Skip to playerSkip to main content
Dahil hikahos sa buhay, nagpasaklolo sa inyong kapuso action man ang isang pamilya para maipagamot ang kanilang anak. Ilang beses na umano itong nasasangkot sa pagnanakaw kaya ikinakadena na lang?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, dahil hikakos sa buhay,
00:06nagpasaklolo sa inyong Kapuso Action Man ng isang pamilya para maipagamot ang kanilang anak.
00:11Ilang beses na umano itong nasasangkot sa pagnanakaw, kaya ikinakadena na lang?
00:21Nagpasaklolo sa inyong Kapuso Action Man ang isang inang itago natin sa pangalang Jenna.
00:26Ang 13-anyos niya kasing pangalang, inaanak na si Eric, hindi niya tunay na pangalan,
00:32umabot na sa puntong kinailangang ikadena sa loob ng bahay.
00:39Kasi po pag hindi po namin ginawa, lumalaki po nang lumalaki yung problema niya po ma.
00:45Pagnanakaw po siya ma'am.
00:47Ilang beses na umano itong nasangkot sa mga kaso ng pagnanakaw ang anak na hindi na umano nila kayang makontrol.
00:53Yung redskiss pa po siya sir.
00:56Hindi ko, sir, maintindihan eh.
00:59Kasi pag tinatanong po siya, sir, nakakausap po siya ng ayos.
01:04Kaso hindi ko po alam kung pinapakinggan niya ako o hindi.
01:08Kasi kung paulit-ulit lang po yung problema niya.
01:11Tinatali po namin siya kasi dalawang beses niya na kami tinakasan.
01:17Pagka po matutulog na po,
01:19alas 3.30 po ng umaga,
01:22tinatanggal ko na po kasi susama na po siya ng tatay niya sa laot.
01:26Aminadong walang pinansyal na kakayahan si Jenna kaya nangingina siya ng tulong mapatignan sa eksperto ang anak.
01:32Gusto ko lang po matulungan ako sa problema lang po talaga sa anak ko, sir.
01:37Hindi po namin kayang bayaran yung mga nakukuha niya kasi malalaki pong halaga.
01:41Ang naturang sumbong, agad nating idinulog sa DSWD Region 5.
01:49Nakipag-unglaya na rin sila sa Municipal Social Welfare Development Office sa Sipocot, Camarinasur.
01:54Nakapag-home visit na rin ang social worker at ilang staff.
01:56Ang MSWDO naman,
01:59naendorso na sa Bicol Medical Center Mental Health Unit si Eric para sa isang psychological intervention.
02:05Sasailalim pa si Eric sa ilang test para makumpirma ang kondisyon at kung ano ang nararapat na gawin dito ng mga eksperto.
02:12Samantala sumasa ilalim na sa canceling si Jenna,
02:15nakatanggap din ng food at financial assistance sa pamilya na magiging beneficiary rin ng DSWD Sustainable Lighthood Program.
02:23Inirekomenda na rin si Eric na makapasok sa Depend Alternative Learning System para maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.
02:29Maraming salamat po kasi sa panahon pong walang-wala akong maisip kung saan ako lalapit.
02:36Nagbakasakali lang po ako sa kanya kahit pa paano po nababawasan yung bigat ng dinadala ko.
02:41Mission accomplished tayo mga Kapuso.
02:47Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
02:51o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner Summer Avenue, Diliman, Quezon City.
02:57Dahil sa anumang reklamo, pang-abuso o katewalihan,
02:59may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended