Skip to playerSkip to main content
  • 9 months ago
DSWD, inisa-isa ang mga programang pinondohan sa 2026 National Budget | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inay-sa-sa ng Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensya ng pamahalaan
00:04ang mga programang pinaglaanan nila ng pondo sa ilalim ng 2026 National Budget.
00:11Bukod sa pagtulong sa mga nangangailangan at pagresponde sa panahon ng sakuna at kalamidad,
00:17may mga bagong programang ipatutupad ang DSWD para mapagaan pa ang pamumuhay ng mga Pilipino.
00:25Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:26Ipiniliwanag ng ilang ahensya ang mga programa na kanilang prioridad sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.
00:36Sa press briefing sa Malacanang, ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development
00:41kung saan tina 264.45 billion pesos ang kanilang budget ngayon taon.
00:47Nakatoon ang kanilang mga programa sa Social Welfare, Development at Disaster Response.
00:51Aabot sa 63.9 billion pesos ang ilalaan para sa Assistance to Individual in Crisis Situations o AIX.
00:59Maglalabas rin ang DSWD, Department of Labor and Employment at Department of Planning, Economy and Development
01:05ng Joint Memorandum Circular na magbabawal sa mga politiko na magpunta sa mga payouts ng DSWD
01:12at tanging mga social workers lamang ang maaaring mamahagi sa mga payouts.
01:16We made sure na makasuhan yung dapat makasuhan. So we will not hesitate to keep on filing cases
01:22kasi yan talagang we take a hard stance na ang para doon sa beneficiary, para sa beneficiary yun.
01:30Walang may karapatan na kumaltas kahit na isang kusing.
01:33Palalawakin rin ang supplemental feeding program ng DSWD sa mga daycare centers
01:38kusaan naglaan ng 9.56 billion pesos para rito.
01:42Mula sa 120 days ay magiging 180 days na ang magiging feeding program para sa mga bata.
01:48Aabot naman sa 51.8 billion pesos ang Social Pension Fund gentaon
01:52kusaan na aabot sa karagdagang kalahating milyong seniors ang pwedeng ma-accommodate dahil sa pagtaas ng budget.
01:59Mayroon rin ilulunsad ang DSWD ng mga bagong programa tulad ng Project Aruga
02:04na tutulong sa mga magulang na mayroong mga anak na persons with disability.
02:08Project SAFE para mailayo ang mga kabataan at mga kababaihan
02:12mula sa panganib at pangaabuso na dulot ng internet
02:15at magkakaroon rin ng programa para sa mga teenage mothers
02:19na matulungan na muling ma-integrate sa komunidad.
02:22Naglaan naman ng 216 million pesos ang kagawaran para sa kanilang Standards Bureau
02:26kusaan malaking bahagi ng pondo ang ilalaan para tulungan ang mga non-government organizations
02:32na nagpapatakbo ng care facilities.
02:34Sa ilalim nito, babayaran ng DSWD ang mga lisensyado,
02:38registered at accredited na mga private care facilities
02:41para sa cost of care ng kanilang mga inaalagaan
02:44sa halip na magpatayo ng dagdag na pasilidad na kakain ng matagal na panahon.
02:49Umakyat rin ang Quick Response Fund ng DSWD
02:52na makatutulong sa tuloy-tuloy na pagtugon sa panahon ng kalamidad.
02:56Ngayon taon, aabot na sa 3 bilyong piso ang QRF ng DSWD
03:01mula sa dating 1.75 billion pesos.
03:04Sisimulan rin ng DSWD ang pagtatayo ng Mindanao Disaster Resource Center sa Butuan City
03:09na makatutulong na mapadali pa ang relief distribution.
03:13Sisimulan rin ang pagtatayo ng limang bahay pag-asa sa bansa
03:16para sa mga juvenile delinquent upang matugunan ang restorative justice.
03:20Muli naman binuhay ng Department of Human Settlements and Urban Development
03:25ang kanilang Community Mortgage Program
03:27kung saan target nila ang nasa 6,000 beneficaryo
03:30para sa 36 na mga housing projects.
03:34Pinababa rin ang pag-ibig fund ang interest para sa socialized at economic housing
03:38na mula sa dating 6.25% interest ay 3% interest na lamang.
03:44Ipinahagiin naman ang Department of Migrant Workers
03:47na nasa level 2 na ang OFW Hospital sa Pampanga
03:50kusaan ngayon taon ay mayroong budget na aabot sa 639 million pesos
03:56at may 145 million pesos para sa capital outlay.
04:00Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagang Pilipinas.

Recommended