00:00Pag-aangkat ang imported na asukal papayagan hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
00:05Pero ang mga imported na bagyas titiyakin sa mga SRA-registered warehouses lamang ibabagsak.
00:12May report si Vel Custodio. Vel?
00:16Audrey, nakatakda na magpasok ng sugar importation sa Pilipinas simula sa July 15
00:21sa ilan na sugar order number 8.
00:24424,000 metric tons ang papayagang ipasok sa Pilipinas hanggang Nobyembre 30.
00:32Para masigurada natin yung stability ng presyo ng asukal,
00:37September-October yung susunod na mailing season.
00:40Para wala magkakaroon ng problema sa presyo.
00:45Ayon sa Sugar Regulatory Administration,
00:48dapat sa SRA-registered warehouse lang ibabagsakaw mga imported na asukal.
00:53Pero bago ito, dapat munang sumailalim ang mga warehouse na inspeksyon
00:57para maiwasan na paghaluin ang lokal at imported na asukal.
01:01Dapat din nasa good standing ang estado ng licensed international sugar traders.
01:07Ang imported refined sugar reserve at for future disposition lang,
01:11batay sa nasabing sugar order.
01:13Sa kabila ng importation,
01:15nakapagtala naman ang SRA ng mas mataas na crop production ng asukal
01:19para sa crop year 2024-2025 na mahigit 2 milyong metrikong tonelada.
01:25Mas mataas ito ng halos 5% mula sa 1.92 million metric tons noong 2023-2024.
01:34Samantala, umaasa naman ang SRA na hindi mo na maapektuhan
01:38ang 20% reciprocal tariff ng US
01:41ang mga asukal na in-export na Pilipinas patungong US.
01:45Inaasahan sa July 22 naman ito darating sa US
01:49kaya hindi dapat maapektuhan pa ang pagtaas ng tariffa.
01:53August 15 pa ang naunang schedule ng pagdating nito sa US
01:56pero napagpasyahan ang SRA na paagahin ito
01:59upang hindi umabot sa pagtaas ng tariffa sa naturang bansa simula Agosto.
02:0433,000 metric tons ang karga ng dalawang shipping vessels patungong US
02:09para mapunan ang sugar quota ng Estados Unidos.
02:12Balik sa iyo, Audrey.
02:13Salamat, Vel Custodio.