00:00Inissuehan ng show cause order na impeachment court
00:02ang tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paulo Panelo.
00:07Dahil po yan sa kanyang mga pahayag na tila nag-ala prosecutor daw ang ilang senator judge
00:13sa pagtatanong nila sa testigo kahapon na dating tauhan ng Anti-Money Laundering Council.
00:19Nabanggit din ni Panelo na sa tingin niya ay nagpapakita ng bias ang ilang senator judges.
00:25Di yan ikinatuwa ni Senator Irwin Tulfo kaya nagmosyon siyang ipatawag si Panelo.
00:29Bagamat di sakop ng subjudicia rule, sinabi ng presiding officer na saklaw pa rin si Panelo ng Rule 17 o
00:36yung Rule of Contempt.
00:41Bukas naman si Panelo sa pagkakataong ipaliwanag na patas at ginawa in good faith ang kanyang mga pahayag.