00:00Pinaghahanda na ng Philippine Ports Authority ang mga passenger terminal
00:03dahil sa inaasang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan ngayong holiday season.
00:08Yan ang ulat ni Vel Custodio.
00:11Mataas na tilang ng mga pasahero ang inaasahan sa mga pantalan simula ngayong araw
00:16hanggang sa January 5 ayon sa Philippine Ports Authority.
00:20Sa tansya ng PTA, maaaring umabot sa 4.6 million passengers ang kabuoang bilang ngayong holiday season.
00:27Mas mataas sa 4.4 million passengers oung nakarang taon sa parehong panahon.
00:32Kaya nagbigay na ng direktiba ang ahensya sa mga passenger terminals
00:36na manatiling handa sa dami ng darating na pasahero sa mga susunod na araw.
00:41Number one, doon na lamang sa ticketing process, siguraduhin nila na walang mga fixer
00:46sa vicinity ng mga terminals natin na mabibiktima sa mga pasahero natin.
00:51Number two, siguraduhin nilang malinis yung mga terminals natin.
00:54There is enough accommodation for our passengers, particularly yung amenities, yung mga toilets, mga comfort rooms.
01:03Kailangan malinis, kailangan may tubig, kailangan maayos.
01:09At siguraduhin din nila na yung mga terminal natin, umaandar lahat ng aircon.
01:16Nakikipagtulungan ng Port Police sa Philippine Coast Guard at Philippine National Police Maritime Group
01:21maging sa mga force multipliers at security personals para siguraduhin ligtas ang biyahe ngayong holiday season.
01:29Aapot sa 3,000 security personnel, PCG at PNP Maritime Group ang ipapakalat sa mga pantalan sa bansa.
01:36Handa rin umagapay ang mga otoridad kung sakali mang may mga taong ma-stranded sa mga pantalan.
01:43May nakahanda na rin medical assistance at ready-to-eat food packs mula sa Department of Social Welfare and Development.
01:49Ang pinanawagan lang natin, time and again, is na sana as the terminals are well prepared for the influx of passengers,
02:00na sana yung ating mga operators ng mga shipping line natin will also meet the demand na dapat mag-deploy na din sila ng karampatan
02:09at sapat na dami ng mga barko para sa mga kababayan natin.
02:15On the part naman ng mga kababayan natin, ang inihingi natin ay magplano ng maaga, mamili ng tiket ng maaga,
02:21planuhin nila yung biyahe nila ng maaga para maging maayos at maging komportable yung biyahe nila
02:27at yung kanilang Pasko ay maging masaya at hindi maging parusa.
02:33Samantala, kasunod ang pagtaasang revenue ng PPA sa 10% na nasa P24.97 million pesos,
02:41patuloy ang pagpapalawak at pagpapaganda ng serbisyo ng mga pantalan, lalo na sa mga pasilidad na nasira ng kalamidad.
02:48Nitong nakaraang linggo lamang, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang launching ng Banago Port.
02:54Kabilang ito sa mga lalagyan na free shuttle service sa PPA mula sa passenger terminal hanggang sa ports.
03:00For those terminals na malalayo yung tataha, kinulalakan yung mga kababayan natin,
03:07PPA starting next year will be deploying shuttle services from the passenger terminal building direct to the ramp
03:14with buses exactly the same as the buses being used at our airports.
03:21Kabilang sa gagawing deployment ng shuttle service ang Batangas, Lucena at Kalapan Ports.
03:27Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments