00:002 million piso, ganyang halaga raw ang ibinayad para ipadukot ang isa sa mga nawawalang sabongero.
00:07Ayon yan, sa lumutang na whistleblower, na isa po sa mga akusado sa kaso,
00:12ang sinapit-umano ng mga nawawalang sabongero, unti-unti nang nagkakalinaw sa aking eksklusibong pagkakalinaw.
00:21Ito ang kuha ng CCTV ng dukutin mula sa kanyang bakay sa San Pablo, Laguna,
00:26si Ricardo John John Lasko noong Agosto 2021.
00:30Si Lasko, ang 44 anyos na master agent ng online sabong,
00:34na isa sa 34 na mga sabongerong may apat na taon na ngayong nawawala.
00:39Ang nangyari kay Lasko, unti-unting nabibigyan linaw sa pagluta ngayon ni Alias Totoy.
00:45Isa sa siyam na kinasuhan sa kaso ng mga nawawalang sabongero pero ngayon nagpa siyang bumaliktad.
00:51Ayon kay Alias Totoy, kinuha daw si Lasko para pigain.
00:55Ukol sa kanyang kinalaman sa pagpirata umano ng online sabong broadcast.
01:01Pinatrabaho ito kay Alias Totoy para rodukutin si Lasko.
01:05Dalawang milyong piso ang ibinayad sa isang grupo na hindi niya muna pinangalanan.
01:09Hindi rin nga sinabi kung sino ang nagutos at nagbigay ng pera.
01:13Ako mismo ang nagbayad sa kanya ng una, 2 milyon para anuhin yun.
01:19Kulang ng 2 milyon sir, gawa ng maraming tao ang ginamit ko dito.
01:24Si Alias Totoy, may ipinakita pa sa amin na video umano ni Lasko.
01:28Habang hawak ng mga umunoy, dumukot sa kanya pero dahil sensitibo, hindi na muna namin ito ipapakita.
01:36Sa investigasyon ng Special Investigation Task Group Sabongero,
01:40natukoy na mga pulis Laguna ang nasa likod ng pagdukot kay Lasko.
01:44Tatlong pulis ang kinasuhan dito.
01:45Kanina, nakausap sa telepono ng pamilya ni John John, kasama ng iba pang pamilya ng mga nawawala, si Alias Totoy.
01:53Gusto ko lang malaman kung nasaan ang anak ko, kung anong ginawa nila.
01:57Sa totoo lang, Nay, katulad ng sinabi ko kahapon, wala na po tayong pag-asa na mabuhay pa ang anak niyo dahil wala na siya.
02:06So, pasensya na kayo, Nay, at masakit din para sa akin na mawalan din ang pamilya.
02:12Pero, Nay, ako ang susi ng lahat at makita niyo, makamit niyo ang mustisya.
02:20Gaya ng iba, masakit man daw tanggapin na patay na ang kanilang mga makalas sa buhay,
02:24na buhay naman daw ang pag-asa nilang makakamit ang mustisya sa paglutang ni Alias Totoy.
02:30Ito pong witness ito ay sa aming tingin ay credible, sapagkat lahat ng informasyon na lalaman niya.
02:39May personal knowledge siya rito eh. Ito po ang inaantay nila eh.
02:43Pag hindi po kayo kumilis dito, ibang usapan na naman po ito.
02:46John, anak, ito na ang pagkakataon, dininig na ng Panginoon.
02:53Ang kadagtong ng buhay ko, anak, ang makikita ka pa kahit na buto na lang.
03:03Tanggap ko na. Sana bago ako pumanaw, malaman ko kung nasaan ka.
03:10Nanawagan ang pamilya ng mga nawawalang sabongero sa Pangulo at sa pulisya.
03:14Ginuong Pangulo, kami po ay naniniklohod sa inyo.
03:19Hindi po namin inaasahan ng milagro.
03:21Ang hinihiling lang po namin ay isang malasakit.
03:24Ang inyong pakiusapan ng mga ahensya na mulimbuksan ang investigasyon.
03:29General Torre, kayo na po ang pangwalong PNP chief na naupo mula nung pumutok ang kaso ng mga nawawalang sabongero.
03:37Kaya't kami nananawagan, kailan po kikilos ang PNP.
03:41Hinihiling po namin ang isang formal na case conference.
03:44Ang PNP, handa raw na umalalay para bigyang proteksyon ng testigong posibleng makapagbigay ng linaw sa kaso.
03:50Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Comments