Skip to playerSkip to main content
  • 10 months ago
Nasa 20 na ahensya ng pamahalaan, naaprubahan ang 2026 budget | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naging mabilis ang pagtalakay ng Bicameral Conference Committee kagabi sa pondo ng mga ahensya ng gobyerno.
00:06Katunayan, nasa 20 ahensya na ng gobyerno ang naaprubahan sa isirigawang deliberasyon.
00:12Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:16Naun siya mima ng isang araw, bumawi ang Bicam sa pag-apruba ng panukalang pondo ng mga ahensya ng gobyerno kagabi.
00:24Katunayan, bagamat mabusisi, naging mabilis ang pag-apruba ng pondo sa ilang departamento tulad sa Republic of Interior and Local Government na agad naaprubahan kagabi.
00:36Kasama dito ang 23 billion na pondo para sa pagtaas ng subsistence allowance ng mga military at uniformed personnel.
00:44The Bicameral Conference Committee would like to highlight that in the budget for the year 2026, we are able to fund the increase in subsistence allowance from 150 to 350 pesos per day.
00:58The Senate also approved the increase in subsistence allowance.
01:03In fact, marami po tayo mga Senators, including Senator Lawrence, Senator Irwin, Senator IME, who push for the increase in subsistence allowance of our military uniformed personnel.
01:13Na-aprubahan na rin ang pondo ng Department of National Defense.
01:17Kaya lang, may naging issue. Bakit puro para sa construction ng pondo at wala sa pagpapalakas ng Army, Navy o pangdepensa ng bansa mula sa external threat, lalo't may issue sa West Philippine Sea.
01:30Right now, we have problems at the West Philippine Sea. Maski mga patrol craft lang sana, kulang na kulang po tayo, particularly with the Air Force and of course the Navy siguro.
01:42May mabasa rito sana na purchase or logistics or equipment.
01:47Mga barko sa West Philippine Sea.
01:49O puro construction, construction, construction.
01:51That's true. You're actually correct.
01:53That's what they're asking here, itong mga netizens po natin.
01:56Pero na-resolve ba ito at sinabing kasama na ito sa capital outlay ng DND at sa AFP Modernization Program.
02:03Nakalusot na rin ang budget ng National Irrigation Administration, pero may hinihingi pang listahan ng Senado para sa coordinates at plano sa mga pinondohang irrigation projects.
02:15Mabilis naman ang pag-aproba sa mga pondo ng Senado, Camera, Office of the President at Office of the Vice President.
02:22Kahit ang Dep-Dev, Department of Energy, DENR, DOF, DFA, lusot na rin sa bayka.
02:30Nakalusot din naman ang Department of Human Settlements and Urban Planning o DHSUD.
02:35Pero bumaba ang pondo para sa 4PH o pambansang pabahay para sa Pilipino na flagship program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:46Paliwanag ng Senado rito.
02:48Two years kasi nila hindi nagagamit yung pondo. Kung susundan niyo yung hearing namin about dito sa 4PH, sila mismo humingi na tanggalin nung muna yung pondo nila for 2026 kasi hindi nila nagagamit.
03:03Mabilis ding naaprobahan ang budget ng DICT, DOJ, Department of Migrant Workers at TOST, bukod sa Philippine Science, natatalakayin pa ngayong araw.
03:13Ang budget ng Department of Labor and Employment may hirit lang si Sen. Erwin Tulfo hinggil sa TUPAD program.
03:21Anya, may mga binabawasan ang kita na beneficiaryo, pambili ng uniform, walis at iba pa.
03:28This has been the complaint of the beneficiaries. Bakit daw pagkakailangan pag-uniformihin pa sila, pagbilihin ng dustpan at walis, binabawas daw doon sa binibigay sa kanila some areas.
03:42Hindi na kailangan ng uniforme para buo ang kanilang bayad. I don't know kinakaltasan sila sa sweldo. I don't know. Kala ko that's over and over.
03:53No, in some areas.
03:54It's unnecessary.
03:55Pag-aaralan umano ito, pero dapat buo nang nakukuha ng binibisyaryo ang kita nila mula sa programa.
04:02Pumasa na rin naman ang pondo para sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
04:07Kasama ang dagdag na pondo ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation na mula sa 32 billion sa versyon ng kamera ay ginawa ng 63.8 billion sa buy cap.
04:20Paliwanag din dito, tinanggal na rin kasi sa unprogrammed funds ang sagip na pagkukuha na ng dagdag na pondo para sa AICS.
04:28Sa kabuuan, tinatayang na sa 20 ahensya ang naaprobaang pondo ng buy cap kahapon. May labing isa pang ahensya pero posibleng matapos na ngayong araw.
04:39We still have 11 to go, pero we're very, very positive that we'll be able to finish the buy cap tomorrow.
04:46Kasama naman sa tatalakayin ngayong araw ang budget para sa DPWH.
04:51Luisa Erispe, para sa Pambaysang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended