Skip to playerSkip to main content
Kalat-kalat ang mga power plant sa bansa kaya may pagkakataong kinukulang ng kuryente sa ilang lugar ayon sa energy department. Kabilang ‘yan sa mga inusisa sa pagdinig para sa 2026 budget ng kagawaran.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kalat-kalat ang mga power plants sa bansa, kaya may pagkakataong kinukulang ng kuryente sa ilang lugar, ayon po yan sa Energy Department.
00:09Kabilang yan sa mga inusisa sa pagdinig para sa 2026 budget ng kagawaran.
00:15At nakatutok si Mav Gonzalez.
00:17Sa deliberasyon ng Senado sa 2026 budget ng Department of Energy, kuenestyo ni Sen. Rodante Marculeta kung bakit sa laki ng dependable energy ng bansa, kinukulang pa rin.
00:33Ayon kasi sa DOE, 27,000 gigawatts ang dependable energy natin o maaasahang kuryente. Sobra-sobra sa konsumsyo na 19,000 gigawatts lang.
00:43Meron tayong sobrang 8,000 megawatts. So itong problematic na ito, ano bang ginagawa natin? Ba't di natin ma-address?
00:53Ang mga planta po kasi hindi located in one location. Pati po yung mga consumers natin hindi in one location.
01:00Paliwanag ni Energy Secretary Sharon Garin, kalat-kalat kasi ang mga power plant natin, kaya nagkukulang sa ibang lugar.
01:07Ang iba pa nasisira, kaya hindi talaga masasabing dependable ang numero mo ito.
01:13Hindi kasi nakaspread out ng maayos yung mga power plant natin.
01:17So now, pinapareview ko ulit ang energy plan para tignan saan ba yung mga regions na kailangan may base load pa tayo
01:26o saan kulang yung mga transmission natin.
01:30Those are things na kahit matematik siya na tama naman, sobra-sobra tayo. Pero actually yung design may kulang pa talaga, Mr. Chair.
01:42Halimbawa niya, maraming planta sa Luzon pero limitado ang linya.
01:46Ina-assess na raw ngayon ng DOE ang iba't ibang planta sa bansa at posibleng matapos ang review sa katapusan ng taon.
01:52I-init din ang DOE kanina na hindi PR ang balita na nangunguna ang Pilipinas sa Southeast Asian countries sa paghahanda na magtayo ng nuclear power plant.
02:02A year and a half ago, we have done nothing. Nothing. And then now we're on the forefront. Ang galing talaga natin. What happened? Who can update me? Kanina yung PR yun?
02:12Mr. Chair, yung PR. Ever since 2022, with the new administration, medyo na revitalize yung nuclear energy program interagency, it just took us time to get back on track.
02:28Now we have a nuclear division. We have a nuclear division in DOE. We have a road map already.
02:36Paliwanag ni Garin, steady ang paghahanda ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Kaya naungusan natin sila.
02:43Indonesia at one point was ahead of us but hindi steady kasi their legislative medyo binawi ulit yung authority.
02:51Vietnam is also getting ahead also. But it depends on the year na rin eh or depends on the country.
03:01But comparatively, we are ahead with the rest of the countries in Southeast Asia in preparation for building the power plant.
03:12Dagdag ni Garin, na-review na ng International Atomic Energy Agency o IAEA, ang roadmap ng Pilipinas sa nuclear energy.
03:21May kasunduan na rin tayo sa US at ibang bansa at maraming kumpanyang interesado rito.
03:26May surveys na rin daw silang isinagawa sa acceptance rate ng nuclear power.
03:31Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
03:42Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended