00:00Ang impeachment complaints naman laban kay Pangulong Bombong Marcos tuluyan na ibinasura ng Kamara.
00:06Ayon kay Rep. Jerville Luis Tro, na Chairperson ng Committee on Justice sa January 27, 2027 na ulit pwedeng maghain ng impeachment complaints laban sa Pangulo, alinsunod sa one-year bar rule.
00:19May unang balita si Mark Salazar.
00:21The impeachment complaints filed against the President, Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr., are hereby dismissed.
00:34284 na botong yes ang nakuha, kaya inapurubahan ng plenaryo ng Kamara ang resolusyong nagpapatibay sa Committee Report 111 ng House Committee on Justice
00:44na nagbabasura sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:49Sa pagsusuri ng Committee on Justice, sufficient and form ang parehong reklamo.
00:55Pero bagsak pagdating sa sufficiency in substance.
00:58Sufficiency in substance is not measured by the volume of bare allegations and annexes that are unsubstantiated by personal knowledge and authentic records.
01:16Madam Speaker, sa pagtukoy, kung may sapat na substance, laging kinikilala ng Committee on Justice ang sound discretion ng bawat miyembro rooted in their individual appreciation of facts.
01:37In these two complaints, malinaw po ang naging disisyon ng Committee on Justice.
01:45The substance is insufficient.
01:50Walo ang bumoto ng no at apat ang nag-abstain.
01:53And then came the allegations made by former Congressman Zaldico.
01:57Even if his statements were not under oath, they were serious enough to damage public trust.
02:03They were serious enough to raise new questions.
02:06Hindi mabubura ang nangyaring pagboto ng Kamara ang mga pagdududa.
02:10Lalo lang nitong paparamihin ang mga tanong.
02:13It does not protect credibility.
02:15It weakens it.
02:16It does not clear the President's name.
02:19Walang closure.
02:20It ensures that the questions will haunt him for the rest of his term.
02:24Sa isang pahayag, sinabi ng nagpakilalang Duterte Block sa Kamara na hindi sila bumoto kaugnay sa mga impeachment complaint laban sa Pangulo.
02:33Anila, tumanggi silang maging props sa produksyon na nagpapanggap umanong naghahanap ng hustisya.
02:39Habang hindi naman daw napapanagot ang mga dapat mapanagot.
02:43Sa mensaheng ipinadala sa GMA Integrated News,
02:46sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nasiyahan ang Pangulo sa naging pasya ng Kamara.
02:53Alinsunod sa one-year bar rule sa Saligang Batas,
02:57sa January 27, 2027 na muli pwedeng maghain ng panibagong impeachment complaint laban sa Pangulo.
03:05Gumulong ang isang taong ban nang ma-i-refer sa Justice Committee ang mga impeachment complaint
03:10na nangyari noong January 26, 2026.
03:14Ito ang unang balita, Mark Salazar para sa GMA Integrated News.
Comments