Skip to playerSkip to main content
  • 18 hours ago
DOH, nagpaalala sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho ngayong holiday season; Higit 11-K pasyente, isinugod sa iba’t ibang ospital ngayong Disyembre dahil sa road crash incidents | ulat ni Bien Manalo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umabot na sa magigit labing isang libong pasyente ang naitalang biktima ng road crash accidents.
00:05Simula pa lang yan, Desyembre noong nakaraang taon hanggang Enero ngayong taon.
00:11Nasa magigit isang libo sa kanila ang naitalang nasa impluensya ng alak.
00:15Ang detalya sa report ni Bien Manalo live. Bien, Merry Christmas!
00:21Audrey, nagpaalala o patuloy ang paalala ng Department of Health sa ating mga motorista
00:26na mag-ingat sa pagmamaneho ngayong holiday season, lalo pa at tumataas ang kaso ng road crash accidents tuwing kapaskuhan.
00:36Magdadalawang taon ang rider ng isang motorcycle-wide healing app si Ramon Alonso Jr.
00:41Ito na, ang kanyang naging paraan para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa araw-araw.
00:48Umaabot ng halos dalawang libong piso ang kanyang kinikita kada araw kung malakas ang pasada.
00:54Pero, may araw din na mahina ang kita na umaabot lang sa P350 ang kanyang nati-take home,
01:01lalo na pag ganitong holiday season na sapat na ani ang pambili ng bigas at ulam.
01:06Mas maganda po yung may pasok. Kasi po, pagka may pasok, meron po kami booking.
01:13Kumpara po sa holiday, itingnan niyo po, wala po kayo nakikita ng mga masada.
01:18Kasi nga, wala po mga lamang, wala po mga pumapara.
01:22Bukod sa magandang kita, mahalaga rin aniya na makauwing ligtas sa kanyang pamilya
01:27at maihatid ng maayos ang kanyang pasahero sa destinasyon nito.
01:31Kaya todo ingat ang kanyang ginagawa para makaiwas sa aksidente sa lansangan.
01:36Hindi rin siya nagmamaneho ng nakainoma.
01:38Kung inaantok ako, hinihinto ko talaga. Kasi pagka inaantok ka, tapos tinuloy mo,
01:48minsan nakikita mo na lang nakapikit ka na pala.
01:51Dapat mag-iingat sila kasi may mga motorista na nag-iingat.
01:56Kaso, yung mga nakainom, yun ang walang ingat.
02:00Kasi siyempre, yung mga lasing yan, yung pidaan nila ng silinyador, hindi nila kontrolado.
02:07Kaya yung disgrasya lagi nandyan.
02:10Nagpaalala ang Department of Health sa mga motorista na mag-iingat sa pagmamaneho ngayong holiday season.
02:16Base sa datos ng DOH, tumataas ang naitatalang kaso ng road crash accidents tuwing kapaskuhan.
02:23Umaabot sa mahigit labing isang libong pasyente ang isinugod sa mahigit dalawang daang ospital sa buong Pilipinas
02:29dahil sa road crash injuries mula yung Desyembre noong nakaraang taon hanggang Enero ngayong taon.
02:36Tinatayang aabot naman sa mahigit isang libo sa kanila ang nasa impluensya ng alaka.
02:41Kaya payo ng kagawaran, magpahinga at huwag kuminom ng alak bago magmaneho para maiwasan ang aksidente.
02:47Let's try to go beyond the disciplina mindset and ano yung mali sa kalsada, bakit nangyari yun in the first place.
02:59Humans will make mistakes and yung pinaka-goal po ng job natin sa road safety ay when humans make those mistakes,
03:09it will not result to their death or other people's death.
03:13Samantala, sinimula na rin ni Health Secretary Ted Herbosa ang paglilibot sa mga ospital na bahagi ng Ligtas Christmas Campaign.
03:21Paiigtingin pa ang information drive sa mga motorista para maiwasan ang anumang aberya sa kalsada.
03:27Bukod sa road crash injuries at tututukan din ang ahensya ngayong holiday season,
03:31ang mga kaso ng sakit sa puso, acute stroke, bronchial asthma at fire-related injuries.
03:37Siniguro naman ang health department na tuloy-tuloy ang pag-agapay ng zero balance billing sa mga DOH hospital
03:44para sa ating mga kababayang maa-admit ngayong holiday season.
03:48Audrey, isa pinakahuling tala naman ng DOH, mayroon na tayong pitong individual na naitalang naputukan as of December 23
03:58at apat sa kanila ay pawang labing siyam na taong gulang pababa.
04:02Karamihan sa kanila ay naputukan ng boga at five star.
04:05Kaya payo ng kagawara na agad isugod sa ospital ang kung sino mang maaksidente tulot ng paputok
04:11at tumawag sa National Emergency Hotline na 911 para sa Emergency Medical Assistance.
04:17At yan ang update. Balik sa iyo, Ninong Audrey, and Merry Christmas.
04:20Yan, Merry Christmas. Ingat po sa ating mga kababayan na iwasan na lang yung mga paputok na yan para iwas sa desgrasya.
04:26Maraming salamat, BN Manalo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended