Skip to playerSkip to main content
May ilang linggo pa bago ang Semana Santa, pero tila nagpepenitensya na ang maraming Pilipino dahil sa mega oil price.


Una na sa mga tila nagpasa ng krus ang mga tsuper, dahil nakakaltasan ang naiuuwing pera para sa pamilya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May ilang linggo pa bago ang Semana Santa pero tila nagpe-penitensya ng maraming Pilipino dahil sa mega oil price.
00:09Una na sa mga tila nagpasa ng cruise ang mga tsuper dahil nakakaltasan ang naiuwing pera para sa pamilya.
00:17Ang kanilang panawagan, kinuwento nila kay Jonathan Andao.
00:24Sa taas na ng presyo, hindi na kumasya ang three-digit na presyo ng diesel ngayong araw.
00:31Sa digital price board ng gasolinahang ito, mano-mano na ang ginawang paglalagay ng presyo.
00:37Sa nakalap na datos ng GMA Integrated News Research, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa Metro Manila na lumagpas sa
00:44isang daang piso ang kada litro ng diesel.
00:47Ang presyong yan, ngayon lang daw naranasan ang tsuper na si Elmer na tatlong dekada ng jeep ni Driver.
00:54Imbis kumitasan ako ng mga 700 ngayon, 300 na lang maa-away ko.
00:59Dalawa na lang ako kumakain eh.
01:01Sa umaga na sa gagabi na lang eh.
01:03Mamirinda na lang ako sa tangali.
01:05Kasi kung kainan pa niyo mo, wala na.
01:07Kasi mahalang bilhin na talaga pag kumain ka eh.
01:10Lagpas 1,500 pesos daw ang nalikom ni Elmer sa kalahating araw na pamamasada.
01:14Kalahating araw lang dahil dalawa raw silang tsuper ang nagre-reliebo sa pasada sa iisang jeep kada araw.
01:20Tig 450 pesos sila ng boundary.
01:23Lagpas 800 pesos daw ang nagasos niya sa diesel.
01:26Sa tatlong ikot niya kanina sa rutang Project 2-3 at Welcome Rotonda.
01:30Kaya ang malinis na nauwi niya, 300 pesos na lang.
01:34Pagkakasyahin niya pa ito sa pagkain niya at sa ipadadalang sustento sa Angono Rizal para sa misis at sa isang
01:40anak na nasa kolehyo.
01:41Sabi ko magtipid-tipid ka lang muna anak.
01:44Hindi nga ako nagpadala ngayong linggo kasi simpre eh.
01:46Minsan 300 lang sinasombra ako.
01:49Sabi ko hindi lang lang ako magpadala.
01:51Ipaipunin ko lang muna bago ko ipadala.
01:54Sa jeep na lang din daw natutulog si Elmer habang nasa Quezon City dahil nangihinayang sa pamasahe kung uuwi pa
02:00sa Rizal.
02:01Ang plano ngayon ni Elmer pakiusapan ang kanilang operator na bawasan naman ang boundary nila.
02:06Kasi yung boundary namin 900 talaga.
02:08Kahit 700 na lang, yung 200 para idagdag na lang sa diesel.
02:12Ang tugon ngayon ng gobyerno ay UDA o fuel subsidy na tingli-limang libong piso kada driver ng PUV o
02:18public utility vehicle.
02:20Pero hindi raw yan ang pinakakailangan ngayon ng mga kagaya ni Elmer.
02:24Kahit ibalik na lang sana sa 50 yung diesel, kahit wala na kaming ayuda.
02:28Kasi yung 5,000, waliwala lang yun sa araw-araw naming gabibya eh.
02:34Batid ni Elmer na ang gyera sa gitnang silangan ang dahilan ng pagtaas ngayon ng presyo ng krudo.
02:40Ang hindi lang daw niya lubos sa kalain, ang bakbaka ng mga higanteng bansa sa mga maliliit sa lipunan tatama.
02:48Higit kailanman, ngayon daw nila pinakakailangan ang tulong ng pamahalaan.
02:54Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal na nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended