00:00Tiniyak ng pamahalaan na handa sila sa pagbatupad ng 60-day rice import ban simula sa Lunes,
00:06kung saan nakaantabay rin sila sa posibleng pagtatangka ng ilan na manipulahin ang presyo ng bigas
00:12at pagpapaluwag sa mga warehouse.
00:14Si Claisel Pardilla sa report.
00:18Suspendido na ang pag-angkat ng bigas simula Setiembre.
00:22Ibig sabihin, wala munang papasok na mas murang imported rice sa bansa
00:27na mas tinatangkilik at nagpapabagsak sa presyo ng palay tuwing panahon ng anihan.
00:33Para matiyak ang katataganang supply ng bigas,
00:36ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:40ang paglalabas ng National Food Authority ng 1,200,000 sako ng bigas.
00:47Gagawin niyan sa pamamagitan ng auksyon o pagsusubasta.
00:50Ang aabot sa 25 to 28 pesos per kilo, ang floor price ng bigas depende sa edad nito.
00:57Layunin din ng auksyon na paluwagin ang mga bodega para makapag-imbak pa ng karagdagang supply ng bigas.
01:05Sa datos ng National Food Authority, lumulobo na sa higit 6 na milyong sako ng bigas
01:11ang inventaryo ng ahensya.
01:13Dito sa Valenzuela Warehouse, may 130,000 na sako ng bigas.
01:20Isa hanggang walong buwan nang nakaimbak sa bodega.
01:24Kaya maglalabas din ng isandaang libong metriko toneladang bigas ang NFA
01:29na ibibenta sa benteng bigas meron na program.
01:33Pag titiyak naman ang NFA sa harap ng agam-agam ng ilang grupo ng mga magsasaka
01:51na posible itong makapagpababa sa presyo ng bigas.
01:55Higitahan ng ahensya ang pag-monitor sa presyo ng bigas
02:11upang matuntun kung sino ang mga mapang-abusong balak magmanipula ng presyo nito.
02:18Kiley Zalpordilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.