Skip to playerSkip to main content
  • 10 hours ago
PBBM, pinaalalahanan ang mga kawani ng gobyerno na maging disiplinado, mahusay at mapagmahal sa bayan; mga natatanging indibidwal at grupo, pinarangalan sa 2025 Gawad Lingkod Bayani | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, hindi kailangan maging tanyag para magsilbi sa bayan.
00:07Ito ang binigandiin ni Pang. Ferdinand R. Marquez Jr. sa mga kawain ng gobyerno
00:11na Anya ay liwanag sa gitna ng dilim at ingay sa bansa.
00:16Patunayan niya dyan ang mga pinarangalan sa 2025 Gawat Lingkod Bayan o Bayani,
00:22si Kenneth Paciente sa sentro ng balita.
00:24Manatiling disiplinado, mahusay at mapagmahal sa bayan.
00:32Yan ang naging paghimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kawaninang gobyerno sa isinagawang 2025 Gawad Lingkod Bayani.
00:39Dito, ginawaran ng pagkilala ang mga individual at grupo dahil sa kanilang natatangin performance,
00:45walang sawang dedikasyon at makabagong ambag sa servisyo publiko na nagpapaunlad sa pagpapalakas ng komunidad,
00:51mga reporma sa pamamahala, mga siyentipikong tagumpay at pambansang kaunlaran.
00:57Sa mensahe ng Pangulo na binasa ng Executive Secretary Ralph Recto,
01:00ipinunto nito na ang pagkilalang ito ay para bigyang pugay ang mga kawaninang gobyerno na tahimik,
01:06ngunit mahusay na ginagampanan ang kanilang tungkulin.
01:09Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang puso ng pamahalaan,
01:15ang mga kawaninang tahimik na naglilingkod para sa sambayan ng Pilipino
01:20at sa bansa.
01:22Ang mga awardi rin anya ang nagpapatunay na bagaman may iilan ang nananamantala
01:27sa paggamit ng kapangyarihan,
01:29marami pa rin anya sa mga nagtatrabaho sa gobyerno
01:31ang nagsisilbi ng tapat at may integridad.
01:35Para sa lahat ng tumanggap ng parangal ngayon,
01:39kayo ang patunay na ang diwa ng tapat na paglilingkod
01:46ay buhay sa ating pamahalaan.
01:49Sa gitna ng dilim at ingay,
01:53kayo ang hibla ng liwanan na nagbibigay pag-asa sa ating sambayanan.
02:01Kayo ang patunay na maraming mabubuting empleyado sa ating pamahalaan.
02:09Kayo ang patunay na hindi kailangan maging tanyag upang tubulong sa bayan.
02:17At kayo ang patunay na anumang antas ng tungkulin may kakayahang ang bawat isa na maglingkod ng may dangal.
02:30Sa seremonya,
02:31na pinarangalan ang 24 na individual at 6 na grupo sa tatlong kategorya,
02:36ang Gawad Lingkod Bayan ng Pangulo, Gawad Dangal ng Bayan at Gawad Pag-asa.
02:41Nakatanggap ang mga ito ng medalya, tropeyo at cash prize na nagkakahalaga ng mula 100,000 pesos hanggang 200,000 pesos bawat isa.
02:50Tiniyak naman ang Civil Service Commission na patuloy ang kanilang reporma para mas mapalakas pa ang kakayahan ng mga civil servant sa makabagong panahon.
02:58Iginiit din ito na nananatiling matatag ang kanilang paniniwala sa kakayahan at katatagan ng mahigit 2 milyong kawaninang pamahalaan
03:06na nagsisilbi sa iba't ibang ahensya at tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.
03:10Dapat po nating laging isaisip na kahit maraming mga kawatan, tamad at walang hiya sa pamahalaan,
03:20na nagnanakaw hindi lang ng kayamanan ng bayan, kundi pati na rin ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan,
03:29higit at higit pang nakararami sa ating mga kawani sa servisyo sibil ang may hiya at marangal,
03:38matino at tahimik na nagtatrabaho upang pagsilbihin, pagsilbihan ng walang pag-iimbot ang ating mga mamamayan.
Comments

Recommended