Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
D.A., inaprubahan ang pag-export ng 100,000MT na asukal; Import freeze sa asukal, palalawigin hanggang Dec. 2026 | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Approvado na ng Department of Agriculture ang plano ng Sugar Regulatory Commission na mag-export ng isang daang libong metrekong tonelada ng raw sugar.
00:09Lain itong mabalansi ang presyo at supply ng lokal nating raw sugar. May report si Gavallegas.
00:17Umaaray ang tinderong si Manuel dahil nananatiling matumal ang bentahan ng asukal.
00:22Ayon sa kanya, noon pang Disyembre niya kinuha ang mga asukal na naka-display sa kanyang pwesto, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ito nauubos.
00:32Sabi pa niya, hindi naging mabili ang asukal sa kanyang pwesto nitong nagdaang holiday season.
00:37Matumal noong 24, saka 31. Ligat tulad ng mga dati, medyo mabili.
00:44Sa daily monitoring sa Kamuning Market, mabibili sa halagang 88 pesos kada kilo ang refined sugar.
00:51Habang 80 pesos kada kilo naman ang presyo ng brown sugar.
00:55Dahil marami ang supply ng asukal sa bansa, inaprubahan ng Department of Agriculture ang plano ng Sugar Regulatory Administration
01:03na mag-export ng 100,000 metrekong tonelada ng raw sugar sa Estados Unidos.
01:08Ayon kay Agriculture Secretary Francisco T. Laurel Jr., ito ay para mabawasan ang supply ng raw sugar sa loob ng bansa,
01:16na dulot ng humigit kumulang 130,000 toneladang pagtaas sa produksyon ng mga lokal na magsasakan noong nakaraang anihan
01:23at makatulong na maiangat ang humihinang farm gate prices.
01:27Dagdag pa ng kalihim, ang paglalaan ng bahagi ng ani para sa export sa ilalim ng U.S. tariff rate quota
01:34ay makatutulong na mabawasan ang sobrang supply ng raw sugar
01:38at maibsan ang pababang presyo na patuloy na nagpapahirap sa mga producer.
01:43Kasabay ng nasabing export plan ay palalawigin ng DA at SRA
01:47ang import free sa asukal hanggang Desyembre ngayon taon
01:50para protektahan ang mga producer habang gumaganda ang produksyon ng raw sugar
01:55at nananatiling mataas ang imbentaryo.
01:57Gayon pa man, nananatiling mahina ang presyuhan ng lokal na asukal.
02:01Sinabi naman ni Sugar Regulatory Administrator Pablo Luis Ascona
02:05na ang pag-aproba sa export plan ay sumasalamin
02:08sa malaking pagtaas ng produksyon ngayong crop year
02:11at isang napapanong hakbang para mabalanse ang supply at demand.
02:16Sinabi rin ni Ascona na halos dumoble na
02:18ang importasyon pagdating sa artificial sweeteners
02:21at iba pang substitutes sa asukal
02:23nakatumbas ng humigit-kumulang kalahating milyong tonelada na raw sugar.
02:28Nagbabala naman ang opisyal na pinayihina
02:30na mga substitutes ang demand para sa lokal na asukal.
02:34Dahilan para lalo pang bumaba ang presyo nito.
02:37Mahigpit rin na babantayan ng DA
02:39ang pag-import ng mga artificial sweeteners at sugar substitutes
02:43at posibleng pag-aralan ang regulasyon sa pagpasok ng mga ito.
02:48Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended