 million pesos sa halagang ito ay dininay ng PhilHealth, habang halos 300 million pesos ang return to hospital o ibinalik sa hospital para malinawan.
02:29Dahil yan sa hindi pagsunod sa tamang paraan ng pagproseso sa mga claim na itinakda.
02:34Paliwanag ni Domingo, nabigyan na ulit ng pagkakataon ng mga ospital na mag-file ng claims, matapos itong pag-usapan sa PhilHealth Board kung saan chairman of the board ang DOH.
02:44PhilHealth will have more accurate numbers kung ano nilang yung, lumiit na yung bilang eh, kasi even yung financial statements ng PhilHealth, tumaas yung kanilang bayad.
02:52Sa audit namang isinagawa ng COA sa PhilHealth, ipinunto nito ang mga panganib na maaaring makaapekto sa operasyon ng PhilHealth.
02:59Una rito ang potensyal na pagkaubos ng reserve fund ng ahensya, matapos ibalik sa National Treasury ang 60 billion pesos na pondo ng PhilHealth.
03:0889 billion pesos dapat ito pero nag-issue ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa natitirang 29 billion.
03:15Ikalawa, kulang ayon sa COA ang subsidiya mula sa gobyerno para sa mga indirect contributors o mga senior citizen, PWD at indigent o mahihirap.
03:259 billion pesos lang daw ang ibigay na subsidiya ng gobyerno sa halip na higit 40 billion pesos.
03:31Ikatlo, sabi ng COA, walang natanggap na alokasyon ng PhilHealth sa taong 2023 at 2024 para sa pagpapalawig ng ilang benefit packages tulad ng expanded dialysis at mental health package.
03:44Sinusubukan pa namin kuna ng pahayagang PhilHealth pero dahil nasa PhilHealth Board ng DOH, alam daw ng DOH ang financial status nito.
03:52Giit ni Domingo, sapat ang reservang pondo ng PhilHealth.
03:56Maliban dyan para sa 2026 national budget, 113 billion pesos ang panukalang subsidiya na matatanggap ng PhilHealth.
04:04Malaki talaga yung riserba ng PhilHealth ngayon.
04:08Sa katunayan, sa buong mundo, ang mga health insurance systems ng gobyerno, hindi dapat malaki ang riserba.
04:15In fact, pag nabasa natin yung nakalagay sa UHC law natin, saka sa PhilHealth law na rin, no more than two years operational expenditure.
04:23Dalawang taon lang dapat yung tinatago.
04:26Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Oras.
04:30Dalawang taon lang dapat yung tinatago.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended