Skip to playerSkip to main content
- HPG-7 officer, patay nang sumalpok sa bus


- 3 suspek sa pagpaslang sa mag-inang Mollenido, arestado; isa pang suspek, sumuko


- Van na nangarera at nanggitgit ng isa pang van sa Kennon Road, tinugis


- Lalaki, binaril dahil umano sa cellphone


- ICYMI: Taas-presyo sa LPG | M/V Trisha Kerstin 3 update


- Sen. Allan Cayetano: Wala pang 13 votes para sa pagpapalit ng senate leadership


- 2 impeachment complaint vs PBBM, "sufficient in form" ayon sa House Justice Committee


- Publiko, pinag-iingat laban sa love scam


- 2-in-1 adventure sa Daraitan sa Tanay, Rizal


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:30Ito ang isang motorsiklo.
00:31Nasawi ang sakay ng motorsiklo na si Police Executive Master Sergeant Antonio Sando ng Highway Patrol Group.
00:40Batay sa investigasyon, pauwi na siya galing sa trabaho.
00:43Sugata ng isa pang motoristang nakasunod sa motorsiklo ng biktima.
00:49Abot-abot ang paghingi ng tawad ng bus driver na nakakulong na at naharap sa reklamo.
00:55Iniimbestigahan naman ang naunang banggaan na batay rin sa kuha ng dashcam
01:01ay dahil sa biglang paghinto ng sinusundang sasakyan ng sedan.
01:06Hawak ngayon ng mga otoridad ang apat na suspect sa pagpatay sa mag-inang sina
01:11Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollienido at John Ismael.
01:17Bukas daw ihahayag ng mga otoridad ang resulta ng investigasyon
01:22at kung dawit nga ba ang dating asawa ni Mollienido.
01:26May report si Marisol Abduraman.
01:31Kaw pa pinatay pero itinapo ng hiwalay
01:34ang mag-inang sina Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollienido
01:38at walong taong gulang na anak na si John Ismael.
01:41Nawala sila noong January 16 kung saan nagbenta ng sasakyan si Mollienido.
01:46Nakita sa Baguio ang ebinentang sasakyan.
01:48Sa pampanga naman natagpuan ang SUV na pinagsakyan sa mga bangkay.
01:52Mula nitong biyernes, tatlong suspect ang inaresto.
01:56Dalawa sa kanila ay mag-asawa.
01:58Ang babae ay ang agent sa pagbibenta ng sasakyan.
02:01Inaanak din siya ni Mollienido.
02:03Ang asawa ng agent ay isang na-dismiss na polis.
02:06Ang isa pang hiwalay na nadakip,
02:08kumpare ng asawa ng agent.
02:10Itinuro niya ang mag-asawa na nasa likod daw ng pagpatay.
02:13Sila po talaga, wakla na kung iba may gawa.
02:19Nakonsensya daw siya kaya isinuwalat ang mga nalalaman.
02:22Napakasakit po. Nakita ko na lang yung nangyari, binabalot na nila.
02:27Doon yung bata, buhat-buhat na nila yung pag-asawa nilagay doon sa bodega.
02:34Wala nang buhay.
02:36Sabi ko ganun, mahirap yung ginawa ninyo.
02:40Anak din ako.
02:41Ups.
02:42Kanina, lumutang din para sumuko ang isa pang suspect.
02:46Hindi siya nadatnan ng mga tauhan ng QCPD,
02:50Criminal Investigation and Detection Unit,
02:52nung Biernes, sa kanyang bahay sa Santa Maria, Bulacan.
02:56Kapatid siya ng asawa ng agent.
02:58Naroon umano siya sa bahay ng mag-asawa kung saan nangyari ang krimen.
03:02Sabihin mo lahat, walang labis, walang kulang.
03:05Nakonsensya na po talaga ako at natatakot ako.
03:09Bakit ko natagalan pa, ma'am?
03:10Kasi po, sa sobrang takot ko po.
03:12Ang tatlong naunang inaresto, sinampahan na kahapon ng reklamang two counts ng robbery with homicide at theft.
03:19Ito rin ang isinampang reklamo sa mismong strange husband o dating asawa ni Molenido at ama ni Ismael,
03:26si Police Senior Master Sergeant John Molenido.
03:29Pero ayon sa abugado ni John Molenido, hindi siya suspect.
03:32Hindi naman siya nakaposa, so talagang hindi naman siya naaresto.
03:35Meron po tayong inquest na nangyayari, pero hindi naman po party doon ang aming kliyente na si John.
03:40Pinigan ng media ang PNP sa Estado Molenido sa kaso at sa kung ano ang motibo sa krimen.
03:46Pero matipid ang kanilang tugon.
03:48Bukas, nandiyan ang development.
03:52Basta ang ating polis ay nagtatrabaho to ensure that those persons involved and personalities and even group,
04:03I will help them accountable for what they have done.
04:07Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:12Walong nasa street party sa Ming, Lanilia, Cebu, ang sugatan ng mabangga ng isang multi-cab.
04:21Tinugis naman ang LTO sa pazigzag na Kennon Road,
04:24ang isang van na umunay ng arera at ng git-git.
04:28May report si John Consulta.
04:33Mag-order pa ko nga.
04:35Mag-yong gilid na ron!
04:36Sa pazigzag na Kennon Road, hinabol ng mga taga-LTO ang private van na ito na humarurot at nag-counterflow.
04:48At kahit nandikitan at binabaan na ng LTO ang van, pumaspas pa.
04:56Ang van ay isinumbong na nagkakarera at may kagit-gitan na isa pang van.
05:00Yung unang van na yun ay pumara naman, tumabis sa daan.
05:04Sabi niya, yun po yung nang bubuli sa amin, kinat po kami.
05:08Naharang ang van pero binanggap pa ang sasakyan ng LTO.
05:12Walo ang sakay nito, kabilang ang isang minority edad.
05:15Napag-alaman ng LTO na ang driver ng ikalawang van, wala palang dalang lisensya.
05:20At may record na ng patong-patong na violation.
05:24Pasent na na po talaga ngayon sir.
05:25Hindi ni rityo mo pa eh.
05:26Natakot na po talaga ako sir.
05:27Tapos tingnan mo yung ginawa mo, lahat ng pataas, sila loobong mo.
05:31Ayon sa LTO, kakasuan ang driver ng van ng reckless imprudence resulting in damage to property.
05:37Ang ganda ng laban par!
05:39Sa Kayintarizal, viral ang hulikam na away ng dalawang motorista.
05:43Ang isang naghamun-umano, may bit-bit pang baseball bat.
05:47Pero inunahan siyang pag-usuntukin ng nakabating driver.
05:51Pinalo ni tropa eh.
05:53Nagkakabulan at muling nagkasuntukan.
05:56Ang nakahubad na driver, tila na knockout.
06:00Sa puntong yun, ibinangon siya ng nakaalitan.
06:03Dumating kalaunan ang polisya.
06:05Anila, nagkaayos naman ang dalawa.
06:07Gayunman, suspindido ang lisensya nila.
06:10At naka-alarm ang kanila mga sasakyan ayon sa LTO.
06:12Sa Minglanilla, Cebu, inararo ng isang van-type multi-cab ang grupo ng mga taong nagpa-party sa kitna ng kalsada.
06:20Walo ang sugatan na nasa maayos ng kalagayan.
06:23Dalawang motorcyclo rin ang napinsala.
06:25Batay sa imbisigasyon, ang van ay minamaneho ng chairman ng barangay poblasyon Ward 2.
06:31Hindi raw kumagat ang prendo nito.
06:33Hawak na siya ng polisya at maaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to properties.
06:40Tumanggi mang magsalita sa camera.
06:43Sinabi raw nitong handa siyang sagutin ang pagpapagamot sa mga biktima at paghasaayos sa mga nabanggang motorcyclo.
06:50John Konsulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:59LPG pang kusina may taas presyo ngayong Pebrero.
07:031 peso and 55 centavos kada kilo ang dagdag sa LPG ng Solane.
07:08Habang 1 peso and 50 centavos naman ang itinaasa kada kilo ng LPG ng Petron.
07:15Katumbas ito ng hanggang 17 pesos na dagdag sa 11 kilogram LPG tank.
07:22Mga nasawi sa paglubog ng MV Tricia Kirstin III sa Laot sa Basilan, 42 na.
07:30Sa nagpapatuloy na search and retrieval operation, dalawang bangkay ang nakuha sa dagat ngayong araw.
07:35Tatlong bangkay naman ang nakuha kahapon, kabilang sa mga nasawi ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard, Holos Station.
07:44Sa imbistigasyon sa paglubog, kabilang sa mga sinisilip ang kakulangan umano ng life vest, overloading.
07:51At pumalit lang ang MV Tricia Kirstin III sa barko na dapat talagang maglalayad noon.
07:56Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:02Not today. Wala pa raw numero sa ngayon para magpalit ng liderato ang Senado.
08:09Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
08:13Pero inamin ni Cayetano na may nangyayari ng pag-uusap.
08:17Sabi naman ni Senate President Tito Soto, wala raw siyang nakikitang hindi nasisiyahan sa pamumuno niya.
08:23It's rumors until it's there, diba?
08:30There's always discussion.
08:34There are people happy of our direction.
08:37May people na hindi happy sa direction.
08:40Ako personally, I think everyone's campaigning instead of governing.
08:44Sabi ng change ng leadership, may chansa ba?
08:48Sa tingin nyo ngayon?
08:49I doubt it. But, you know, sana nyo ako dito eh.
08:52I serve with the pleasure of my colleagues.
08:57Gubugulog na ang proseso ng impeachment sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa.
09:03Ang dalawang reklamo kay Pangulong Bongbong Marcos, sufficient in form, sabi ng House Committee on Justice.
09:11Tinanggap naman ang House Secretary General ang dalawang bagong reklamo kay Vice President Sara Duterte.
09:17Narito ang report.
09:21Para matukoy kung sufficient in form, dapat nasunod dito ang mga itinakdang forma ng reklamo.
09:28Gaya ng wastong verification, pirma at iba pa.
09:31Unang pinagbutuhan ng House Justice Committee ang DeJesus impeachment complaint laban sa Pangulo
09:37na inendorso ni Pusong Pinoy Partylist, Representative Jerny Jet Nisay.
09:42With 46 votes in favor, one vote against and one abstain.
09:51The chair declares the DeJesus complaint as sufficient in form.
09:56May mga kumwestiyon naman sa ikalawang reklamo na inendorso ni Rep. Antonio Tino.
10:21Matapos ba kumpara ng mga kongresista ang mga kopya ng reklamo?
10:25With 35 in favor, nine against and one abstain.
10:35The chair declares the Massa et al. complaint sufficient in form.
10:42Pero may mga pumalag sa desisyon.
10:45It is very clear that there is insufficiency in form.
10:52I therefore would like to walk out of this hearing right now.
10:57Even before, sinabi na po ng Pangulo na alam niya na wala siyang ginawang mali,
11:02wala siyang ginawang paglabag sa batas at wala siyang ginawang impeachable offense.
11:06Kaya kumpiyansya siya sa sarili niya.
11:09Tatalakayin bukas ang sufficiency in substance ng dalawa reklamo.
11:13Dalawang magkasunod na impeachment complaint naman ang inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
11:21Ang una, inihain ng iba't ibang progressive groups na inendorso ng kongresista mula sa makabayan bloc.
11:28Betrayal of public trust ang tinukoy nilang grounds for impeachment
11:32dahil anila yan sa abusadong paghawak sa 612.5 milyon na confidential funds
11:38ng Office of the Vice President at DepEd mula 2022 hanggang 2023.
11:45Sunod na naghain ang grupo ni na Kiko Aquino D,
11:48ang apo ni na dating President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.
11:52Inindorso ito ni na mamamayang Liberal Partylist Representative Laila de Lima
11:57at Akbayan Partylist Representative Percy Sendanya.
12:02Limang grounds ang binanggit nila.
12:04Ang culpable violation of the Constitution,
12:06betrayal of public trust,
12:08commission of high crimes,
12:10graft and corruption at bribery.
12:12Tinanggap na ng Office of the Secretary General
12:15ang dalawang reklamo kaninang umaga.
12:18Sa desisyon ng Korte Suprema noong nakaraang taon,
12:21walang bago impeachment complaint na maaring simulan
12:24laban sa bise na mas maaga kesa sa February 6, 2026.
12:29Ito yung tinatawag na one-year bar rule.
12:32Nagmula raw ang pagbibilang ng ma-archive
12:35o ma-dismiss ang tatlong naon ng impeachment complaint
12:38noong February 5, 2025.
12:41Pero sa bagong desisyon ng SC,
12:43hindi na nabanggit ang pechang ito.
12:45Ang panungkala na isang maestrado,
12:48December 2, 2024,
12:49o nagsimula ang unang impeachment complaint
12:52laban sa bise.
12:53At kapag binilang ang 10 session days,
12:55papatak ito ng January 14, 2025.
12:59Ito na man dahilan kung bakit wala pang February 6,
13:02naghain na ng impeachment complaint
13:04ang ilang grupo.
13:05Paliwanag ng Korte,
13:06ang tinutukoy nilang session days
13:08ay calendar days na nakasesyon ng Kongreso.
13:11Iba ito sa depenisyon ng kamera sa session day
13:15na maaari raw gumulong ng ilang araw
13:17hanggat hindi nag-a-adjourn.
13:20Masarap daw umibig
13:26pero masakit ang malaw ko
13:28lalo na kung pera lang
13:29ang habol sa'yo.
13:31Kaya paalala ng mga otoridad
13:32lalo na sa mga
13:33naghahanap ng kamatch online,
13:36ingat sa mga red flag.
13:38Ang tip-talk para di ma-scam
13:40sa report ni Joseph Moro.
13:41Ano man ang edad,
13:45trentahin man o young at heart,
13:47ngayong buwan ang Febibig.
13:49Huwag basta-basta pairali ng puso
13:51lalo kung naghahanap
13:52ng special someone online.
13:55Papala ng CICC
13:56o Cybercrime Investigation and Detection Center
13:58at ng grupong Scamwatch,
14:00bawal ang marupok.
14:02Sa III Febibig campaign ng CICC
14:05tinukoy ang top 6
14:06na karaniwang mga pa-fall
14:08pero manlaloko pala.
14:09Mga red flag kumbaga
14:10na mauuwi sa budol o scam.
14:13Gaya ni Sad Boy o Sad Girl
14:15na may paawa effect
14:16at idadaan sa emosyon
14:17para paibigin ka
14:18pero pera lang talaga ang habol.
14:21Doble ingat din sa mga seducer,
14:23mga too good to be true
14:24ang profile pic
14:25pero poser pala.
14:26Nangaaakit at nanghihingi
14:28ng mga pribadong larawan at video
14:30na ipambablackmail sa'yo.
14:32Huwag din mauhulog
14:33sa mga astang investor
14:34na ang alok ay instant yaman.
14:36Next sa list ng red flag
14:38ang servicemen,
14:39mga umunay foreigner
14:39na nagpapanggap
14:41ng mga uniformed personnel
14:42gaya ng mga sundalo.
14:44May mga tinatawag din
14:45na escort
14:45na may pa-down payment
14:47bago makapagkita.
14:48At ang malupit
14:49ang slow burn.
14:50Akala mo the one na
14:51dahil sa tagal
14:52niyong sweet-sweetan
14:53pero ang kausap
14:54scammer pala.
14:56Yung catch dito
14:57ang daming dahilan
14:58hindi sila nakikita.
14:59And then
15:00after a month or two
15:01nagpa-plano pa lang
15:02kayong magkita
15:03uutangan ka na.
15:05And then mawawala na
15:06pag nagbigay kayo ng pera.
15:07Karaniwan target
15:08daw ng mga scammer
15:09yung mga naghahanap
15:10ng AFAM o foreigner,
15:12mga asukal de tito
15:13o yung may magandang
15:14career na single,
15:15yung mga sabik mag-asawa,
15:17mga laging busted,
15:18at mga solo parent.
15:19At ngayon,
15:20pwede na rin daw
15:21idaan sa artificial intelligence
15:22ang litrato
15:23at kahit buong peking
15:24katauhan ng scammer.
15:25Video call nyo?
15:27Video call nyo nang matagal?
15:28Paulit-ulit?
15:29Sa datos ng CICC
15:31noong karang taon
15:32lampas isanda mga Pilipino,
15:34ang akala nila
15:34ay nakahanap na ng true love
15:36pero na-scam pala.
15:38Ngayong Enero nga lamang
15:39may labin lima na agad
15:40na nag-report
15:41na na-fall
15:42sa isa palang scam.
15:43January
15:44because it's the
15:47season leading up
15:48to Valentine's.
15:50June because of the
15:51June bride,
15:51yung traditional pa rin
15:53ng mga Filipinos
15:54kasi burn na yung
15:55malalamig na
15:56yung panahon.
15:58Maaaring tumawag
15:59sa hotline 1326
16:01o sa mga numerong ito
16:02kung tingin nyo
16:03ay naloko kayo.
16:05If you're local,
16:06mahabol na natin sila.
16:08Joseph Morong
16:08nagbabalita
16:09para sa GMA Integrated News.
16:18Rain or shine,
16:19bundok man o ilog,
16:21ma-enjoy
16:22ng mga thrill-seeker
16:23ang 2-in-1
16:25nature adventure
16:26sa Tanay Rizal.
16:27G tayo
16:28sa Daraitan
16:29sa report
16:30ni Marisa Mal.
16:34Ang barangay na ito
16:35sa Tanay Rizal,
16:36tahimik,
16:37payapa
16:38at may tinatagong ganda.
16:39Dalawang oras
16:40mula sa Metro Manila,
16:42mararating
16:42ang Mount Daraitan.
16:44May taas
16:44na 739 meters
16:46above sea level
16:47at may trail
16:48na binubuo
16:48ng pataas
16:49na assault
16:50at technical
16:50limestone spambling.
16:52Tatlo hanggang
16:53apat na oras
16:54ang bubunuin
16:54bago maabot
16:55ang summit.
16:56Hindi biro
16:57ang pag-akyat
16:58kaya kailangan
16:59ng guide.
16:59P750 pesos
17:01ang bayad
17:01para sa grupo
17:02ng limang hiker.
17:03Sa gitna ng trail,
17:04mainam na pampawi
17:05ng uhaw
17:06sa pag-akyat
17:06ang mga binibentang
17:07buko juice.
17:09Sulit naman
17:09ang view
17:10pagdating sa peak,
17:11ang bulubundukin
17:12ng Sierra Madre.
17:13Isang oras naman
17:14mula sa summit,
17:15mararating ang tinatawag
17:16na heart-shaped peak.
17:17Tanaw rito
17:18ang ilog
17:18ng Daraitan
17:19at ng Pinipak.
17:20Bagay
17:21sa couple shots
17:22pero kahit single,
17:23buo pa rin
17:24na experience.
17:25Madalas tawag
17:26yung beginner friendly
17:27ang bundok
17:27ng Daraitan
17:28pero huwag
17:29magpapalin lang.
17:30Kailangan pa rin
17:30maghanda
17:31bago umakya
17:32at kumain
17:33ng sapat
17:33para hindi
17:34manghina
17:34sa trail.
17:35Pagwaba ng bundok,
17:36sumakay lang
17:37ng tricycle
17:37at matapos
17:38ang dalawa
17:38hanggang tatlong minuto
17:39nasa Tinipak River,
17:41Cana.
17:41Perfect pampawi
17:42ng pagod
17:43mula sa hike.
17:44Recommended puntahan
17:45kapag maganda
17:46ang panahon
17:47at hindi umuulan.
17:48Team bundok kaman
17:49o team ilog,
17:50walang dapat problemahin.
17:51Dahil sa barangay
17:52Daraitan,
17:53all-in-one
17:54ang experience.
17:55Mariz Umali
17:56nagbabalita
17:57para sa Chima
17:57Integrated News.
18:00Yan po ang
18:01State of the Nation
18:03para sa mas malaking
18:04misyon,
18:05para sa mas malawak
18:06na paglilingkod
18:07sa bayan.
18:08Sa ngala ni Atom Araulio,
18:09ako si Sandra Aguinaldo
18:10mula sa GMA Integrated News,
18:13ang News Authority
18:14ng Pilipino.
18:16Huwag magpahuli
18:17sa mga balitang
18:18dapat niyong malaman.
18:19Mag-subscribe na
18:20sa GMA Integrated News
18:22sa YouTube.
Comments

Recommended