00:00Department of Social Welfare and Development patuloy sa pagpapatupad ng mga programa kontra kahirapan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur
00:09tayo matapos maitala ang pagtaas ng antas ng kahirapan sa probinsya.
00:13Si Noel Talacay sa Sentro ng Balita.
00:18Tagalinis at Belboy ng isang maliit na hotel si Christian sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, Mindanao.
00:25Aminado siya na kabilang siya sa mga mahihirap na mga Pilipino.
00:30Kulang po sa budget yung pangaraw-araw namin.
00:36Tapos yun po, mararamdaman mo.
00:40Palagi yung pambili ng pagkain, kulang na kulang pa rin.
00:48Dahil sa kanyang sitwasyon, rumarakit siya sa paggawa ng tula at kanta kung saan binabayaran lang siya ng 300 pesos hanggang 400 pesos.
00:58Au, sa isang buwan po, kahit may isa lang, may kadalawa.
01:05Ayon sa Philippine Statistic Authority, tumaas ang poverty incidence sa Zamboanga del Sur.
01:11Noong 2021, kada sa sampung pamilya sa Zamboanga del Sur, dalawa sa kanila ang kinukonsiderang mahirap.
01:18At noong 2023 naman, sa sampung pamilya, tatlong pamilya na ang kinukonsiderang mahirap.
01:25Batayan ng PSA, makukonsiderang mahirap ang isang pamilya na may limang biyembro sa Zamboanga del Sur kung may kita ito na hindi aabot ng mahigit 11,000 pesos noong 2021.
01:38At noong 2023 naman, hindi umaabot ang kita sa mahigit 13,000 pesos.
01:45Dahil dito, hindi rin natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pagkain at non-food items.
01:52Pero positivo ang probinsya na malalampasan din ito.
01:56Actually, yung poverty incidence dito, noong 2021, hindi kami mataas but the PSA increased the threshold of the family income to 13,000 plus before 11,000 plus lang.
02:11With the assistance from the national government, I think slowly ma-co-up din namin yung poverty incidence ng province.
02:22Binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchelian ang lalawigan ng Zamboanga del Sur para tingnan kung ano ang magagawa ng ahensya para matugunan ang kahirapan ng nasabing lalawigan.
02:34Ayon kay Gatchelian, meron mekanismo ang kanyang ahensya para sa development ng isang mahirap na lugar.
02:41Kaya nga ako nandito ngayon kasi this is an operationalization of what the President said during his SONA.
02:48Na there is no area too far from him. There is no municipality or barangay so far from him.
02:55He will send all the cabinet secretaries to make sure that development gets to those areas that needs it the most.
03:01Sa ngayon ipinatutupad ang ilang proyekto ng DSWD sa ilang lugar ng Zamboanga del Sur na may kinalaman sa pagtugo ng kahirapan tulad ng kalahisids at marami pang iba.
03:13Noel Talakay para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.
03:16Co.