Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
DOH, nagpaalala sa publiko na tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ngayong holiday season; Publiko, hinimok na umiwas na sa pagpapaputok | ulat ni Joyce Salamatin

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinaigting pa ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers' Welfare Administration
00:05ang pagpapalaka sa iba't ibang programang magbibigay proteksyon at mga ngalaga sa mga OFW.
00:12Yan ang ulat ni Bian Manalo.
00:15Bumabangon ako para sa aking pamilya, sa mga gusto kong tulungan.
00:23Pamilya ang naging kalakasan ni Evelyn para magpatuloy sa buhay.
00:35Siya ang tumatayong breadwinner.
00:37Mahigit dalawang dekada siyang naging overseas Filipino worker.
00:41Walong taon siyang nagtrabaho bilang domestic helper sa Syria,
00:44tatlong taon sa Dubai at walong taon naman sa Riyadh, Saudi Arabia.
00:48At sa darating na December 30, ang nakatagdang flight niya pabalik ng Riyadh.
00:53Malungkot man, dahil hindi sila magkakasama sa pagsalubong ng bagong taon,
00:58kailangan niyang magpatuloy alang-alang sa kanyang anaka.
01:01Hindi kayang pinansya tapos gusto namin makaahon din kahit konti.
01:07Kulang pa rin kasi pag dito ang trabaho namin.
01:10Nag-try na ako dito noon pero hindi pa rin.
01:14Kulang pa rin po.
01:15Pero masaya na rin ako at least nakakatulong po.
01:19Habang kaya pa, okay lang po.
01:21Plano na niyang tapusin ang kanyang kontrata sa Riyadh
01:24at manatili na lang dito sa Pilipinas,
01:27makapag-ipon at magtayo ng sariling negosyo.
01:30At ngayong kapaskuhan, ang tanging hiling niya.
01:33Wish ko lang po maging healthy ang pamilya,
01:38maging okay po, walang ano.
01:41Yan lang po.
01:41Sana po, mas matagal pa po ang maging malakas pa.
01:48Habang buhay, kaya pang trabaho.
01:52Hanggat kaya pa po, magkatrabaho pa rin.
01:56Gaya ni Evelyn, pamilya rin ang inspirasyon ni Catherine
02:00para bumangon at lumaban sa buhay.
02:03Bukod sa kanyang anak, sinusuportahan din niya
02:05ang kanyang mga magulang at kapatid.
02:08Pero di gaya ni Evelyn, wala pa siyang balak huminto sa pangibang bansa
02:12para mabigyan na magandang kinabukasan ng kanyang anaka.
02:15Mag-isa lang akong buhubuhay sa kanya.
02:18Kaya kailangan po pang mag-ipon pa.
02:20Kailangan mag-extend na mag-extend.
02:22Sa pamilya ko po, sana po, lagi po silang nasa maayos na kalagayan.
02:27At saka sa anak ko rin po, ganun din po.
02:32Walong taon siyang nagtrabaho bilang waitress sa isang five-star hotel sa Jeddah, Saudi Arabia.
02:38At mismong sa araw ng bagong taon, ang nakatakda niyang flight pabalik roon.
02:42Bumabangon na po para po sa pamilya ko.
02:45At sa anak ko po, sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko.
02:52At para rin po sa buong Pilipinas.
02:56Ilan lang si Evelyn at Catherine sa mga tinagurianga bayani sa modernong panahon
03:02ang ating magigiting na overseas Filipino workers na nakikipagsapalaran sa ibang bansa,
03:07mabigyan lang ng magandang kinabukasan ng kanilang pamilya sa Pilipinas.
03:12Ang Department of Migrant Workers, Kaagapay,
03:15ang Overseas Workers Welfare Administration,
03:18pinaiting pa ang mga programang kakalinga at mga ngalaga
03:21sa kapakanan at karapatan ng mga OFW.
03:24Katunayan, nasa sampung bilateral labor agreements
03:28ang nilagdaan ng DMW ngayong taon
03:30na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino
03:34na nais magtrabaho abroad.
03:36Mayroong mahigit apat na pong migrant workers offices sa ngayon
03:40sa iba't ibang panig ng mundo
03:41ang umaalalay sa mga OFW.
03:44Tuloy-tuloy din ang paghatid ng tulong ng ahensya,
03:47lalo tigit sa mga distressed OFW,
03:49sa pamamagitan ng action fund na nagkakahalaga ng 2.2 billion pesos.
03:54Mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon,
03:57umabot na sa 2.18 billion pesos
03:59ang naipamahaging tulong ng DMW
04:02sa mahigit 160,000 OFWs
04:05kasama na dyan ang mga lubhang naapektuhan ng gulo sa gitnang silangan.
04:09Tuloy-tuloy din ang kanilang repatriation program.
04:12Ngayong taon lang, umabot na sa mahigit 4,000 OFWs
04:15ang na-repatriate na.
04:17Kabilang sa kanila, ang mga naapektuhan ng giriana
04:20sa pagitan ng Syria at Hamasa,
04:22OFW mula sa Sudan at Lebanon.
04:25We continue our efforts based on the directive of the President
04:28to help our OFWs, especially those in Israel
04:31who are affected by the continuing missile attacks
04:34by Iran upon Israel.
04:36We are working on sheltering those who need homes.
04:43Pag nagdesisyon na sila,
04:44na gusto na nilang magbumalik ng Pilipinas,
04:48isang tawag lang,
04:50at we will facilitate the repatriation
04:53and their eventual reintegration
04:56through financial assistance
04:57at yung programa po ng gobyerno.
04:59Patuloy din pinalalakas ng DMW
05:02ang kanilang digital services
05:03para sa mga OFW.
05:05Umabot na sa mahigit kalahating
05:07milyong digital transactions
05:08ang naitala ng ahensya
05:10sa rollout ng OFW PAS.
05:12Aabot naman sa mahigit
05:14isang daang libong benepisyaryo
05:15ang nahatira ng tulong medikal
05:17ng OFW Hospital sa Pampanga
05:19na kasalukuyang nasa level 2 na.
05:21Aabot sa mahigit
05:22limampung libong returning OFWs
05:25ang natulungan ng reintegration program.
05:27Kasama na rito ang mahigit
05:29600 OFW teachers
05:31na nakakuha ng trabaho
05:32sa mga pampublikong eskwelahan.
05:34Sa ilalim yan,
05:35ng sa Pinas Ikawang Bamser Program.
05:38At mahigit 800,000 OFWs naman
05:41ang naservisyohan na ng OFW lounges
05:44sa Dinoy Aquino International Airport
05:46na bahagi ng mandato ng ehensya
05:48ang maging tahanan ng mga OFW
05:51saan man sa mundo.
05:53Bien manalo!
05:54Para sa Pambansang TV
05:56sa Bagong Pilipinas!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended