00:00I-dinetalya na nga ni Alias Totoy ang papel ni Naatong Ang at Gretchen Barreto sa kaso ng mga missing sabongero.
00:08Exclusibo siyang lumantad at nakapanayam ni Emil Sumangil na hindi bumitaw sa istoryang yan simulat sa pool.
00:16At kasama natin si Emil live.
00:18Emil, katatapos lang ng panayam mo.
00:24Vicky, sino ba si Alias Totoy?
00:26Ngayong hapon, nagpasya na siyang ipakilala ang kanyang sarili.
00:31Si Julie Aguilar Patidongan, hepe ng security agency na may hawak ng mga farm pati na ng mga sabongan ng negosyanteng si Atong Ang.
00:42Exclusibo natin siyang nakaharap ngayong hapon at narito ang aking ulat.
00:47Sa kauna-unakang pagkakataon, pumayag na siyang ilabas ang kanyang tunay na pangalan.
01:01Siya si Julie Dondon Patidongan, ang head ng security ng ilang mga sabongan ni Atong Ang.
01:07Isa rin siya sa anim na kinasuhan sa pagkawala ng mga sabongero sa iba't ibang lugar sa bansa.
01:14Pinangalanan na ni Patidongan ngayon ang mga mastermind daw sa pagkawala nang hindi raw bababa sa sandaang mga sabongero.
01:23Kasama sa kanyang pinangalanan ang negosyanteng si Charlie Atong Ang,
01:28ang aktres na si Gretchen Barreto na kilalang malapit kay Ang at dalawang iba pa.
01:35Kung ano raw ang kanikanilang mga papel, ipinaliwanag ni Patidongan sa aming panayam.
01:40Nagpa-interview si Patidongan ngayon dahil kung ano-ano na raw ang bintang na ibinabato sa kanya ng mga kalaban.
01:49Nanawagan din siya sa apat na umunoy mga dating gwardya na lumantad na nanawagan sa kanya na huwag silang idamay sa kaso.
01:56Ilang araw na lang daw, lulutang na siya.
01:59Inaantay na lamang daw nilang makumpleto ang mga dokumento.
02:02Narito po ang sunurang pakiyag ni Julie Aguilar Patidongan alias Dondon.
02:08Nandyan sa apidabit ko yan, Mr. Charlie Atong Ang,
02:15then Eric De La Rosa, Engineer Silso Salazar.
02:19Sila ang mastermind sa nauwalang mga sabongiro.
02:23Sila ang utak ng lahat.
02:25Si Mr. Eric De La Rosa, siya ang nagmamonitor ng mga palabas.
02:30Pag alam niyang chupi, pinapaalam niya kay Mr. Atong Ang.
02:34Then mag-uusap sila ni Silso Salazar, then itawag sa akin na i-hold yung mga taong nagtsutsupi.
02:40Kasi Mr. Atong Ang, siya yung chairman ng pitmaster.
02:44Siya ang pinaka-mastermind at siya ang naguutos na talagang iligpit yung mga yan.
02:52Sa paano para?
02:53Katulad ng sinabi ko, may mga taong membro ng PNP na inuutosan para kumuha doon sa binyo.
03:02Sa mga taong nagtaka, bakit ngayon lang ako lumutang?
03:08Ngayon, lumutang ako dahil alam ko ang pinagkatiwalaan kong tao na ang ating PNP chief na si General Tore.
03:18Alam kong hindi niya kaya bayaran ng pira yan.
03:22Ano lang yung papel mo dito sa Mising Sabongero? Ba't ikaw ay kasama sa kinasuan?
03:25Sa totoo lang, wala akong kinalaman dyan at isa lang akong utusan niya na bilang parmanager.
03:34Ikaw pala ikakasuan bukas ni Atong Ang. Ano nagsasabi mo?
03:37Parang kinasuhan niya na rin yung sarili niya dahil ako kakasuhan niya, siya naman nag-uutos ng lahat.
03:43Katulad niya yung sinabi niya, nag-extortion daw ako ng 300 milyon.
03:49Para alam ng lahat, hindi ko kayang tanggapin yung pira niya.
03:55Sinabi niya na nga sa social media na bilyonaryo ako, patunayan ko na lang na ako isang bilyonaryong mini.
04:02Yun lang ang masasabi ko sa kanya.
04:06At saka, Mr. Atong Ang, sabi na nga ng mga matatanda na huwag ka na magtago sa palda ng nanay mo.
04:17Binigyan mo ako ng papel para pirmahan ko.
04:20Yung recontition ba yun na binigay mo sa akin kapalit ng pira?
04:25Sabi ko, hindi ko kayang tanggapin yan dahil buhay ko at buhay ng pamilya ang nakataya dito.
04:34At ano ng mga pamilya ng mga nawuwalan sa bungiro?
04:41Sino itong babaeng artista na ito?
04:44Yung artista na yan, walang iba kundi si Ms. Gritzen Barreto.
04:49100% na may kinalaman siya at gawa na lagi sila magkasama ni Mr. Atong Ang.
04:55Ang panawagan ko lang sa kanya para naman medyo maano siya, makipagtulungan na lang siya sa akin.
05:05Sa mahal kong presidente, BBM, Sir, sana pakinggan mo naman yung mga pamilya ng namamatayan.
05:16Ito na yung pagkakataon na tulungan niyo ako.
05:19Dahil lahat ng sinasabi ko dito, walang kasinungalingan at walang pirang kapalit dito.
05:25Vicky, ipinakita rin sa atin ni Patidongan kanin-kanin na lamang ang apat na kopya ng tinatawag na Affidavit of Recantation.
05:41At ang sinasabi ni Patidongan sa atin, ito raw ang pilit na pinapipirmahan sa kanya ng kampo ni Atong Ang.
05:47May tatlong araw na raw nakakalipas nang ipadala sa kanya ito na kasaad di umano sa Affidavit of Recantation na ito na babawiin at babaligtarin ni Patidongan
05:58ang lahat ng kanyang mga naging statement at salaysay laban sa kampo ni Naatong Ang at iba pa kapalit ng 300 million pesos.
06:10Si Patidongan Vicky ay nagtagal na, ay tatrabaho na sa kampo ni Naatong Ang may 15 taon na nakalilipas.
06:19Siya ay nagsimula bilang bodyguard at hanggang sa marating ang posisyon bilang chief security ng mga farm, ng kampo ni Naatong Ang, pati na ng mga sabungan nito,
06:32di lamang sa Metro Manila kundi sa mga karating na probinsya.
06:35Maigpit ang siguridad kung nasaan kami ngayon, ito raw ay ipinadala ng National Headquarters ng Philippine National Police
06:42para matiyak na nasa ligtas na kalagayan si Patidongan.
06:47Vicky?
06:47Sige Emil, aantabayanan natin ang iba pang update ukol sa report na ito
06:52at sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng negosyanteng si Atong Ang,
06:59dating aktres na si Gretchen Barreto at iba pang nabanggit ni alias Totoy.
07:05Sa abiso naman ng kampo ni Charlie Atong Ang, maghahain ng complaint affidavit si Ang
07:11laban kay Julie Dondon Patidongan alias Totoy.
07:15Ihahain nito ni Ang sa Office of the Prosecutors sa Lungsod ng Mandaluyong bukas.
Comments