Mga Kapuso, ingat sa mga magmamaneho kung malayo ang biyahe ngayong kapaskuhan. Sa Pangasinan, limang sasakyan ang nagkarambola matapos umanong makaidlip ang isa sa mga driver.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, ingat sa mga magmamaneho, lalo kung malayo ang biyahe ngayong Kapaskuhan.
00:05Sa Pangasinan kasi, limang sasakyan ang nagkarambola.
00:09Matapos umanong makaidlip ang isa sa mga driver.
00:12Nakatutok si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:19Mula sa tamang lane ay lumipat ang van sa kabilang lane ng kalsadang ito sa Pusorubyo, Pangasinan.
00:24Doon nanasalpok ng van ang kasalubong na truck na tinamaan naman ang kasunod na tricycle.
00:30Tinamaan din ang isang nakaparadang sasakyan, habang ang van tinamaan na rin ang sasakyan sa likod nito.
00:38Sa gitna niyan ay tumilapon ang tricycle driver hanggang sa pumailalim sa truck.
00:47Ligtas naman siyang naialis mula sa ilalim ng truck kasunod ng pagresponde ng mga otoridad.
00:52Ang pagkataalam ko ma'am, na-lose control siya doon sa sasakyan niya.
00:56Possibly, baka nakaidlik.
00:58Inagaw po niya yung linya ng truck, kaya nagkaroon po sila ng magaan.
01:01Bukod sa tricycle driver ay sugatan at nagtamuri ng bali ang mga driver ng truck at van.
01:06Habang sugatan din, ang tatlo pang individual.
01:09Sa ngayon ay nasa ligtas ng sitwasyon ang mga nasugatan sa aksidente.
01:12May dumating na relatives po dito sa police station, yung lahat ng involved parties ma'am.
01:18May initial naman po silang usapan dito na willing naman po silang makipagsettle.
01:23Sinusubukan pang kunin ng GME Regional TV 1 North Central Luzon ang panig ng mga sangkot sa insidente.
01:30Ayon sa mga otoridad, madalas talaga ang aksidente sa kalsadang bahagi ng National Highway na nagdurugtong sa bayan ng Sison at Pusorubyo.
01:37Paalala nila sa mga magbabiyahe ngayong Kapaskuhan, sumunod sa batas trapiko at tiyaking na sa maayos na kondisyon ang katawan upang maiwasan ang disgrasya.
01:47Mula sa GME Regional TV at GME Integrated News, Sandy Salvasio, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended