Skip to playerSkip to main content
Bukas na ang opisyal na simula ng simbang gabi! Pero siyempre ngayon pa lang ay may mga anticipated simbang gabi na. Dagsa ang mga deboto lalo yung may mga panalangin at hiling para sa pasko!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, bukas na ang official na simula ng Simbang Gabi.
00:04Pero syempre, ngayon pa lamang, may mga anticipated Simbang Gabi na.
00:09Dagsa ang mga deboto, lalo yung may mga panalangin at hiling para po sa Pasko.
00:14Mula sa Quiapo Church, nakatutok live si Mark Salazar.
00:18Mark!
00:21Emil, nagsisimula na yung 9-day anticipated mass o yung Nisa de Aguinaldo.
00:28So, itong anticipated masses ay para dun sa mga hindi uubra ang schedule
00:32para magsimba dun sa Misa de Gallo na magsisimula namang bukas ang madaling araw.
00:43Bukod sa pista ng itim na poong Nazareno tuwing Enero,
00:47karaniwang dumadag sa tuwing unang biyernes ng buwan
00:50ang mga deboto sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila.
00:56Kalakip ng malalim na debosyon at pananampalataya ng mga deboto
00:59ang panalangin matupad ang kanilang hiling, personal man o para sa kapwa.
01:05Pero para sa mga debotong dumalo sa unang anticipated mass sa Quiapo,
01:09extra special kung makukumpleto ang siyam na araw ng Simbang Gabi.
01:14Sa paniwalang matutupad daw ang anumang wish mo kung magawa mo ito.
01:17Ganyan din ang paniwala ng ilang magsisimba sa St. Peter Parish sa Commonwealth Quezon City
01:24na inabuta namin kanina na binibihisa na pampasko bilang paghahanda rin sa anticipated masses.
01:31Karamihan ang dasal ng nakausap namin ay para sa pamilya bago ang sarili.
01:36Na maging maayos yung pamumuhay namin sa buong pamilya namin
01:43and then lalong-lalong na po yung health po ng magulang namin.
01:46Lalong-lalong na po yung ate ko po.
01:48May bago po siyang journey sa ibang lugar naman po.
01:53Sa sarili ang maging RMT po, medtech po.
01:57Pero hindi naman kailangang may misa para bumulong sa Diyos ang mga parishioner.
02:03Si Luz Corpus nagsadya sa St. Peter Parish para ipagpasalamat na tapos na ang kalbaryo ng kanyang asawa.
02:10Maayos ang kanyang paglisan.
02:12Although there are some konting nahirapan siya sa dialysis.
02:18But eventually I know he is now with the Lord.
02:24And I thank the Lord for that.
02:26My husband came back to the Lord kasi hindi siya pala simba.
02:33But eventually nung ano na.
02:36Walang malaki o maliit na dasal dahil iba't ibang hamon ng tao.
02:40Pag stress po sa mga homework po, seat work, ganyan po.
02:45Lagi po kong humingi ng gabay ng tulong kay Lord.
02:48At binibigyan naman po niya sa akin yung mga hinihiniling ko po.
02:56Sa mga diboto ng Jesus Nazareno, ongoing na po yung 7pm anticipated mass.
03:03Meron pang 8pm all nights hanggang December 23.
03:09Samantala bukas naman yung Misa de Gallo magsisimula ng 4am.
03:13At meron pa uling 5am all mornings naman hanggang December 24.
03:17Maraming salamat Mark Salazar.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended