00:00Ayon sa DSWD Western Visayas, naka-preposition na sa buong regiyon ang mahigit sa 106,755 na family food packs bilang paghahanda sa pagdaan ng bagyong tino sa bansa.
00:16Dagdag pa dito ang 6,800 family food packs dumating na mula sa 10,000 na nirequest mula sa Visayas Disaster Resource Center sa Cebu.
00:26May 3,118 ready-to-eat items at 16,115 non-food items naman ang nakahanda na rin i-deploy.
00:36Ayon sa ulat ng DSWD, noong November 2 pa ay may 558,098 family food packs sa buong bansa at 89,566 ang para sa Western Visayas,
00:51samantalang 70,799 para sa Negros Island Region.
00:57Naka-alerto na rin ang Development at ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Western Visayas kasunod ng pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng Bagyong Tino.
01:10Pinaunahan ni Office of Civil Defense Regional Director at RDRRMC Chairperson Raul Fernandez
01:17ang pagpupulong na dinaluhan ng mga miyembro ng RDRRMC at mga lokal na opisyal ng DRRM sa regyon.
01:25Ayon naman sa Mines and Geosciences Bureau, mahigit 3,000 na mga barangay sa 101 na mga bayan at lungsod sa Western Visayas
01:36ang maituturing na susceptible o lantad sa banta ng pagguho ng lupa at pagbaha.
01:43Hinimok ni Fernandez ang mga lokal na DRRM Council na patuloy na ipaalam sa publiko ang kalagayan ng panahon,
01:50magsagawa ng preemptive evacuation kung kinakailangan,
01:53at iyaki ng maayos na koordinasyon sa mga ahensya para sa kandaan at pagtugon sa posibleng impact ng bagyo.
02:01Mula rito sa Iloilo para sa Integrated State Media,
02:05Elijah Dadipe ng Philippine Information Agency.