00:00Nakatutok ang Department of Migrant Workers o DMW sa mga Pilipinong nasa ospital sa Riyadh.
00:07Tiniyak ng Department of Migrant Workers o DMW na patuloy na binibigyan na kinakailangan tulong at suporta
00:14ang apat na Pilipinong kasalukuyang nagpapagaling sa iba't ibang ospital sa Riyadh, Saudi Arabia
00:20matapos masugatan sa pag-atake sa King Khaled International Airport noong Sabado, Oktubre 10.
00:28Batay sa ulat ni Labor Attache Dominador Salanga na Migrant Workers' Office, Riyadh,
00:34tatlo ang kasalukuyang nasa ICU, samantalang ang isa pa ay set for discharge from the hospital.
00:41Patuloy pa rin minemonitor ng mga team ng MWO at Overseas Workers' Welfare Administration, OWA,
00:48sa Riyadh ang kanilang kalagayan at ng iba pang nasugatan upang magbigay ng karagdagan tulong at suporta.
00:54Alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.
00:59Wala namang naiulat na Pilipinong nasawi kaugnay ng insidente.
01:03Tuloy-tuloy pa rin ang pakipag-ugnayan ng MWO sa Riyadh sa panguna ni Labor Attache Salanga
01:09sa mga lokal at otoridad at mga ospital sa Riyadh
01:12upang alamin kung may iba pang Pilipinong naapektuhan ng pag-atake
01:16at matiyak na maibibigay sa kanila ang kinakailangang tulong.
01:21Pag-atake
01:21Pag-atake