00:00Inaproobahan ng Department of Agriculture ang plano ng Sugar Regulatory Commission
00:04na mag-export ng isang daang libong metriko tonelada ng raw sugar.
00:10Layon itong mabalanse ang presyo at supply ng lokal nating raw sugar.
00:15Si Gavi Llega sa Setro ng Balita.
00:20Umaaray ang tinderong si Manuel dahil nananatiling matumal ang bentahan ng asukal.
00:25Ayon sa kanya, noon pang Disyembre niya kinuha ang mga asukal na naka-display sa kanyang pwesto,
00:31ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ito nauubos.
00:35Sabi pa niya, hindi naging mabili ang asukal sa kanyang pwesto nitong nagdaang holiday season.
00:40Matumal noong 24, saka 31.
00:45Ligatulad ng mga dati, medyo mabili.
00:47Sa daily monitoring sa Kamuning Market, mabibili sa halagang 88 pesos kada kilo ang refined sugar,
00:53habang 80 pesos kada kilo naman ang presyo ng brown sugar.
00:58Dahil marami ang supply ng asukal sa bansa,
01:01inaprubahan ng Department of Agriculture ang plano ng Sugar Regulatory Administration
01:05na mag-export ng 100,000 metriko tonelada ng raw sugar sa Estados Unidos.
01:11Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tula Rel Jr.,
01:15ito ay para mabawasan ang supply ng raw sugar sa loob ng bansa,
01:18na dulot ng humigit kumulang 130,000 toneladang pagtaas sa produksyon ng mga lokal na magsasakan noong nakaraang anihan
01:26at makatulong na maiangat ang humihinang farmgate prices.
01:30Dagdag pa ng kalihim,
01:32ang paglalaan ng bahagi ng ani para sa export sa ilalim ng US tariff rate quota
01:37ay makatutulong na mabawasan ang sobrang supply ng raw sugar
01:40at maibsan ang pababang presyo na patuloy na nagpapahirap sa mga producer.
01:45Kasabay ng nasabing export plan ay palalawigin ng DA at SRA
01:49ang import free sa asukal hanggang Desyembre ngayon taon
01:53para protektahan ang mga producer habang gumaganda ang produksyon ng raw sugar
01:57at nananatiling mataas ang imbentaryo.
02:00Gayon pa man, nananatiling mahina ang presyuhan ng lokal na asukal.
02:04Sinabi naman ni Sugar Regulatory Administrator Pablo Luis Ascona
02:08na ang pag-aproba sa export plan ay sumasalamin
02:11sa malaking pagtaas ng produksyon ngayong crop year
02:14at isang napapanong hakbang para mabalanse ang supply at demand.
02:18Sinabi rin ni Ascona na halos dumoble na
02:21ang importasyon pagdating sa artificial sweeteners
02:24at iba pang substitute sa asukal
02:26nakatumbas ng humigit-kumulang kalahating milyong tonelada na raw sugar.
02:31Nagbabala naman ang opisyal na pinayihina
02:33ng mga substitute ang demand para sa lokal na asukal
02:36dahilan para lalo pang bumaba ang presyo nito.
02:40Mahigpit rin na babantayan ng DA ang pag-import
02:43ng mga artificial sweeteners at sugar substitutes
02:46at posibleng rin pag-aralan ang regulasyon sa pagpasok ng mga ito.
02:50Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments