Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
KASABAY NG PAGDIRIWANG SA ILOILO, PINUGAYAN DIN ANG STO. NIÑO SA MALOLOS.

Sa Malolos, Bulacan, ipinakita rin ng mga Kapuso ang kanilang pananampalataya at debosyon sa Mahal na Poong Sto. Niño. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, sa Malolos, Bulacan,
00:02binibigyang pugay at ipinagdiriwang din
00:05ang mahal na poong Santo Niño.
00:07Isa sa inaabangan dyan,
00:09ang prosesyon ng daan-daang imahe nito.
00:11Ang debosyon po ng ating mga kapuso,
00:13panoorin po natin.
00:30Yan ang sigaw ng mga deboto
00:33sa ikalimamput isang selebrasyon
00:35ng Pista ng Mahal na poong Santo Niño de Malolos.
00:38Puno ng pasasalamat at pananampalataya
00:40ang lahat sa Santo Niño
00:42tinuturing ding Prinsipe ng Bulacan.
00:46Tuwing huling linggo ng Enero,
00:48ipinagdiriwang ang Santo Niñohan sa Malolos.
00:50It's already being a grand fiesta
00:53na nakikilala na po sa buong Pilipinas.
00:56At maganda po, dito sa Luzon,
00:58meron tayong Santo Niño de Malolos Fiesta
01:01kamukha ng ibang mga probinsya
01:03sa beside Mindanao.
01:04Isa sa inaabangan ng mga deboto
01:06ang Grand Procession
01:07kung saan ipinuprosisyon
01:09ang daan-daang imahe ng Santo Niño.
01:11Ang mga karosang nakikita nyo sa likuran,
01:13ito po ay galing sa mga debotong
01:15primarily dito sa bayan ng Malolos,
01:18sa mga karugtong na bayan
01:20ng Malolos sa Bulacan
01:22at meron pong mga taga-ibaring probinsya
01:24gaya ng Cebu, Cavite at La Union.
01:27Ngayon, 2026,
01:30umabot sa halos 400 Santo Niño
01:32ang inikot sa bayan ng Malolos
01:34na nagsimula sa dambanan
01:35ng Santo Niño de Malolos
01:37ang Malolos Cathedral
01:38o Immaculate Conception Parish Cathedral
01:41and Minor Basilica.
01:42Hinabaan ho namin ng konti
01:44kasi napakarami po talagang mga deboto
01:46na sumasali.
01:47Buhay na buhay ang debosyon sa Malolos
01:50habang ipinaparada
01:51ang makukulay na karo ng mga Santo Niño.
01:53Pagandahan ang bihis sa mga Santo Niño
01:56at dekorasyon sa mga karo.
01:58May punong-puno ng makukulay na bulaklak.
02:02May tila sakay na karuahe
02:03at may Santo Niño pinalilibutan ng mga prutas.
02:07Lahat sumasalamin sa pananampalataya
02:09at paggalang ng mga deboto sa Santo Niño.
02:12Napuno rin ang mga kalsada
02:14ng mga deboto
02:14matyagan na gaabang
02:16sa pagdaan ng prosesyon.
02:17Bit-bit ang kanikanilang panalangin
02:19at hiling sa mahal na puong Santo Niño.
02:21Malaki ang pagmamalang alolot sa Santo Niño.
02:26Magaan kasi yung pananampalataya mo.
02:28Bata pa lang po kasi ako
02:30nanonood na po kami ng Santo Niño po
02:32at nakakatuwa po kasi po
02:34yung mga bata po
02:35binibigyan po ng mga KMD po gano'n.
02:37Iba't iba man ang paraan
02:39ng papapakita ng deposyon
02:40at pananampalataya,
02:42iisa naman ang paniniwala
02:44sa awa at gabay
02:45ng dakilang lumikha.
02:46Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
02:51sa GMA Public Affairs YouTube channel?
02:53Bakit?
02:54Pagsubscribe ka na,
02:56dali na,
02:56para laging una ka
02:58sa mga latest kwento at balita.
03:00I-follow mo na rin
03:00ang official social media pages
03:02ng Unang Hirit.
03:03Salamat ka puso!
03:04Salamat ka puso!
Comments

Recommended